E P I L O G U E

39 1 0
                                    

10 Year's Later...

Alwin's P. O. V.

"Sir Alwin, nandito na po 'yung delivery ng mga inorder niyong supplies." sabi ng isa kong trabahador.

Sa loob ng sampung taon ay nakaipon ako at nakapagpatayo ng sariling restaurant. Noon pinapangarap ko lang magkaroon ng sariling restaurant at ngayon ito. Hindi ko lubos ma-isip na posible pala talagang ang mga pangarap ay maging katotohanan. Basta't sasamahan mo ito ng sipag at tiyaga. May-ari na ako ng isa sa pinakatanyag na restaurant sa buong bansa. Nagawa ko ito ng dahil sa kanya. Siya ang inspirasyon sa bawat achievement na nakukuha ko. Sa bawat tagumpay na tinatamasa ko. Siya lang at wala nang iba pa.

Mayroon akong labin-limang branches all-over the Philippines and I named my restaurant after his name. Mychael's Cuisine. I named this after his dahil siya ang dahilan kung bakit nagpursigi ako. Kung bakit ko binago ang sarili ko. Kung bakit hanggang ngayon patuloy akong nagsusumikap para once na magkita kami ulit ay may maipagmamalaki na ako sa kanya at masasabi ko na ang salitang gusto niyang marinig noon pa man.

"Call Mellisa, she will check it." Sabi ko pabalik sa trabahador ko.

"Okay po Sir Alwin." umalis siya sa harap ko at lumabas ng opisina ko.

Naiwan akong nag-iisa muli sa loob ng malawak kong opisina. Napasandal ako sa swivel chair ko at napahilot sa sintido. Sobrang daming trabaho ngayon. Pero sige lang basta para sa kanya kakayanin ko.

Muli ko na naman siyang naalala. Sa loob ng sampung taon mula noong umalis siya ay walang araw na dumaan na hindi ko siya naisip. Walang araw na lumipas na hindi ko inalay sa kanya lahat ng pagod at hirap para maipindar ang restaurant kong ito. Sa loob ng maraming taon na lumipas ay hindi ako magkalakas ng loob na puntahan siya kahit alam ko naman kung saan ko siya pwedeng makita. Naalala ko pa nung araw na nagmakaawa ako kay Ken para sabihin lang kung saan siya naroroon.

"Ken pare, please nagmamakaawa ako? Saan ko siya puwedeng makita, please pare parang awa mo na." nakaluhod ko pang pagmamakaawa sa kanya.

Ilang beses na akong lumapit sa kanya para lang sabihin kung nasaan si Mychael. Pero ilang beses niya akong tinanggihan. Ngayon muli akong lumapit sa kanya at sana this time ay sabihin niya na.

"Tumayo ka." agad  ko naman siyang sinunod." Sige sasabihin ko na. Nasa Masbate na siya. Doon ang probinsya namin. "

Pagkatapos noon ay hindi ko naman siya nagawang puntahan. Hindi dahil sa wala akong pera. Naisip ko rin na kaya siya lumayo ay para makapag-isip at makahinga. Kinuha ko naman ang chance para ayusin ang sarili ko at gawin ang lahat para may maipagmalaki sa kanya. Lahat ng ito ay para sa kanya lang.

Bumukas ang pinto ng opisina kaya napatingin ako roon. Sumilip doon ang secretary ko na si Mellisa. Sinenyasan ko siyang pumasok at agad naman siyang sumunod.

"Yes?" pagtatanong ko ng makalapit siya sa table ko.

" I've already check the deliveries. Kumpleto naman po siya. I know I can just text it to you sir pero may nagpapaabot po nito kaya naisipan ko nang pumunta na rin. Personal ko raw pong iabot sa inyo. " paliwanag niya sabay abot sa akin ng isang maliit na envelope.

"Thank you, you may go now." Hindi ko na siya pinansin at tiningnan ang sobre. Walang nakasulat sa labas nito kaya binuksan ko. Kinuha ko ang rainbow colored card na nasa loob noon. It's like an invitation or something.

Nang mabuksan ko iyon ay napangiti agad ako sa nakita ko.

You Are Invited to the Wedding Ceremony of
Mr. Vincent Del Pilar and Mr. Rico Custodio.

Pare Mahal Mo Raw Ako? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon