Huling araw na namin ni Albert dito, sabi kanina ni Albert ay bukas ng umaga na darating ang helicopter na susundo sa amin dito sa isla.
Nakakalungkot isipin na aalis na kami dito, dito sa lugar kung saan bumuo kami ng maraming masasayang alaala, dito sa lugar kong saan inamin ko sa sarili ko na napatawad ko na siya, dito sa lugar kong saan maluwag ang loob at walang pag aalinlangan na ibinigay ko ng paulit ulit ang sarili ko sa kanya, at dito sa lugar na inamin ko sa sarili ko na mahal na mahal ko na siya, lunod na lunod sa pag mamahal sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na tapos na ang isang buwang pamamalagi namin dito.
Ngunit sa isang buwan na iyon, marami kaming pinagsamahan ni Albert, marami akong nalaman tungkol sa kanya, mas nagkakilala pa kami at masaya ako dahil doon. Being with him, sharing of memories with him here in Island is the happiest days of my life.
Pumunta kami dito na may poot at galit sa puso ko para sa lalaking gumahasa sa akin na napangasawa ko, pero aalis kaming labis na pag mamahal ang laman ng puso ko para sa kanya at sana'y mahal din niya ako.
Bukas babalik na kami ng Maynila, ano kayang magiging buhay namin doon bilang mag asawa?
Sisikapin kong maging mabuting asawa kay Albert, papasayahin ko siya sa abo't ng aking makakaya, gagawin ko ang lahat para mahalin din niya ako katulad ng pag mamahal ko sa kanya.
Nasa dagat kami ngayon, naliligo kanina pa. Nasa sala kami kanina habang nanonood ng maisipan naming lumabas at maligo sa dagat, kaya naman heto kami naliligo habang masayang nag aasaran.
"Honey, paanong hindi ka mag susuka ehh this past few days eh ang dami-dami mong kinakain, at ang weird pa ng mga kinakain mo" sabay tawa nito ng malakas at napasimangot naman ako. Nag suka na naman kasi ako kaninang umaga at nahilo, actualy this past few days may time na bigla-bigla na lang babaliktad ang sikmura ko at magsusuka, minsan naman nahihilo, may time din na may gusto akong kainin.
Nong isang araw nga nagpahanap ako kay Albert ng pipino tapos ginawa kong sawsawan ang ketchup, tapos apple na na slice at nilagyan ko ng gatas at syempre hindi mawawala ang bago kong paborito tuwing umaga, lagi akong nilulutuhan ni Albert ng pancake na may mayonnaise at topings na salt. Ewan, pero ang sarap non.
Ang weird nga ng mga kinakain ko kaya siguro nag susuka ako every morning.
"Eh sa iyon ang gusto kong kainin ih" napanguso pa ako na parang bata. Tumawa naman ito kaya napangiti na din ako.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito ng tatlong beses sa pisngi at nginitian ito. Napatili naman ako ng buhatin niya ako ng pasaklang kahit pa nakalublon ang katawan namin sa tubig. Ipinulupot ko ang mga paa ko sa kanyang beywang at mga kamay ko sa kanyang leeg para kumapit, siya naman ay mahigpit niyang ipinulupot ang mga braso sa aking beywang.
Tiningnan niya ako sa aking mga mata, mataman, at parang binabasa nito ang buong pagkatao ko, may nakikita din akong iba't ibang emosyon sa kanyang mga mata, lust and desire is visible on his eyes, nakatingin din ako sa kanyang mga mata.
Unti-unti nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin, hinaplos nito ang aking pisngi gamit lang ang isang kamay nito habang ang isa ay nakayakap pa rin sa aking beywang, nagtitigan pa rin kami sa mga mata.
Hanggang sa inalapat na nito ang labi niya sa labi ko at mapusok akong hinalikan na aking tinugon kaagad. Mapusok pero banayad at may pag iingat ang pinagsasaluhan namin halik, bawat paggalaw ng mga labi namin ay matinding sarap ang hatid niyon.
We kiss passionately, lips to lips, tongue to tongue. Sumasabay din ang tunog ng bawat hampas ng alon sa dalampasigan, pero hindi na namin alintana iyon.
Hanggang sa kapusin kami ng hininga at doon lang nag hiwalay ang aming labi. Habol ang hininga namin ng mag hiwalay ang labi namin, nagkatinginan kami at sabay kaming napangiti.