Ika-apat na araw ko na ngayon dito sa San Lorenzo, at kaninang umaga lang ay may natanggap akong sulat galing kay Mayor Salvador na naglalaman na sa ayaw man o sa gusto ng pamilya ko ay ipagpapatuloy pa din nito ang pagbili, kaya dahil doon ay agad ko na namang pinuntahan si Mayor Salvador sa kanyang opisina, at tulad ng una kami magkausap ay parang manyak pa rin itong tumitig sa akin.
Kahit ganoon pa man ay linakasan ko pa din ang loob ko, inisip ko nalang na para ito sa pamilya ko.
Nakipag-usap ako ng maayos dito, at tiniis na lang ang mga titig nito sa akin, ngunit sadyang matigas ang ulo nito.
Ipinaliwanag pa niya kanina sa akin kong ano daw ang kaya nitong gawin at saka nya lang daw ibibigay ang gusto ko kapag pumayag ako sa gusto niyang mangyari, ang paligayahin ko siya at ibigay ko sa kanya ang katawan ko.
Sa galit at inis ko sa kanya ay nasampal ko siya kanina at sinabihan pang bastos at walang kwentang Mayor, at agad na umalis sa opisina ng manyak na iyon.
Mukhang mahihirapan ako, pero hindi dapat ako sumoko ng ganon lang.
At ngayon ay parang pinagsisisihan ko na ang pagsampal ko sa kanya at pagsasalita ng hindi magagandang salita, paano kong may binabalak na itong hindi maganda para sa akin o di kaya sa pamilya ko, hindi ko kakayanin pag may hindi magandang nangyari sa mga magulang ko ng dahil sa akin, pero kasalanan din naman niya iyon kung bakit ko nagawa 'yon, manyak siya.
Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa mga magulang ko, mas gugustohin ko pang ako na lang ang mapahamak kaysa ang Mama at Papa ko.
Nabalik ako sa ulirat ng tumonog ang cellphone ko, and speaking of Mama, tumatawag ito na agad ko namang sinagot.
"Hella ma" mula sa sala ay nagtungo ako sa kitchen upang kumuha ng tubig.
"Hello Julia, ano kumusta ka diyan, ok ka lang ba diyan, may nangyari bang hindi maganda? Tawagan mo lang kami ng Papa mo pag nagkaproblema ha o di kaya umuwi ka na dit--"
"Hey Ma, relax I'm ok, h'wag kang mag alala sa'kin, tyaka walang masamang nangyari sa akin, kaya relax" pagputol ko sa sinasabi ni Mama, kahit kailan talaga si Mama.
"Paanong hindi mag-alala, paano kung may masamang mangyari sayo diyan?" bigla kong naalala ang pagsampal at panunumbat kay Mayor Salvador kanina at nakaramdam muli ako ng takot para sa akin at sa pamilya ko. Pilit kong iwinaglit ang isiping iyon.
"Don't worry Ma, kaya ko ang sarili ko, ikamusta mo na lang ako kay Papa, sige po Ma, bye Love you" magsasalita pa sana si Mama pero agad ko ng ibinaba ang tawag.
For sure kasi papunta kami sa kong saan kukulitin ako nito na h'wag ng ituloy ang palno at umuwi na lang ng Manila, knowing Mama.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Ngayon na paparanoid na ako sa isiping pwedeng may mangyaring hindi kaaya-aya sa akin o kay Mama at Papa.
"Mam, pwede po ba kayong makausap" napaigtad ako sa gulat ng mag salita mula sa aking likoran ang isa sa mga bodyguards ko.
"Manong, next time naman h'wag kayong nanggugulat" muntik ko na ding mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat.
Humingi naman ito ng pasensya at sinabihan ko itong sa susunod ay h'wag akong gugulatin. Tinanong naman ito kong anong ang gusto nitong sabihin.
Kailangan daw niyang bumalik ng Manila dahil naaksidente ang trysicle na sinasakyan ng asawa't anak nito.
Dahil sa awa ko ay agad ko itong pinayagan at binigyan pa ito ng pera para tulong ko sa pagpapagamot ng kanyang anak at asawa mula sa aksidente. Ayaw niya sanang tanggapin ito pero pinagpilitan ko, agad naman itong nagpasalamat at umalis. Nakakaawa naman sila, sana mailigtas ang pamilya nito.