Twenty Six

98 5 0
                                    

Nagising akong parang hinahalukay ang sikmura ko, kaya naman agad akong bumangon at mabilis na tinakbo ang toilet at doon sumuka ng sumuka. Napaluhod ako sa tiles ng bathroom kakasuka, nang hihina na din ako.

"Honey, are you okay?" nag aalala ang boses ni Albert na mabilis na lumapit sa akin at hinaplos haplos nito ang aking likoran habang patuloy pa rin akong nag susuka.

"Honey, ohh God" natataranta na si Albert dahil sa labis na pag aalala sa akin. Ilang sandali pa'y tumigil na ako sa kakasuka. Nang sa tingin ko ay hindi na kumikiwal ang sikmura ko ay dahan-dahan akong tumayo mula sa pag kakaluhod ko, para akong tinakasan ng lakas at nanghihina at parang nanginginig ang tuhod kong tinungo ang lababo at nag mumog, at ng matapos akong mag mumog ay hinarap ko si Albert at tinayakap ito ng mahigpit, nanghihina ako at nahihilo.

"Are you okay honey? You look pale" nag aalala pa rin ang boses nito habang hinahaplos haplos ang likod ko.

"Yeah, baka may nakain lang ako at hindi ako natunawan kaya nag suka ako" nanghihina ang boses na turan ko dito.

"Are you sure, gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" nag-aalala pa rin ang boses nito, napakabilis na naman ng tibok ng puso ko at parang hinahaplos ito dahil sa pag aalala nito para sa akin.

"No need honey, okay lang talaga ako at mag papahinga na lang ako ulit" bahagya itong lumayo sa akin at dahan-dahan niya akong binuhat at lumabas na ng bathroom at tinungo ang kama namin at dahan-dahan niya akong inihiga sa kama.

Nakapikit ako ng ihiga niya ako dahil kapag iminumulat ko ang aking paningin ay umiikot ito, nahihilo pa rin ako. Naramdaman ko naman ang pag lubog ng kama sa tabi ko, umupo si Albert sa tabi ko.

"Pahinga ka mo na honey, bababa lang ako at mag luluto" malambing ang boses nito at hinaplos haplos ang pisngi ko. Hinalikan niya ako sa noo bago ito tumayo na, ilang segundo lang ay narinig ko na ang pag bukas sara ng pinto tanda na nakalabas na si Albert. Kikiligin sana ako dahil sa ka sweet-tan ng lalaking iyon pero nang hihina pa rin ako at nahihilo.

Nang maramdaman kong nawala na ang pag kahilo ko ay iminulat ko na ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo, nanghihina pa rin ako ng kaunti, pero nagugutom na ako, parang gusto kong kumain ng pancake na may mayonnaise at may topings na salt.

Damn na iisip ko pa lang ang mayonnaise na may topings na asin nanunubig na ang bagang ko.

Maingat akong nag lakad palabas ng aming kwarto, pababa sa hagdan at tinungo ko ang kusina. Pag pasok ko pa lang sa kusina ay naamoy ko na ang amoy ng fried rice, lalo tuloy akong nagutom sa amoy na iyon.

"Oh honey, ba't ka tumayo ka na baka mapaano ka niyan eh, kumusta ang pakiramdam mo, okay ka na ba?" agad akong dinaluhan ni Albert at may pag aalala ang boses na sunod-sunod nitong tanong. Mahina na lang akong tumawa, damn, my Albert is so cute, kinikilig na naman ako, parang may humaplos sa puso ko knowing na nag aalala ito sa kalagayan ko.

"I'm fine honey, don't worry" malambing kong wika dito at hinalikan ito ng smack kiss sa labi at matamis itong nginitian.

"Sigurado ka ha. Halika maupo ka mo na habang tinatapos ko ang pag luluto ko, don't worry malapit na akong matapos" maingat niya akong inalalayan patungo sa hapag at ipinag usog niya ako ng upoan.

"Thank you" ay bumalik na ito sa pag luluto, kung palaging ganito ka sweet si Albert ay baka mas lalo pa akong malunod sa pagmamahal sa kanya, iyong pagmamahal na hindi ko na kayang umahon, dahil mamamatay ako kapag nawala ito.

"Uhm, honey, gusto mo tulongan kita?" alok ko dito habang pinapanood itong mag luto. Humarap ito sa akin.

"No honey, kaya ko na ito, hayaan mo akong pagsilbihan ka" sabay kindat nito at itinuon na ang paningin sa niluluto. Damn, heto na naman ang kilig, bumibilis na naman ang kabog ng aking dibdib dahil sa kilig.

Misery Turns To FelicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon