"Iwan niyo kami" malamig ang boses na utos ni Albert sa mga nurse. Lumabas silang lahat at agad na isinarado nito ang pinto.
Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harapan ko kasabay ng pag hawak niya sa paa kong namimilipit sa sakit.
"I won't do the propper procedure para mas madali lang ang paggaling ng paa mo at mas maikli ang sakit, kaya h'wag kang sisigaw pag ginawa ko ito" tumango na lang ako bilang pag sang-ayon sa nais nitong gawin. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi maglikha ng sigaw.
"One, two, three" halos maiyak na ako sa sakit ng bigla nitong hilahin ang paa ko at ibalik sa dati nitong posisyon, at sa sobrang sakit ay natadyakan ko ito na naging sanhi ng pagkakadalupisak nito sa sahig pero agad naman nitong inayos ang sarili, tulad nga ng sinabi niya ay hindi ako sumigaw kahit pa gustong-gusto kong mapasigaw sa sakit.
"Doctor ka ba talaga ha?" tinanggal ko ang pagkakatakip ng bibig ko at sininghalan ito, at ininda ang sakit, pero hindi na tulad ng sakit kanina na sobra.
Hinawakan niya muli ang paa kong natapilok at dahang-dahang hinilot. Nakakarelax ng paa ang paghilot nito pero naiilang ako sa pamamaraan ng paghilot niya, at habang ginagawa niya ito ay pamang-akit siyang nakatingin sa mga mata ko, dahil sa ilang ay itinuon ko sa ibang direksyon ang paningin ko. Gusto ko sanang bawiin ang paa ko pero sya ang mas nakakaalam kong paano gamotin ang paa ko.
Kinikilabotan na naman ako tulad ng kilabot na naramdaman ko ng sapilitan niya akong halikan, dahil tumataas na ang paghilot nito papunta sa binti ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang narararamdaman ko dahil sa lalaking ito, subukan niya lang gawan ulit ako ng masama hindi ako magdadalawang isip na sumigaw.
Halos lumabas na sa katawan ko ang puso ko dahil sa bilis ng kabog nito ng madagdagan pa ang kabang nararamdaman ko ng tumaas na naman ang paghilot nito papunta sa tuhod ko. Hindi na hilot ang ginagawa nito kundi haplos at hipo na ng nakatingin parin ng mapang-akit sa akin.
"Uhm, o-ok na" utal kong sabi dito, at dahil sa takot ay agad kong binawi ang paa ko at yumoko na lang. Mga sandali nga'y hindi na gaanong masakit ang paa ko, kaya sinubokan kong tumayo pero agad akong pinigilan ni Albert.
"H'wag mong piliting tumayo, mabibinat ang paa mo" hinawakan nito ang baywang ko bilang pagpigil sa pagtayo ko, bago niya bitawan ang baywang ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng pisilin niya ito at binitawan. Tiningnan ko siya ng masama at ngisi lang ang iginanti niya sa akin.
Tok! Tok! Tok!
"Come in" napakalamig ng boses nito at bumalik na sa seryoso ang mukha nito. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Tumayo na din si Albert at hinarap ang nurse.
"Doc hinahanap na po ni Mr. and Mrs. Valdes ang anak nila" rinig kong sabi ng nurse na babae.
"Sige papasukin mo dito" ng lumabas na ang nurse ay sobra ang gulat ko ng bigla na naman akong halikan ng lalaking ito pero smack lang. Sisigawan at sisinghalan ko sana siya ng may kumatok na naman at nakita kong si Mama at Papa ang pumasok kaya itinikom ko nalang muli ang bibig ko.
"Kumusta ang anak ko?" alalang tanong ni Mama kay Albert habang nagmamadali silang lumapit sa kinaroroonan ko.
"Ok naman na po Tita, saglit lang ay gagaling na ang paa ng anak ninyo" seryoso pa din ang mukha na paliwanag nito kay Mama.
"Kumusta anak, ano masakit pa ba?" umupo ito sa harapan ko at sinuri ang paa kong natapilok.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong n akatayo lang si Albert sa gilid ko. Si Papa naman ay tulad ng dati seryoso pa din ang mukha nito na nakatingin sa amin ni Mama.
"Ok na po Ma, hindi na po gaanong masakit" nakita ko namang parang nakahinga ng maluwag si Mama at tumayo na ito at bumaling kay Albert.
"Salamat Albert" sabay pang wika ni Mama at Papa na pasasalamat nila kay Albert.
"Wala pong ano man, reresetahan ko na lang po s'ya ng gamot upang mas mapadali ang paggaling ni Julia" bumaling ito sa akin na agad ko namang ibinaling sa iba ang paningin ko dahil sa pagka ilang at disgusto na nararamdaman ko para sa lalaking ito.
"Ikaw naman Julia, sa susunod mag-iingat ka" malamig ang boses ni Papa, at upo na lang ang naisagot ko.
Matapos akong maresetahan ni Albert ay ibinilin din nito sa mga magulang ko ang mga dapat at hindi dapat gawin para mas mapadali ang paggaling ng paa ko, ilang sandali pa ay nag paalam na ang mga magulang ko kay Albert at agad na kaming lumabas ng opisina ng lalaking iyon. Tulak-tulak ni Papa ang wheel chait na kinauupoan ko ngayon habang nakasunod si Mama.
Nang dumating ang aming sasakyan ay agad nila aking inalalayan papasok sa sasakyan, ng makapag ayos na kami ay agad na minaneho ni Mang Ramon ang sasakyan pauwi sa main.
Pagkarating ng mansyon ay inalalayan na naman nila ako, binuhat ako ni Papa at ipinuwesto sa wheel chair na inayos ni Mang Ramon.
"Salamat Po"
Pagpasok namin sa bahay ay ang nag aalalang si Nanay Stella ang bumungad sa amin at nag-aalala ang boses na kinamusta ako at sinabihan ko naman itong h'wag ng mag-alala dahil ok naman na ako at hindi na gaanong masakit ang paa ko.
Dineretso na nila ako sa aking kwarto upang makapagpahinga, dahil siguro sa pagod at puyat ay agad akong dinalaw ng ng antok at nakatulog ako.
Pasado alas syete na ng gabi ng magising ako, ang haba pala ng tulog ko, apat na oras. Bumangon ako at sinubokan kong tumayo, medyo ok na ang paa ako kaya sinubokan ko ng maglakad. Paika-ika akong nag lakad, medyo may kirot pa din ang paa ko pero di ko na ito inintindi pa at nagtungo sa bath room ng aking kwarto upang makaligo.
Pagkatapos maligo ay agad na akong nagbihis, paglabas ko ng closet ko ay sakto naman ang pagpasok ni Mama na may dalang tray ng pagkain.
"Julia, ba't ka tumayo, mabibinat ang paa mo niyan eh" may pag alala sa boses ni Mama at agad na inilapag ang tray ng pagkain sa may Desk at agad din itong dumako sa gawi ko upang alalayan ako sa paglalakad, pinaupo naman ako nito sa kama ko.
"Ma ok na po ako, tyaka magaling na ang paa ko" paninigurado ko sa kanya para hindi na siya mag alala.
Kinuha nito ang wheel chair na nasa tabi ng kama ko at inalalayan ako nitong maupo doon.
"Ma, hindi ko na kailangan ito, kaya ko na pong maglakad, magaling na po ang paa ko" hindi ako pinakinggan ni Mama bagkus ay tinulak niya ang wheel chair papunta sa Desk na kong saan naroroon ang tray ng pagkain na dala niya.
"Sige na kumain ka muna, wala pang laman 'yang tyan mo mula kaninang tanghali, balikan na lang kita mamaya at kami ng Papa mo ay mag di-dinner din"
"Salamat po" lumabas na si Mama ng aking silid at nagumpisa na aking kumain.
Pagkatapos kong kumain ay tulad nga ng sinabi ni Mama ay bumalik ito at kinuha ang pinagkainan ko at nag paalam muli ito.
Tumayo ako sa wheel chair at nagtungo muli sa bath room ng aking kwarto upang makapag toothbrush, pagkatapos ay agad akong bumalik sa kama at isinandal ang kalahating katawan ko sa headbord ng kama ko at nag muni-muni.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay pumasok sa aking isipan ag tagpo namin kanina ni Albert sa hospital.
Biglang tumaas muli ang mga balahibo ko sa katawan ng maalala ang pag hilot, paghaplos at paghipo nito sa aking paa pataas sa aking tuhod, pati na rin ang pag pisil nito sa aking baywang at sa ikatlong pagkakataon ang pagnanakaw muli nito ng halik sa akin, tila ba'y hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang mga kamay nito sa aking paa pataas sa aking tuhod.
Ipinilig ko ang ulo ko at marahang tinapik-tapik ang pisngi ko upang magising ako at mawaglit ang iniisip ko.
Muli akong tumayo, dahan-dahan, at nag tungo sa balkonahe ng aking silid para magpahangin. Nagulat muli ako ng makita ko na naman ang lalaking naka jacket ng itim at nakasumbrero, nakatingin muli ito sa akin, ngunit kahit anong pilit kong aninagin ang mukha ng lalaki ay hindi ko maaninag. Tumalikod na naman ito at agad na umalis. Nagtataka na talaga ako kong sino ang lalaking iyon at ano ang trip nito.
__________
Plagiarism is a CRIME!
THANK YOU
Don't Forget to VOTE and COMMENT