Nagising akong para na namang babaliktad ang sikmura ko, kaya naman agad akong bumangon at tinungo ang toilet at doon sumuka ng sumuka. Sa mga nagdaang araw ay lagi na lang akong sumusuka tuwing pagkagising ko sa umaga, dumadalaw na din ang pag sakit ng ulo ko at pagkahilo.
"Oh God" mahina kong bulalas ng wala na akong maisuka pa. Nanghihinang tumayo ako at i-fli-nush ang toilet at tinungo ang lababo at nag toothbrush at agad na din akong naligo pagkatapos. Naramdaman ko ang kaginhawaan ng dumaloy sa aking katawan ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nag bihis at lumabas ng aming silid upang hanapin si Albert dahil pagkagising ko ay wala na ito sa aking tabi.
"Honey!" tawag ko dito habang tinutungo ang living room, ngunit wala ito rito.
"Honey!" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring tumugon. Tinungo ko naman ang kusina wala din ito rito.
"Nasaan kaya iyon?" mahina kong sabi. Mag luluto na nga lang ako dahil ramdam ko na ang gutom, binuksan ko ang ref para makapaghanap ng pwedeng lutohin ng makapagluto na nga lang.
Nang matapos ng maluto ay agad na din akong kumain, pagkatapos kumain ay linigpit ko din agad ang pinagkainan ko. Nang matapos sa kusina ay tinungo ko ulit ang living room, humihikab na napa upo ako sa malambot na cough, kahit umaga pa at kakagising ko lang ay inaantok na naman ako for sure isa ito sa epekto ng pagbubuntis.
Nasaan na kaya ang asawa ko, na mimiss ko na siya kahit saglit ko pa lang itong di nakikita. Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon at maglambing dito ngunit wala ito.
Bigla tuloy tumibok ng mabilis ang puso ko ng maalala ko si Albert. Hay! Iba na talaga ang tama ko sa kanya.
Napahinga ako ng malalim bago humiga sa cough, ipinikit ko ang aking mata at sunod-sunod na napahinga ulit ng malalalim.
"Honey, where are you?" Mahina kong sabi. Gusto ko sana itong tawagan ngunit tinatamad akong kunin ang cellphone ko sa aming kwarto. Ilang minuto pa akong nakapikit hanggang sa dalawin na ako ng antok at tuloyan ng nakatulog.
Nagising ako dahil sa mumunting mga halik sa aking mukha. Nag mulat ako ng aking mga mata at ang nakangiting si Albert ang bumungad sa akin, napangiti din ako dito, agad naman akong ginawaran ng mabilis ngunit madiin na halik sa aking labi ng aking asawa.
"Hi, honey" wika nito at mabilis na naman niya akong hinalikan sa aking labi.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap" parang nagtatampo ang boses na wika ko dito at bahagyang napanguso pa. Mahina naman itong napatawa dahil sa inasta kong iyon na ikinairap ko lang sa kanya. Goodness! My heart, napakabilis na naman ng tibok nito.
"I'm sorry, maagang napatawag si papa dahil nagkaroon ng emergency sa kompanya, eh natutulog ka pa kanina kaya hindi na ako nakapag paalam sa'yo. Sabi ko tatawagan na lang kita pero nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko dahil sa pagmamadali, and sorry din hindi na kita naipagluto ng breakfast" mahaba nitong paliwanag sa akin, ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses habang nagsasalita na ikinakilig ko. Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata sabay nginitian. Ako na mismo ang naglapit ng aking mukha sa kanya upang itoy halikan at agad naman niya itong tinugon, pagkatapos naming bumitaw sa halikan ay agad ko itong niyakap ng mahigpit. God, I miss him kahit saglit ko lang itong hindi nakita ay parang miss na miss ko na siya. Niyakap din niya ako pabalik.
"I miss you honey" sabay halik ko ng mumunti sa kanyang leeg na parang naglalambing dito.
"Honey, you're making my friend hard again" mapangakit ang boses nitong turan. Napangiti naman ako at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at agad itong ginawaran ng mapusok na halik na agad naman nitong tinugon, damn nakaka adik talaga ang mga labi ng aking asawa.