Nagmamadaling pumasok ako ng bahay at pagbukas ko ng pinto ay ang Mama ko at Si Nanay Stella ang bumungad sa akin na nag-aayos ng bulaklak sa vase sa may salas at nakapangtulog na ang mga ito.
"Ma!" agaw ko sa atensyon nito at tinakbo ko ito at mahigpit na niyakap na niyakap niya din ako, nakita ko din ang saya sa mga mata nito ng makita ako.
"I miss you my daughter" naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko na agad kong pinunasan baka magtaka pa sila kong bakit ako umiiyak.
"I miss you to Mama" naghiwalay na kami sa yakapan at hinaplos-haplos nito ang pisngi ko. Bumaling din ako kay Nay Stella at niyakap din ito at nag kamustahan.
"Stella, maghanda ka muna ng dinner para kay Julia" agad namang sinunod ni Nanay Stella ang utos ni Mama at iniwan kaming dalawa sa sala.
"Kumusta naman ang San Lorenzo, ikaw kumusta ka, wala bang masamang nangyari sa'yo doon, at bakit mukhang stress na stress ka?" sunod-sunod na tanong ni Mama. Nang tangkang magsasalita na ako para ipaalam dito ang lahat ng nangyari sa akin sa San Lorenzo ng biglang pumasok sa isip ko ang banta ni Albert para sa kanila at binalot na naman ng takot ang puso ko kaya minabuting hindi na sabihin dito.
"Ok lang po ako Ma, pagod lang ito, kayo po, kumusta kayo ni Papa, tyaka nasaan si Papa?" magsasalita na sana si Mama ng napadako ang tingin nito sa likoran ko at napangiti ito, nagtataka ko namang liningon at nagulat ako ng makita ko si Albert papasok sa pintoan namin dala ang mga bagahe ko. Nakakaramdam na naman ako ng takot.
"Oh Albert" lumapit si Mama sa kinaroroonan nito at niyakap ito. Tiningnan ako ni Albert at nginisihan ako bago sila maghiwalay, iniiwas ko na lang ang paningin ko.
"Hello po Tita" may ngiti sa mga labing bati nito sa Mama ko, kung titingnan mo ang lalaking ito ay napaka-inosente ng mukha nito na wari'y walang ginawang kademonyohan sa akin.
"Maraming salamat pala sa pagsama at pagbantay kay Julia sa San Lorenzo, and thank you din dahil tinulongan mo ang anak ko sa pag resulba sa problema namin" may sinseridad ang boses nito na nakangiting pasasalamat ni Mama sa lalaking ito.
H'wag kang magpasalamat sa kanya Mama, dahil sa kanya ay nawala ang kadalisayan ko, sinira nito ang pagkatao ko. Nasabi ko sa isip ko, nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko pero tumingala ako para pigilan ito.
"Wala pong ano man" tugon ng demonyo.
"Julia, halika rito" agaw ni Mama sa atensyon ko, mabibigat ang mga paang pumunta ako sa gawi nila at pilit na ngumiti.
"Oh, ba't parang namumutla ka ata anak, may sakit ka ba" may pag-aalalang wika nito at inilapat ang likod ng palad nito sa aking noo.
"H-hindi po, pagod lang po siguro ako sa biyahe" tugon ko dito at napabuntong hininga si Mama.
"O sige na, kumain muna kayo ni Albert at pagkatapos umakyat ka na sa kwarto mo para makapag pahinga ka" tumango na lang ako at tinalikoran sila at humakbang na paalis sa kinaroroonan nila.
"At ikaw naman Albert dito ka na magpalipas ng gabi, masyado ng malalim ang gabi, delikado ng magmaneho ng ganitong oras" magkasalubong ang kilay na lumingon ako sa kanila.
"Ma, baka hinihintay na ni Tita Clarita at Tito Joaquine si Albert" protesta ko sa sinabi ni Mama. Ayoko na siyang makita at lalong ayoko na ding makasama pa ito ng matagal.
"Edi tatawagan ko na lang sila at ipaalam na dito muma magpapalipas ng gabi si Albert, diba Albert, dito ka na lang matulog muna" bumaling ito kay Albert at hinihintay ang sagot nito.
"Ay sige po Tita, tyaka medyo pagod na rin po ako" nakangiti nitong wika. Tiningnan niya ako ng nakangiti, inirapan ko lang ito at nagmamadaling tinalikuran sila at nag tumungo sa hapag kainan.
Nadatnan ko si Nanay Stella sa kitchen at saktong patapos na itong maghain ng mga pagkain. Nagpasalamat naman ako dito bago ako nito iniwan at umupo na ako para makapagsimulang kumain.
Nakita ko namang pumasok si Mama at ang demonyong si Albert dito sa hapag kainan. napairap na lang ako sa kawalan at nagkunwaring parang hindi ito nakita.
"Sige na Albert, kumain ka muna, alam kong pagod ka din" kuhang-kuha na talaga nito ang loob ng aking Mama. Napakasama niya talaga, paano niya nagagawang magkunwaring mabuti ito.
Umupo ito sa tabi ko at nag simula na ring kumuha na pagkain, nagpaalam na din si Mama na tatawagan niya lang daw ang mga magulang nito at ipaalam na dito na magpapalipas ng gabi si Albert. Nakatingin ito sa mga mata ko at iniwas ko ang paningin ko dito. Napapitlag ako at tumayo na naman ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang kamay nito na humahaplos sa hita ko. Pilit kong inaalis ang kamay nito na humahaplos pero binabalik niya ito. Kinakabahan na naman ako, wala na itong piniling lugar, maging sa sarili kong pamamahay ay hinaharas ako ng manyak na lalaking ito.
Tiningnan ko ng masama ito at malademonyong ngisi lang ang itinugon nito sa akin at ang mas malala pa ay naramdaman ko ang pagpisil nito sa hita ko, hindi na basta haplos ang ginagawa nito kundi pinipisil-pisil na nito. Pilit ko pa ring tinatanggal ang kamay nito sa hita ko ngunit sadyang Manyak ito kaya hindi ko matanggal-tanggal. Hanggang sa naisip kong bilisan na lang ang pagkain ng madali akong matapos ng sa ganon ay makalayo ako dito at hindi na makita ang demonyong ito.
Nanginginig ang mga kamay na nag mamadaling tinapos ko ang pagkain para makalayo na sa hayop na ito. Matapos kumain ay agad na akong tumayo at nagmamadaling umakyat ng hagdan at pumasok sa aking kwarto.
Pagkasara ko ng pinto ay agad na bumuhos ang mga luha ko. Tahimik akong umiiyak at napadausdos ng upo sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko habang tahimik na umiiyak. Labis-labis ang hinagpis ko at nababalot na ng sakit ang puso at buong pagkatao ko.
Nang mapagod akong umiyak ay marahas kong pinunasan ang mga luha ko at agad na tumayo at hinubad lahat ng damit ko at agad din akong nagtungo sa bathroom. Pagkasara ko ng pinto ng bathroom ay agad akong nag shower. Pinaligoan ko ang katawan ko, kinuskos ko ng maigi at sinabon ko ng paulit-ulit ang katawan ko, at habang ginagawa ko ito ang mahinang hikbi at mainit na likido ang pumapatak mula sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay napaka-dumi ko na. Paulit-ulit ko pa ring kinukuskos ng sabon ang katawan ko habang umiiyak, walang sulok ng katawan ko na hindi dinaanan ng sabon, lalo na ang maseselang bagahi ng katawan ko ay mas lalo kong kinuskos.
Halos isang oras akong naligo, at sa isang oras na iyon ay walang tigil ang mahinang paghikbi ko. Sa isang oras na paliligo ko ay siniguro kong malinis ang katawan ko, ngunit kahit anong linis ko sa katawan ko ay hindi ko na maiaalis na minarkahan na ako ng hayop na iyon, hindi ko na maiaalis na binaboy nito ang katawan ko.
Lumabas na ako ng bathroom tanging ang suot lang ay puting rob. Nagtungo na ako sa aking closet at napahinto ako sa harap ng malaki kong salamin sa dingding.
Tinanggal ko ang pagkakabuhol ng tali ng suot kong rob at unti-unti itong tinanggal, sunod-sunod na napatulo ang luha ko ng makita ko ang hubo't hubad kong katawan na punong-puno ng hickeys, mula sa leeg, sa balikat, pababa sa mga dibdib ko, pati sa may tyan ko ay madaming hickeys din, at ang malala pa ay ang mga marka sa mga hita ko malapit sa pagkababae ko.
Nagpakawala ako ng mahinang hikbi at sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. Napakawalang hiya niya talaga, binaboy niya ako, nararapat lang sa kanya ang kamatayan at impyernong tirahan.
Agad na akong nagbihis ng pang tulog at lumabas na ako ng closet at humiga sa kama ko. Patuloy ang pag-iyak ko ng tahimik.
Kahit anong gawin kong pag-iyak ay hindi na nito mababago pa ang katotohanang minarkahan na ako ng lalaking iyon, at hindi na mabubura pa ang masalimuot at paghihirap na dinanas ko kay Albert.
Wala naman akong magagawa para pagbayarin ito dahil sa takot ko sa banta nito para sa mga magulang ko. Ang magagawa ko lang ay siguraduhin ang kaligtasan nila, sisiguradohin kong hindi nito masasaktan ang Mama at Papa ko.
Nanlalabo na ang mga mata ko at mugto na rin ang mga ito dahil sa kakaiyak hanggang sa nakatulog ako.
__________
Plagiarism is a CRIME!
THANK YOU
Don't Forget to VOTE and COMMENT