Tanghali na ng kami ay magising ng aking asawa, tinutoo niya nga ang sinabi niya na aangkinin niya ako hangga't madaling araw, kung hindi pa ako nag makaawa sa kanya na tumigil na dahil hindi ko na kaya at pagod na pagod na ako ay hindi pa siya titigil.
Ngayon ay nasa clinic kami ni Dra. Crisza Cortez para magpacheck-up kasama ko ang aking asawa na nasa tabi ko.
"Relax honey" sabi ko sa aking asawa na hindi mapakali habang narito kami sa waiting area habang hinihintay ang resulta ng test. Actually maging ako ay kinakabahan din sa magiging resulta ng aking test kung ako ba ay buntis o hindi. Pero sabi naman ng aking asawa ay malaki ang posibilidad na buntis ako.
Hinawakan ko ito sa kamay para pakalmahin siya dahil hindi pa rin siya mapakali. Tiningnan niya ako at nginitian ko ito para kumalma. Kahit ang simpleng pagtatama pa lang ng aming mga mata ay bumibilis na naman ang tibok ng aking puso dahil sa pagmamahal sa kanya.
"Albert, whatever the result is, hi....." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating ang OB-GYN na nagsagawa ng mga test sa akin kanina. Agad kaming tumayo ni Albert ng makita namin ito.
"What is the result doc?" magkasabay pa naming tanong sa doctora.
"Mr. and Mrs. Monteverde, congratulations you are 3 weeks and 4 days prednant" nakangiting balita sa amin ng doctora. Nagulat ako ng biglang humiyaw si Albert sa aking tabi at napasuntok pa sa hangin at agad akong niyakap ng mahigpit dahil sa sobrang saya nito. Ako naman ay hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil labis ang kasiyahang bumabalot sa puso ko ngayon, really, magkakaanak na kami ni Albert, and I am so happy for that.
Nayakap ko na lang si Albert ng mahigpit at hinalikan siya sa pisngi at niyakap muli. Saka lang namin naalala na nasa harapan pa pala namin ang doctora ng magsalita ito. Naghiwalay kami ni Albert sa yakapan at hinarap muli ang doctora.
"Congrats Doc Albert and Mrs. Monteverde, reresetahan na lang kita ng vitamine para mas lalong kumapit si baby at maging healthy, and also avoid stress and heavy work, h'wag kayong masyadong magpapagod. Doc Albert, you're a doctor too kaya alama mo ang mag don'ts and dos, alagaan mo si Mrs. mo. Sige maiwan ko mo na kayo" sabi ng doctora habang nakangiti sa amin.
"Thank you Doc Crisza" pasalamat ni Albert, magkakilala ang dalawa dahil naging mag kaklase daw ang mga ito noong nag-aaral pa lang sila ng medesina.
"Thank you doc" pasalamat ko din sa kanya. Tumango ito at ngumiti sa amin at umalis na.
"Honey" tawag sa akin ni Albert, liningon ko ito at mababakas ang labis na kasiyahan sa mga mata nito, ang sarap niyang tingnan, his happiness is so genuine.
"Thank you Julia, thank you for this. I promise I will be a good husband and father to our child at sa magiging mga anak natin in the future, ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan at gusto ninyo sa abot ng aking makakaya. Pasasayahin ko kayo sa abot ng aking makakaya. Thank you honey, thank you" madamdamin nitong turan sa akin na nagpalambot ng aking puso.
"Thank you too Albert, I'll will be a good wife to you and mother to our children" hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at ginawaran ako ng smack kiss bago yakapin muli ng mahigpit. Ilang saglit ay nag hiwalay din kami.
"Let's go honey, let's celebrate, it's lunch time na din so kain tayo sa labas?" ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Agad na kaming naglakad palabas ng clinic habang nakaakbay ito sa balikat ko, ako naman ay nakayakap sa braso niya. Kung titingnan mo kami ay parang ang sweet-sweet namin, at parang mahal namin ang isa't isa. Pero ako lang kasi ang mag mamahal sa aming dalawa.
Nang makalabas kami ng clinic ay agad ng kinuha ni Albert ang kotse sa parking area at pinaiwan na lang ako dito sa harap ng clinic. Ilang saglit lang ay huminto ang kotse sa harapan ko at nag mamadaling lumabas si Albert at agad akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan at maingat akong inalalayan, yumuko ito at inayos ang seatbelt ko, hmmm, na amoy ko na naman ang mabango nitong amoy. Hinalikan pa ako nito sa lips ng smack bago ito umayos ng tayo at isinara ang pinto ng sasakyan, napangiti ako sa ka sweetan niya, agad na din itong umikot at sumakay sa driver seat ay nag suot ng seatbelt, nagpasalamat naman ako dito at nginitian niya ako, at binuhay na ang makina ng sasakyan at umalis na kami.