Samut-saring pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon, takot at kaba dahil nahuli kami ni Papa sa ganong akto, hindi ko alam kong ano ang iniisip ngayon ni Papa, pangamba para sa kaligtasan ni Papa dahil pumapasok sa aking isipan ang banta sa akin ni Albert noon na kong sino man ang makahuli sa kanila ay wala siyang choice kundi patayin ito, at hindi ko alam kong matutuwa ako o hindi dahil kong hindi dumating si Papa ay baka nagahasa na naman ako ng hayop na si Albert.
Nag-iisip ako ng paliwanag sa kanila kanina pang naglalakad ako papunta dito, pero ayaw makisama ng utak ko at ayaw gumana, hindi makapag-isip ng maayos dahil siguro sa matinding kabang nararamdaman ko.
Napakabilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera habang nandito kami sa Library ng bahay, si Papa ay naka-upo sa pang isahang sofa, seryoso ito at nakakatakot kung ito ay iyong mamasdan, si Mama naman ay sa arm rest ng sofang kinalalagyan ni Papa na mababakas din ang pagtataka sa mukha nito, siguro'y nagtataka ito dahil bigla-bigla ay pinatawag ito ni Papa, habang ako ay sa mahabang sofa naka-upo at nakayuko habang napakalakas ng tibok ng pusong kinakabahan, hindi ko na din alintana ang katabi ko, ang walang hiyang si Albert na prenteng naka-upo.
Matapos kami mahuli ni Papa ay agad niya kaming pinasunod sa kanya dito sa Library at pinatawag din nito si Mama para sumunod din ito.
"So, what's going on sweetheart at bakit nandito tayong lahat, is there anything wrong?" basag ni Mama sa katahimikang namayani, tumikhim si Papa bago ito magsalita.
"Nakita ko lang naman ang anak natin at si Albert na magkasama sa kwarto doing something" walang emosyong wika ni Papa habang matiim na nakatingin sa aming dalawa ni Albert, nakayuko lang ako at nagdadasal na sana ay panaginip lang lahat ng ito o di kaya ay maglaho na lang ako dito sa kinauupoan ko.
"WHAT?" gulat na gulat ang boses na tanong ni Mama at napatayo pa ito.
"What is this Julia?" nag-angat ako ng tingin dito at kitang-kita ko ang pagtataka at disappointment sa mukha ni Mama.
"M-ma let me explain please, let me explaim, uhmm -mm" naiiyak na ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sasabihin ka ba sa kanila ang totoo, ang paulit-ulit na panggagahasa sa akin ni Albert pero kapag ipagtatapat ko naman mailalagay sila sa kapahamakan at mawawala sila sa akin dahil sa banta ni Albert at hindi ko hahayaang mangyari iyon. Naramdaman ko ang panginginig ng aking labi at mga kamay, parang nalunok ko ang dila ko dahil hindi ako pakapagsalita.
Nanigas ako sa kinau-upoan ko ng hawakan ni Albert ang aking nanginginig kong kamay na nakapatong sa hita ko, gusto ko mang tabigin ang kamay niya pero nakatingin ang mga magulang ko sa akin kaya ipinag-walang bahala ko na lang. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Albert at tumikhim bago mag salita.
"Uhm, may importante po sana kaming sasabihin sa inyo, Tita, Tito" walang emosyon ang boses nitong wika, nag-angat ako ng tingin dito at agtataka ang mga matang nakatingin dito.
"What?" matigas ang boses ni Papa, nakakatakot. Bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa takot at parang ma ha-heart atach ata ako.
Humigpit ang pagkakahawak ni Albert sa kamay ko bago nag salita pero hindi ko na iyon alintana pa dahil sa pagtataka kong ano ang sasabihin nito sa mga magulang ko.
"Julia is pregnant" walang pakundangan anonsyo nito.
"WHAT?" sabay na pasigaw ang boses ni Mama at Papa na napatayo pa dahil sa gulat, maging ako ay nagulat din kaya napatayo din ako.
"That's not true" napatayo na din ako dahil sa pagkagulat sa walang katotohanang anonsyo nito sa harap ng aking mga magulang.
Tiningnan ko ang Mama at Papa ko, gulat ang mababakas sa kanilang mukha, disappoinment at galit ang mababakas din sa mukha ni Papa. Nagpapanic na ang buong loob ko.
"Julia, we need to tell the truth. Here Tito, Tita" malumanay ang boses ni Albert habang iniabot nito kay Mama ang pregnancy test na hindi ko alam kong saan nanggaling, hinawakan nito ang kamay ko na agad ko namang tinabig.
"Pwede ba Albert, h'wag kang gumawa ng kwento" galit ang boses na sigaw ko dito, nanlilisik ang mga matang nakatingin ako dito at gumagalaw-galaw na din ang panga ko dahil sa galit at inis.
"Oh my God, its positive" napasapo pa si Mama sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nagpasalin-salin ng tingin kay Papa at sa akin.
Linapitan ko si Mama at Papa at sinabing walang katotohanan ang mga sinasabi ni Albert, una kong linapitan si Mama at hinawakan ang mga braso nito at sinasabing h'wag paniwalaan ang mga sinasabi ni Albert pero wala akong nakuhang tugon dito at matiim lang itong nakatingin sa akin. Linapitan ko din si Papa.
"Papa please maniwala ka, I'm not pregnant, Papa please let me explain" pero imbes na paniwalaan ako ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Papa na naging sanhi ng pagka-upo ko sa sahig. Napahawak ako sa pisngi ko at sunod-sunod na bumuhos ang masasaganang luha ko, agad naman akong inalalayan ng hayop na Albert sa pagtayo pero malakas na tinabig ko ang kamay nito.
"Magpapakasal kayo ni Albert as soon as posible, nakakahiya ka" no, hindi ko maaatim makasama ang hayop na lalaking sumira sa buhay at pagkatao ko dahil wala namang katotohan ang mga sinasabi nito.
"No, hindi ako magpapakasal sa kanya Papa" sigaw ko dito at patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko, hindi ko hahayaang matali ako sa isang demonyong kagaya ni Albert ng dahil lang sa kasinungalingan nito. Hindi ako makakapayag.
"Weather you like it or not, magpapakasal ka kay Albert and that's final. Kung hindi ka magpapakasal, wala akong anak na disgraciada, nakakahiya. Albert follow me." may pinaledad ang boses nito bago lumabas sa Library, bumalatay ang kirot sa puso ko dahil sa sinabi nito, napakasakit lang isipin na mas pinaniwalaan nito si Albert kesa sa sarili nilang anak.
"Papa"
"Mama paniwalaan mo naman ako, ako ang anak mo, kilala mo ako hindi ako magsisinungaling sa inyo" binalingan ko si Mama na humihingi ng tulong ang aking boses at mga mata pero maging siya ay hindi din ako pinakinggan at pinaniwalaan at lumabas din ito ng Library.
Humagulgol ako at sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha na tila'y wala ng tigil. Napakasakit sobrang sakit ng mga nangyayari sa buhay ko. Ano ba ang kasalanan ko at bakit nangyayari ang mga ganitong katinding pagsubok sa buhay ko, wala naman akong ibang ginawa kundi ang pakinggan at sundin ang lahat ng gusto ng mga magulang ko at naging mabuting anak sa kanila, hindi pa ba sapat iyon para paniwalaan nila ako.
Nag-angat ako ng tingin at nanlilisik ang mga mata kong tiningnan si Albert, may malademonyo itong ngiti sa mga labi, hayop sya, hayop talaga sya.
"Ano masaya ka na ha, masaya ka na, nasira mo na ang buhay at buong pagkatao ko, ano pa ba ang gusto mo para lubayan mo ako" halos mamaos na ako sa pagsigaw na wika ko dito kasabay ng pag sugod ko dito at pinagbabayo ng malakas ang dibdib nito.
"Sirang-sira na ako dahil sayo, ano masaya ka na ha, ginawa mo ng miserable ang buhay ko. Napakasama mo hayop ka, demonyo" patuloy ako sa paghagulgol, nanginginig na din ang tuhod ko, sobrang sakit grabe, sobra.
Patuloy ako sa pagbabayo sa dibdib nito hanggang sa mapagod ako at napa-upo ako sa sahig habang walang habas na umiiyak at humahagulgol.
"Sorry Honey, pero tuloyan ka ng magiging akin. Ilang dandali na lang ay makakasal ka na sa akin" malumanay ni usal nito bago ako iniwan sa loob ng Library.
Mahigpit na niyakap ko ang sarili ko, ano na ngayon, wala na akong magagawa. Akala ko ay nakatakas na ako sa kapahamakan na dulot ng hinayopak na Albert na iyon, pero hindi pa pala, pansamantala lang pala dahil bigla na naman itong sumulpot sa buhay ko at kahit kailan ay hindi ko na ito matatakasan pa, habang buhay na akong maitatali sa demonyo, habang buhay ng magiging miserable ang buhay ko. Napangiti ako ng mapait, ganito ba talaga ang direksyon ng buhay ko? Kung ganito man ay hindi ko matatanggap, napakapait.
Galit at pagka-poot ang yumakap sa puso ko ngayon, parang biglang nanigas ang puso ko na tila'y parang bato. Nanginginig ang buong katawan.
__________
Plagiarism is a CRIME!
THANK YOU
Don't Forget to VOTE and COMMENT