Madilim na ang paligid ng mapagdesisyonan kong lumabas na ng silid, at kanina pa nag aalburuto tong tyan ko na nagugutom. Naligo muna ako bago bumaba.
Nang makarating ako sa baba ay agad kong tinungo ang kitchen. Pagkarating ko ng kitchen ay sakto namang nakita ko si Albert na kakatapos ihanda ang mga pagkain.
"Oh, aakyat na sana ako para tawagin ka, bumaba ka na pala. Tara na kain na tayo" nakangiting wika nito. Goodness gracious, napalunok ako ng sabay-sabay ng makita ang ayos nito. He's so hot, he's wearing only a boxer short and apron, and he looks realy hot. Ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Iniiwas ko ang tingin ko dito at lumapit sa lamesa at umupo na.
Nanubig ang bagang ko ng makita ko ang mga masasarap na pagkain. Naupo na din si Albert sa upuang nasa harap ko.
"I'm sorry nga pala kanina, I didn't mean to scare you like that" masuyo itong humihingi ng tawad sa akin. Tumingin ako dito, and shocks, heto na naman ang pagkabog ng mabilis ang puso ko. Damn, biglang nalusaw ang inis ko sa kanya.
Mula pa kahapon iba na ang epekto nito sa akin, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko namalayan na matagal ma pala akong nakatingin sa kanya. Damn, he's realy hot wearing only boxer and white apron. Nabalik ako sa katinuan ng maramdaman ko na naman ang pag aalburuto ng aking tiyan na kanina pa nagugutom.
"Kain na tayo" wika nito na nakatingin sa mga pagkain. Hindi ako nag salita at nilagyan na ng pagkain ang plato ko at kumain. Tahimik lang kaming kumakain, walang nag sasalita, at ng matapos na akong kumain ay agad na akong tumayo at kinuha ang pinagkainan ko at inilagay sa lababo, hindi ko pa rin ito kinikibo at iniwan itong mag-isa sa kusina, ewan ko, naiinis ako sa sarili, naiinis ako sa strangherong nararamdaman ko. Agad na akong umakyat patungo sa silid.
Nag shower muna ako at nag toothbrush, pagkatapos ay agad na akong nag bihis at tinuyo ang buhok ko gamit ang blower, ng matapos ay agad ko ng tinungo ang kama at nahiga ng patagilid.
Sakto namang bumukas ang pinto ng silid kaya agad kong ipinikit ang mga mata at nagkunwaring natutulog. Naramdaman kong nahiga ito sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit mula sa likod at hinila ito palapit sa katawan niya. Damn, ayan na naman ang puso ko na mabilis na tumitibok. Magpacheck-up na kayo ako pagbalik namin sa Manila, baka may sakit na ako sa puso.
Nagkunwari pa rin akong natutulog at pinapakiramdaman ito.
"I'm sorry honey, I'm realy sorry" pabulong nitong wika pero sapat na para marinig ko ito at ginawaran ako ng mga mumunting halik sa aking pisngi, pababa sa aking leeg at balikat na ikinakiliti ko. Iyong mabilis na tibok ng puso kanina ay lumevel up ang bilis dahil sa sinabi nito at sa gesture niyang iyon, magpapacheck-up talaga ako pagbalik namin. Nag kunwari pa rin akong natutulog.
Mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa akin at ibinaon ang mukha nito sa aking batok na ikinakiliti ko dahil tumatama ang hininga nito dito, pero hindi pa rin ako nag pahalata.
Mga ilang minuto lang ay naririnig ko na ang mabibigat nitong paghinga, tanda na natutulog na ito. Maingat kong tinanggal ang mahigpit na pagkakayakap nito sa akin upang hindi ito magising.
Nang matanggal ang mga braso nito na nakayakap sa akin ay maingat akong gumalaw at humarap rito, and to my surprise wala itong pangtaas na damit at tanging boxer short lang ang suot.
Damn it. Dumako ang paningin ko sa maskulado nitong katawan, those hard muscles, his broad shoulder, he's realy hot, and oh holy mother of god, his eight packs abs, at napalunok ako ng sunod-sunod ng dumako ang paningin ko sa naka umbok sa boxer short niya. Naalala ko na naman ang pag angkin nito sa akin kagabi at ng magising ako, damn, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. The heck, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, nagiging berde na ako mag-isip. Damn it. Ipinilig ko ang aking ulo at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin upang maiwaksi ang kahalayang naiisip.