Kabanata 1

189K 4.3K 1.4K
                                    

Kabanata 1

Punished

Padabog kong sinubo ang pagkain at marahas na inalis ang kutsara sa loob ng bibig ko.

Hindi man lang ako sinulyapan ng nakakainis na snob na 'to.

Kanina pa kasi ako nagpapapansin at nangungulit. Gusto ko na kasing umuwi, may modeling pa kami bukas.

Yes, I'm a model sa kahit anong magazine.

"Eat properly, Khione."

Natigilan ako nang narinig ko ang malalim niyang boses at parang boses ng bagong gising? Anong tawag do'n? Husky? Aso 'yong husky 'di ba?

"Tss, uuwi na ako bukas please? Promise magpapakabait ako sa'yo ngayon." hindi ako nagmamakaawa. That's what we call, acting. Ang suwerte niya naman kung magmakaawa ako sa kanya 'di ba?

"Pag-iisipan ko," nag-iisip pala siya?

E bakit hindi siya nag-isip noong binili niya ako sa halagang isang daang bilyon? Okay ka lang 'tol?

"Paasa ka! Sabihin mo na kasing hindi mo ako papayagang umuwi! Kesa paasahin mo ako!" padabog akong tumayo at tumalikod sa kanya.

Natigilan ako nang tumunog ang doorbell.

Aba may bisita siya?

"Ako na ang bubukas!" umalis ako sa dining room pero randam kong nakasunod siya sa akin.

Hindi pa nga ako nakarating sa pinto ay binuksan na ito ng katulong. Naalala ko, nasa bahay nga pala ako ng isang bilyonaryo. Syempre marami siyang katulong.

Akala ko lang 'yon.

Isang katulong lang pala ang meron siya at isang matandang babae pa.

Mula sa labas ay dinig ko ang iyak ng isang babae.

"Hija, pasensya na talaga pero mahigpit na ipinagbabawal ni Mr. Lordcan ang bisita ngayon." sabi ng matandang katulong.

Mabilis ako naglakad palabas at nang nakita ko ang mga pangyayari sa labas ay napahawak na lamang ako sa dibdib.

"Pero manang! Buntis ako! At siya ang ama!"

Isang babaeng naglumpasay sa bermuda grass ang tumambad sa akin. Sobrang sexy nito at ang ganda pa. Makinis ang kutis at lahat na masasabi mo talagang maganda siya. Mukhang anak din ng mayaman. Sa tingin ko ay nasa sixteen years old na siya.

"Anong kaguluhan ito?" I squared my shoulders at mas lalo kong iniba ang bosed ko. 'Yong nakakapag-intimidate sa babae? 'Yon.

Sabay silang lumingon sa akin.

"M-Ma'am." naramdaman kong natakot ko rin pala ang kasambahay.

Gano'n na ba ako katakot-takot? 'Di naman ako multo a?

I winked at the maid. Nagulat pa siya sa ginawa ko. She excused herself after that kaya naiwan kaming dalawa ng babaeng nag-aassume na buntis siya at si Caspian ang ama.

"I need to talk to Caspian-"

Pinutol ko na ang sasabihin niya. "Malay ko bang nagpapanggap ka lang na buntis at siya ang ama. May buntis ba na nagtatrantums na parang bata sa sahig? Boba," I even popped the letter b when I said boba.

Alam niyo kasi iba ang definition ko sa bobo. Ang bobo ay mga lalaking bobo tapos ang boba ay ang mga babaeng bobo.

"Who are you anyway? His flavor of the month?" aba ang taray ni Ate a.

"Hindi mo ba naisip na baka makunan ka sa sitwasyong 'yan? Syempre hindi mo maisip dahil hindi ka naman talaga buntis." boom. Nakita kong halos luluwa na ang kanyang eyeballs. Sana ay tuluyan ng mahulog 'yon para sa sahig nalang siya lagi nakatingin.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon