Kabanata 27
Tired
Nakangusong nakaupo ako sa sofa habang nakatayo si Kate sa may pintuan. Namumula ang mukha niya na parang may sumampal sa kaniya.
"Anong nangyari sa mukha mo?"
"Muntik na akong mamatay."
Sa paraan ng pagkakasabi niya no'n ay parang sinampal nga talaga siya ni Caspian-Lord. Ano bang pangalan ang gagamitin ko?
Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi.
Parang nagbabasa ako ng sobrang gandang libro kaya wala akong masabi. Parang 'yong sinabi niya lang kagabi, sa sobrang ganda ay wala akong nasabi.
Speechless.
I'm eighteen years old. Hindi na underage pero ayoko namang matali ng gano'n kaaga.
Gusto kong maging malaya. Kasal pa talaga ang inalok niya? Kasi alam niyang wala na akong kawala at kailangan ko ng sundin ang mga utos niya sa oras na kasal na kami.
Kasal? 'Di ba para sa mga taong nagmamahalan lang 'yon?
Nagmamahalan ba kami?
Now my decision is final. Lord na lang ang itawag ko sa kanya, tutal ay 'yon naman ang tawag sa kaniya ng mga kaibigan o tauhan niya.
"Kate, sagutin mo nga ako. Totoo bang pinsan ko 'yong totoong Caspian na pumunta rito? Totoo bang hindi si Caspian si Caspian? Kung gano'n ay ano ang totoong pangalan ni Caspian? Sino si Trevino?" parang isang rifle gun ang bibig ko sa sunod-sunod na pagbato ko sa kanya ng mga tanong.
Kanina nang nagising ako ay si Kate na nakabusangot ang mukha agad ang bumungad sa umaga ko.
"Lalo naman akong walang alam diyan. Ang alam ko lang ay ginagamit ni Lord ang pangalan ni Caspian. Walang nakakaalam sa totoong pangalan niya, maliban nalang sa babaeng papakasalan niya. Syempre kailangan ng birth certificate 'yon. 'Di ko nga rin alam na pinsan ka pala ni Caspian." paliwanag nito habang pinaglalaruan ang piercing sa tenga niya.
"Ba't 'di ka man lang nagulat?" bakas sa boses ko ang pagtataka. Kung hindi niya alam ay bakit 'di siya nagulat?
"Sanay na ako riyan. Ang dami nilang sekreto pero walang nagtangkang humukay no'n. Bigla-bigla nalang kasing mabubunyag 'yon." She crossed her long perfect shape of legs, wearing those pair of leather boots like a cowgirl. "Malay mo, baka biglang bumalik mula sa libingan 'yong dating kasintahan ni Lord." dugtong niya na agad nakakuha ng buong atensyon ko.
"Huh? May girlfriend siya noon?"
Nakita ko kung paano siya natigilan at napatingin sa kisame na parang inisip ulit kung ano 'yong sinabi niya kanina.
Oh, her tongue was was unexpectedly slipped.
'Yan na yata ang sinasabi niyang sekreto na bigla-bigla na lang nabunyag. Binaliktad siya ng sarili niyang salita.
"Tutal ay nasabi ko naman at hindi naman sekreto 'yon dahil halos lahat ng miyembro ng organisasyong 'to ay nasaksihan ang pagbagsak niya nang namatay ang babaeng 'yon," she crossed her arms against the lower part of her chest as her eyes intently looked at me.
"Bakit? Anong dahilan?" minsan ang sarap din palang makipagkuwentuhan kay Kate.
"Sobrang masunurin ng babaeng 'yon pagdating sa mga utos ni Lord. Mabait at hindi pasaway," napangiwi ako nang dahil saa sinabi niya.
'Yon pala ang mga tipo ni Lord? Mga damsel in distress?
Pero mabait naman ako ah?
Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa isang patay na? Nawa'y sumalangit siya.
BINABASA MO ANG
A Hundred Billion Worth
HumorWARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.