Kabanata 3

130K 3.3K 584
                                    

Kabanata 3

Slippers

Nanatili akong tahimik. Nag-iisip ng maaaring maisagot sa kanya. Kailangan kong pag-isipan ng maayos ang mga salitang sasabihin ko pagdating sa kanya.

I frowned.

Jusmiyo marimar. Wala akong maisip.

Ito na ba talaga? Ang katapusan ng buhay ko?

"Why aren't you sleeping? It's late." aba himala, tignan mo nga naman? Hindi siya nagmura. Walang mura sa pangungusap na sinabi niya. Minsan lang 'to, kaya dapat ay kapani-paniwala ang sasabihin ko.

Hinarap ko siya at napayuko sa sahig. Nakita ko ang paa kong medyo may bakas ng dumi.

Ang dungis ko pala.

"Uhm... I—hmm, I can't sleep." I tilted my head to look at his astonishingly dangerous eyes. Sometimes, his eyes was like saying something unsaid and unexplainable words.

Nanliit ang mga mata niya na tila tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Nilabanan ko ang pagtitig niya, hindi ako magpapatalo 'no. I want him to see me brave even if I'm scared deep inside.

I smirked nervously when he finally nod his head in satisfaction.

Naniniwala ba talaga siya sa akin? O baka naman ay nagpapanggap lang siyang naniniwala sa akin? Mukhang mas kapani-paniwala ang pagpapanggap niya.

His look dropped down at the sight of my bare feet on the cold floor as his jaw clenched.

Ilang segundo siyang tahimik na tila may iniisip.

"Wait here," mariing utos niya at tumingin pa sa akin kaya tumango ako bilang sagot bago siya tuluyang naglakad palabas.

T'saka lang ako huminga ng maluwag at napahawak sa dibdib ko nang tuluyan na siyang nakalabas.

Anong gagawin ko ngayon?

Syempre tumango lang ako kanina kasi parang nangangawit ang leeg ko. Wala naman akong sinabing oo a? 'Di ko maalala, kanina pa kasi 'yon nangyari. May ultra super short term memory ako.

Palihim akong lumabas ng kusina kaya napunta ako sa dining room. Dumiretso ako sa pinto palabas ng dining room kung saan ang living room. Hindi ako lumabas ng dining room, inilapit ko lang 'yong tenga ko sa pinto upang marinig ang mga pinag-uusapan nila.

Am I eavesdropping again?

Hindi a, syempre may tenga ako. Normal lang na nakikinig ang taong hindi bingi.

"What the fucking hell of a ton of shits, Rolando?! She's just in the hell of a kitchen!"

Napangiwi ako nang narinig ang dagundong ng boses niya mula sa living room. I looked at the door to the kitchen. Saang impyerno ang sinasabi niya?

Kawawa naman si Rolando. Aamin nalang kaya ako? Baka masisante siya? Hindi puwede, inosente siya, kasalanan ko 'to.

Ba't gano'n? Ang bilis kong makonsensya pero 'yong ibang tao parang halos wala nang konsensya? That's not fair.

"S-Sir, inikot ko na po ang buong bahay pero hindi ko talaga siya makita kanina." pagdadahilan ni Rolando sa nanginginig na boses.

"O-opo, Sir." sang-ayon naman ni Fernando.

Isa rin 'tong dalawang 'to. Mga timang, ang lalaki ng katawan nila tapos dalawa pa sila. Sigurado akong mapapatumba nila si Caspian kung magtutulungan lang sila.

May narinig akong kumalabog at iilang nasirang gamit.

Hala? Baka binugbog nila si Caspian? Kawawa naman. Pipigilan ko ba?

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon