Kabanata 37

78.8K 2.1K 488
                                    

Kabanata 37

Hospital

I felt comfortable in this instant silence than the chaos of punches earlier.

I gulped when I felt their eyes on me.

Sa isang iglap ay biglang umingay ang mga tao sa labas dahil sa pagputok ng baril. Bumaba ang tingin ko sa kulay puting sheets ng kama na ngayon ay nababahiran na ng mismong dugo ko.

The bloodred immediately spread on the white sheets like a wildfire.

"Punyeta. Ba't nakatayo lang kayo riyan? Tulungan niyo ako!" mula sa labas ang nag-aalalang boses na 'yon. Boses ni best friend Monterozo.

I'm limply laying on the bed, immobilized, shock of the pain. Hands were trembling while holding Trevino's gun.

A heavy footsteps strode across the room to get to me.

"Khione, baby..."

Napakurap ako nang biglang nag-iba ang pakikitungo ni Lord sa akin. Mabilis niya akong binuhat mula sa kama at umupo siya roon t'saka niya ako pinaupo sa hita niya. He's cupping my body on his arms as I leaned on his bare chest trying to steal his strength and have my own.

Nababahiran na rin ng dugo ko ang pawisan niyang katawan pero parang wala lang ito sa kaniya.

I gripped the gun, afraid that someone would steal it from me. Baka kasi kapag napasakamay ng iba itong baril ay baka may babarilin itong iba.

Ayoko ng may masaktan pa. Tama na siguro 'to.

I looked at Trevino's direction. He's watching us with great shock painted on his face.

Umalingawngaw ang ingay mula sa pinto ng silid nang bigla itong nabuksan. Agad na pumasok ang halos lahat ng opisyales na narito.

Natigilan sila, lalo na ang apat nang nakita akong duguan sa kamay ng kanilang boss. Bakas sa kanilang mukha ang mga tanong na gusto nilang itanong pero 'di sila nagsalita.

No one questions the superior.

Nagtataka siguro sila kung bakit ako ang nabaril. Sino ba naman ang hindi magtataka na ang may hawak ng baril ay mismong ang duguan? Mas lalo lang akong napahigpit sa pagkakahawak ng baril kahit halos nauubusan na ako ng lakas.

Nakaramdam ako ng antok pero pinigilan ko ang sarili ko na matulog sa kamay ni Lordcan. 'Di nga pala ako natulog kanina dahil pinatulog ko lang si Lordcan upang mag-imbestiga.

"Sir..." tawag ni Gordon upang makuha ang atensyon ni Lordcan na ngayon ay nasa akin na.

Sobrang pormal nila sa harap ng mga opisyales pero kapag silang lima lang ang magkakasama ay 'di naman nila tinatawag na Sir si Lordcan.

"Call the doctor." Lordcan's deep voice was unbelievably gentle and soothing.

There's life without even stealing other's life.

"Yes, Sir." mabilis naglakad si Gordon papunta sa pinto palabas habang abala na sa pagtitipa sa kaniyang cellphone bago ito idinikit sa kaniyang tenga hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng silid.

Nakita ko kung paano tinapunan ni Trevino ng isang masamang tingin si Lordcan bago lumabas ang mapaglarong ngisi sa kaniyang mapupulang mga labi nang may napagtanto. May bahid ding dugo ang kaniyang mga labi nang dahil sa pagsuka niya kanina.

Walang pasabing lumabas si Trevino.

"L-Lordcan..." ngumuso ako nang naramdaman kong nasagi niya ang parte ng katawan ko kung saan ko binaril ang sarili ko.

'Di ko napigilang tumingin sa banda ng mga tsismosong mga opisyales. May ibang nag-aalala, may iba ring galit. Mas naiiba talaga ang ekspresyon sa mukha ni Mr. Zimeon.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon