Kabanata 13
Switched
Nakabihis na ako ng isang normal na pambabaeng damit. It's a white conservative dress. It's below the knees and have a thin loose long sleeves with a pair of white sandals.
I feel like a royal princess with this.
"I'll introduce you to them," pambungad sa akin ni Caspian nang lumabas ako ng banyo matapos maligo at magbihis.
Wala sa sariling tumango ako at napahawak sa noo.
Bakit biglang sumama ang pakiramdam ko? Baka dahil ito sa magdamag na natuyo ng tubig dagat ang damit ko? Dagdagan pa ang pagligo ko sa umaga?
I retreated back my hand away from my forehead when I saw Caspian staring at me again.
"What's wrong?" gusto kong paniwalaan ang pag-aalala sa boses niya pero alam kong pakitang tao lang lahat ng 'to.
Mamaya ay babalik na naman siya sa pagiging marahas.
"Nothing..." I found a hairbrush in the drawer and brushed my hair. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko habang patuloy ako sa pagsuklay sa basang buhok.
Nakita ko kung paano sumama ang timpla sa mukha niya. "You showered?" tuluyan ng nag-iba ang boses niya.
Tinatanong pa ba 'yon? Halata namang basa pa ang buhok ko 'di ba?
Hindi na ako nagsalita at gano'n din siya. Nauna siyang lumabas ng kuwarto niyang sobrang kalat. Ano kayang pumasok sa isip niya at bakit ginawa niya 'to? Pampawala siguro sa galit niya.
Sumunod na akong lumabas at nakita siyang pababa na ng hagdan.
Pinagmasdan ko ang suot kong sandals habang pababa ng hagdan. Ang ganda kasi tignan, magkano kaya 'to? Saan niya naman kaya nabili 'to? Gayong nandito naman kami sa isla. O baka naman ay kinuha niya 'to sa loob ng luxury yacht niya?
Nakarating na kami sa dining hall at agad akong tumabi sa bago kong best friend. Umupo naman si Caspian sa inuupuan niya kanina bago pa man kami nabuking.
"Monterozo?" siniko ko ang katabi kong nakasuot na ng bagong pormal na damit pangmayaman. Magmomodel ata 'to saa isang magazine e. Grabe kung pumorma.
"Muntik na akong mamatay, Khione." nakatulalang sabi nito. Akala ko ay seryoso na siya kaya napaseryoso rin ako ngunit bigla siyang ngumiti at siniko rin ako ng mahina.
Naalala kong may itatanong nga pala ako sa kanya.
"Monterozo? Anong nangyari sa paa ni Caspian?" bulong ko habang nakatakip ang bibig kong malapit sa tenga niya.
Umupo ako ng maayos nang naramdaman kong nakatingin pala sa aming dalawa ang apat. Kasali na do'n ang madilim na mga mata ni Caspian.
Hindi pa pala sila nagsisimulang kumain?
"Nataranta kasi siya noong nagising na nawawala ka. Hindi niya namalayan ang bubog ng basag na baso sa sahig. Kaya..."
"Natapakan niya?" tumango siya sa idinugtong ko.
Bigla akong nakaramdam ng konsesya. Natapakan niya 'yong basong aksidenteng nahulog habang kumakain ako.
Kamusta na kaya ang paa niya? Kawawa naman 'yong paa.
'Yong paa lang, hindi 'yong nagmamay-ari ng paa.
"Khione," tawag ng malamig at maawtoridad na boses.
Bumaling ako sa kanya at tinignan siya gamit ang nagtatanong kong mga mata.
"Sit here."
Iiling sana ako pero bigla akong may naalala kaya mabilis akong tumayo at sumunod sa inuutos niya.
BINABASA MO ANG
A Hundred Billion Worth
HumorWARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.