Kabanata 22

89.3K 2.1K 199
                                    

Kabanata 22

Chained

I was staring at him the whole time I'm silent. Staring at his beautiful scars on his back. Making him looked like a defeated submissive beast.

Hindi ako makapaniwala.

Bakit ganito? Anong nangyayari? Ako? Paparusahan siya? Paano ko gagawin 'yon? I've never hurt someone intentionally. Even if that someone is as vicious as him.

But now, he looked so remorseful.

I don't understand.

"I—I can't," itinapon ko ang hawak kong latigo at umiwas ng tingin sa maskulado niyang likod.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na parang alam niya na ganito ang mangayayari. Nanatili siya sa puwesto niya. Madilim ngunit hindi sapat ang dilim na iyon upang hindi ko siya makita.

"Darating ang araw na mapaparusahan ka, Khione. Hindi lang ako ang namamahala sa organisasyong ito. Marami, at kung gugustuhin nilang mapatalsik ako sa puwesto ko, gagawin nila ang lahat. Makapangyarihan ako, pero kapag may nilabag akong isang batas ko, maaaring makuha nila ang organisasyong hawak ko ngayon." Hindi ko mapagkait na mas gusto kong marinig siyang nagsasalita sa wikang Filipino kesa sa English. Mas nagiging baritono ang kaniyang boses.

Napangiti ako sa mga naririnig ko kahit na kasalungat naman ang mga sinasabi niya.

Marami pa pala akong hindi nalalaman tungkol sa organisasyon niya pero isa lang ang alam ko. Ito ay sobrang delikado.

Bumaling ulit ako sa nakatalikod na si Caspian nang umayos siya sa pagkakatayo at humarap sa akin.

Nagkasalubong ang aming mga paningin at nakita ko na nagkasalubong na naman ang medyo makapal niyang mga kilay. I saw a little movement from his jaw. His Adam's apple contrasted because of the light and darkness.

Look at his messy dark hair.

"I want you to be ready," kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako boys scout para laging handa. "Darating ang mga opisyales ng organisasyon ko. They demanded an urgent meeting." dagdag niya at pinulot ang kulay itim niyang damit sa sahig.

Opisyales? Officials? Officers? Akala ko ba ay opisyales na sila Monterozo, Monerov, Gordon at Villazardo?

Naalala ko 'yong panahon na pumasok ako sa backseat ng kotse niya at sinundan siya. Naparusahan siya at dumating 'yong Kate na babae tapos isang lalaking may katandaan na may kasamang dalawang bodyguards.

Sino pa nga 'yon? Si Mr. Zimeon? Baka isa rin siya sa mga opisyales na sinasabi ni Caspian?

"Kailan? Saan?" tanong ko nang naisuot niya na ang kulay itim na damit niya.

"Sa field ng mga killers. Ako ang pipili kung anong araw ito magaganap," sagot nito sa malamig na tono. Nawala na ang pagiging mapaglaro nito hindi katulad ng kanina na gusto niyang ako ang magpaparusa sa kanya.

Ano naman kaya ang kasalanan niya upang parusahan ko siya? O baka naman ay gusto niya lang makuha ang tiwala ko?

Nakatingin siya sa akin kahit medyo malayo ang distansya namin. Pinagmamasdan na parang minemorize ang bawat sulok ng mukha ko.

"At ano ang napili mo?"

"Next week in Wednesday," ba't 'di nalang petsa ang sinabi niya 'di ba?

"'Di ako sasama—"

"Sasama ka. Oras na para malaman mo ang mga batas sa organisasyon," wala na akong nababakas na ekspresyon sa mukha niya. Parang kanina lang ay gusto niyang maparusahan tapos ngayon na nag-iba na ang aming pinag-uusapan ay balik na namn siya sa dati.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon