Kabanata 11

127K 2.8K 323
                                    

Kabanata 11

Visitors

Nakapangalumbaba lang ako habang paulit-ulit na iniirapan si Monterozo. Siya naman ay nakaangat ang dalawang kilay na parang nagtataka kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya.

"Sinong kaaway mo oy?" halatang halata sa mukha at boses niya ang pagtataka.

Hindi ko siya sinagot at inirapan ulit.

Halos apat na oras na kaming nakaupo rito at hindi man lang nagpapansinan. Siya lang 'yong unang pumansin sa akin.

Ano nang gagawin ko? Alas diyes na siguro at gutom na ako. Kumukulo na 'yong tiyan ko at parang gusto ko na lang kumain ng anay. Idagdag pa 'yong sobrang antok na ako.

Si Caspian talaga 'yong kontrabida sa buhay ko e. Nakakainis siya, kung wala siya e 'di dapat kumakain na ako ngayon.

Napaisip ako na kumakain ng masasarap na pagkain na palaging inihahanda ng chef.

Napakagat ako sa unan.

Ang hirap naman nito. Puwede naman sigurong lumabas habang nakatapis lang ng comforter 'di ba? Paano kung may humila sa comforter na pantakip ko sa katawan ko?

Bumaling ako ulit kay Monterozo na umangat na naman ang isang kilay nang nakitang nakatingin ulit ako sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa suot niyang damit.

Desente naman siyang tignan. 'Yong mga usual na susuotin ng mga businessman? With a black hat.

Hindi ko maiwasang mapangisi.

"Ano na namang binabalak mo?" bakas sa boses niya ang takot na parang ayaw niyang makita ang makabinat labing pagngisi ko.

"May boxer ka bang suot?"

"Huh? Bakit?" nakita ko kung paano niya tinakpan ang hinaharap niya gamit ang dalawang kamay nang bumaba ang tingin ko doon.

"Sagutin mo na lang," nawala na ang ngisi sa mga labi ko at agad ko itong pinalitan ng seryosong tingin. My lips formed into a thin line.

"Bakit nga?"

"Anong gusto mo? Away o gulo?" parehas lang ata 'yon?

"Meron," agarang sagot nito.

Takot naman pala e. Pinatagalan pa talaga ang pagsagot.

I placed my hand under my chin and let my head lean on it. Muling sumilay ang napakatamis kong ngiti sa aking mga labi.

"Gutom ako."

"Problema ko ba 'yan?" marunong din pala siyang magsungit e 'no? Sarap sapakin e.

"Problema ko pero kailangan ko ng tulong mo." I let my eyes twinkle, daig pa ang diyamante at bitiun sa pagkinang nito.

"Ayoko, bahala ka diyan. Mapapahamak tayong dalawa niyan. Hintayin mo na lang na lumipas ang araw," seryoso na siya ngayon na parang buong buo na talaga ang desisyon niya na huwag patulan ang mga pinagsasasabi ko.

Seryoso siya? Sa isang araw na hindi ako kumakain ay magmumukha akong patay gutom sa oras na makakita ako ng pagkain.

"Eh? Hindi ka mapapahamak, promise!" pamimilit ko at pinagsalikop ang dalawang palad na parang nagdadasal.

Umiling siya.

Nagmamatigas.

"Kung hindi mo gagawin ang gusto ko ay aalisin ko 'tong comforter na nakabalot sa katawan ko. Sisigaw ako ng rape tapos-"

Naputol ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at tumalikod.

Pareho lang sila ni Caspian e. Mas malala lang talaga si Caspian.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon