Kabanata 43
Accuse
I crossed my arms against the lower part of my chest and moved my head to the side to see Lordcan rigidly standing on the doorway of my room.
Magkasalubong na naman ang kaniyang mga medyo makapal na kilay. Nanliit ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"This is my room, Lordcan. Siya dapat ang pumunta sa silid mo at hindi ako," giit ko at mabilis na bumaling kay Calla na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin din sa akin.
Iniisip niya ba na basta-basta ko nalang ibibigay sa kanya 'tong silid na 'to? She's been gone for a long time at hindi ko rin naman alam na room niya 'to noon.
Akala niya ba ay gugustuhin kong matulog sa silid ni Lordcan?
Unfortunately, no.
"Calla, I would like you to meet-"
"What the fucked up hell, Lordcan? Ako pa talaga ang ipapakilala mo sa kanya na imbes siya ang ipakilala mo sa akin!" irritation was all over my face and voice. Tinapunan ko ng masamang tingin si Lordcan na ngayon ay sobrang talim na ng mga matang nakatitig sa akin.
May meaning kasi about sa mga pagpapakilala. Mas mataas ang posisyon ni Calla kapag ako ang ipinakilala sa kanya at kapag siya naman ang ipinakilala sa akin ay mas mataas ang posisyon ko.
I feel like Lordcan was disparaging me.
Am I that unimportant?
Gusto kong mag-walk out pero natatakot ako na baka ay 'di ako sundan ni Lordcan.
"Umalis ka na nga! Matutulog na ako!" ibinaling ko kay Calla ang galit ko.
"Khione, this is her room-"
"Her room? Akin kaya 'to! Binigay na 'to sa akin, Lordcan!" pagputol ko sa sasabihin niya at siya naman ngayon ang pinagtuunan ko ng galit ngunit mas lalo lang nag-iba ang timpla ng mukha niya. "Fine! Aalis ako at maghohotel nalang ako." Akmang maglalakad na ako palabas at lalagpasan si Lordcan ngunit natigilan ako nang nagsalita ulit siya.
"Calla, is it okay if you'll sleep in my room?" 'yong boses niya ay sobrang mahinahon na parang isang preschool na bata ang kausap niya.
"Tangina talaga. Ba't siya tinanong niya pa tapos ako inutusan agad na pumunta sa kuwarto niya?" bulong ko sa sarili ko na halata namang narinig nila.
Ba't napapadalas ang pagmumura ko?
"If it is okay to you then, why not?" kahit mahinhin ang boses ni Calla ay 'di pa rin makakatakas sa pandinig ko ang landi nito.
I rolled my eyes and continued to walk out of the room but before I even take a step out, someone pulled me back.
"Where are you going?" hindi ko talaga maintindihan si Lordcan. 'Pag si Calla ang kausap niya ay parang wala siyang problema tapos kapag ko naman ang kausap niya ay parang 'di siya nauubusan ng problema.
He is being unfair to me. Mag-iiba kaya ang pakikitungo niya sa akin 'pag nalaman niyang buntis ako? O baka naman ay 'di niya ako paniniwalaan?
I don't want him to change his attitude towards me just because I'm pregnant. I want him to treat me better because I'm better than Calla.
Hangga't maaari ay kailangan kong itago ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Paano kung lumaki na ang tiyan ko? Mamaya ko na siguro poproblemahin 'yon 'pag lumaki na talaga.
For now, I just want everything back to normal. Noong mga panahong 'di pa bumalik si Calla.
My gaze dropped on Lordcan's grip on my arms and up to his handsome face that's full of outrage.
BINABASA MO ANG
A Hundred Billion Worth
HumorWARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.