Kabanata 5

125K 3.3K 497
                                    

Kabanata 5

Seduce

Sobrang init ng pakiramdam ko. Tanghaling tapat, ang init init talaga. Ang sakit din ng ulo ko. Pakiramdam ko ang bigat ng tiyan ko. Medyo pinagpapawisan na rin ako.

I am now sitting on a sofa. Nakaupo naman si Caspian sa sahig at inaasikaso ang paa ko. Hindi ko alam na marunong pala siya sa mga ganito. Bakit 'di nalang siya naging nurse? Kesa naman sa pumunta siya sa iba't ibang tagong branch ng Red Market upang bumili ng babaeng kakakapagbigay ng kailangan niya.

I wriggled my toes and then the twin Caspian glared at me. His twin slowly collided and turned into one. Medyo maayos na ang paningin ko ngayon, tipsy nga lang.

"Caspian! I wanna go to the bridge." tila naging hype ako. I even think a nickname for him, Caspie is just so ew. Casi sana pero parang may mali? My God, Casi. Nakakainis talaga, kahit anong pagpupumilit ko sa kanya na pupunta ako sa bridge e hindi naman siya sumasagot.

He just ignored me and continue what he's doing. Siya na nga mismo ang nagbihis sa akin. What I mean is pinasuot niya ako ng malaking T-shirt kasi hanggang ngayon ay nakasuot lang ako ng two piece. Pero hindi ko sinout, that's why he did it himself.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napapikit nang naramdaman ko ang hapdi sa paa ko.

Iniwas ko ang paa ko sa pagkakahawak niya pero hinuli niya iyon at pinagpatuloy ang paglilinis sa sugat.

"C-Caspian..." I winced and tried to get my feet off from his grasp.

Pilit kong itinaas ang laylayan ng T-shirt na suot ko dahil sobrang init ng nararadaman ko. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko ngayon. Pero hinihila niya naman pababa. Nakakainis talaga, sobrang init e. Bakit ba kasi ininom ko 'yon? Mamamatay naman ako 'pag hindi ko ginawa 'yon.

Ang sarap niya talagang sipain e.

Medyo nahimasmasan na ako ngayon kesa kanina dahil may pinainom sa akin si Caspian kanina e. Tea? Coffee? I don't know, I can't remember it. Basta ang alam ko ay may ininom ako.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang may binuhos siyang likido sa paa ko.

Alcohol 'yon. Sigurado ako.

"Aray naman," reklamo ko habang nakapikit. The time I slowly opened my eyes. Nagulat ako sa nakita.

He kissed my knees softly. Like he's trying to get the pain away from my system through his soft kiss. Like he's telling me that he's feeling it too. He even looked up at me.

I blinked once and saw him continue doing his work. Parang walang nangyari, parang hindi niya ginawa 'yon.

Did he really did that? Nangyari ba talaga 'yon? O gawa lang ng kathang-isip ko? Baka pinaglalaruan lang ako ng mga malilikot kong mga mata? Himala 'yon. Siguro ay dala ng kalasingan ko kaya ko nakikita ang mga gano'n. Hindi totoo 'yon. Pinaglalaruan lang ako ng imahenasyon ko. Tipsy kasi ako.

Ilang minuto akong nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na nga akong nabalik sa wisyo ko. Pero syempre, ipagpapatuloy ko ang pagiging lasing. Magpapanggap akong lasing.

Why? I'm just confused. It's either he's acting weird or I'm the one who's acting weird here.

May gusto akong masaksihan, malaman, makita. Pareho lang 'yon.

I'll act like I'm still drunk. Mas pumungay ang mga mata ko. Pinalambot ko ang aking katawan na parang isang jelly. I did all the things what a drunk woman do. Ginaya ko 'yong mga nakikita ko sa mga pelikula.

Bakit gano'n? Nakakapagtaka lang kasi akala ko ay binili niya ako dahil sa pansariling pangangailangan at kaligayahan niya. Pero simula noong binili niya ako ay hindi niya pa ako ginalaw.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon