Kabanata 33
Drunk
"Teka lang, malapit na... Konti nalang." bulong ko sa babaeng nakatalikod sa akin ang pagkakahiga upang pakawalan ang nakatali niyang mga kamay.
Nang napakawalan ko na siya ay agad niyang inabot ang nakatali niyang paa. She sighed when she finally untie the knot of the rope.
"Why are you wearing that?" aniya na parang kilala niya ako kung makatanong. Mukha ba akong hindi terorista sa paningin niya?
Her voice sounds familiar but I ignored it.
"OOTD ko 'to, walang basagan ng trip." I shifted my position and looked up at the dark clouds above us as the leaves of the trees were on the side of the view.
Ang dami pa ring mga punong dinadaanan namin.
Mukhang uulan ata.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingala pa rin sa itaas. Nilingon ko siya at nakatingin din pala siya sa mga ulap.
Parang magkaedad lang ata kami ng babaeng 'to. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko pa rin siya kilala kaya ang hirap magtiwala.
"Ikaw? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nandito?" Ang sarap niya ring sapakin eh 'no? Kung hindi lang malumanay ang pagkakasabi niya no'n ay kanina ko pa siya tinadyakan eh.
Naalala ko tuloy si Calla. Kahit 'di ko kilala 'yon ay nakatatak na sa isip ko ang pag-uugali niya. Siguro ay mahinhin siya, malumanay ang mga mata, mukhang mabait.
Parang 'yong katabi ko lang ngayon.
Pero imposibleng mangyari na si Calla 'to dahil pinatay siya ni Trevino na parehong 'di ko rin kilala.
"Nakikisakay lang ako. 'Wag kang maingay baba rin ako, wala kasi akong dalang pamasahe eh." ibinalik ko ang paningin sa mga madidilim na ulap.
Gabi pa rin, buti ay maliwanag ang buwan kanina kaya parang may ilaw na rin noong umalis ako sa maliit na tent. Wala sigurong tulog 'yong mga teroristang guwardiya kaya ang himbing ng tulog nila kanina pero 'yong lalaki talaga na may mahabang buhok—siya lang naman ang nagmamaneho sa pickup na 'to.
"Tsk. Alam mo? Maaga kang mamatay diyan dahil sa katigasan ng ulo mo." bakas sa mala-anghel niyang boses ang iritasyon.
"Alam mo rin? Mamamatay ka na sana ngayon kung hindi lang sa katigasan ng ulo ko." I crossed my arms against the lower part of my chest while looking up the sky.
Alam kong siya ang tinutukoy ng lalaki kanina na ipapapatay nila. Wala namang ibang tao rito, siya lang at nakatali pa ang kaniyang mga paa't kamay.
Medyo sumasakit na ang likod ko dahil sa metal na sahig ng pick up na kasalukuyang hinihigaan namin. Hindi kami puwedeng tumayo o umupo dahil baka ay makita kami ng dalawang tao sa loob ng pickup.
Ilang oras ang lumipas hanggang sa huminto na ang pickup.
"Mauna ka na, baka makita tayo 'pag sabay tayong umalis." utos ko sa babaeng katabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw.
"Okay." her angelic voice made me rolled my eyes. Bakit ba kasi naaalala ko si Calla?
Mabilis siyang tumalon kaya nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng pickup ay umaksyon na ako at nagtago sa madilim na parte ng lugar. Sa likod ng puno.
"Dito ka lang, hindi ka nila puwedeng makita." rinig kong sabi ng baritonong boses ng lalaking mahaba ang buhok.
Sino kaya ang kasama niya? Hindi naman nagsasalita eh. Kaya 'di ko malaman kung babae ba o lalaki.
BINABASA MO ANG
A Hundred Billion Worth
HumorWARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.