Kabanata 45
Crave
Ang hirap palang magtago ng sekreto kung pati 'yong sekreto ay ayaw magtago. Naghihinala na si Lordcan but he didn't say it out loud. Sa tingin ng mga kaibigan niya at ni Calla ay parang may sakit lang ako, lagnat or anything na masusuka ako.
I didn't agreed to go to the hospital. Calla interfered and agreed to my decision. Mukhang mabait si Calla ngayon kasi ang over naman kasi pakinggan na nasuka lang ako tapos isusugod na agad sa ospital?
Imbes na ako ang mangungumbinsi kay Lordcan na hindi na kailangang pumunta ng ospital ay si Calla pa ang gumawa no'n. She's convincing him using her soft angelic voice with that innocent eyes.
Even Kate and the guys except for Villazardo told Lordcan that he's just overreacting things.
Minsan kapag napapatingin ako kay Villazardo ay nahuhuli ko siyang sumusuri sa akin na parang isa akong suspect sa isang krimen.
He has his suspicions too.
Si Lordcan at Villazardo ay parang sila talaga ang laging magkakasundo.
That means I need to avoid Villazardo too? But he looked cute whenever he's frowning with that cold stare of him.
These days ay hindi ko na masyadong nakikita ang mga malamig na titig ni Lordcan sa'kin katulad noong nasa isla kami ng gambler's field. Usually since he's having a suspicions about me being pregnant, he'd just shot me an odd look. It dawned upon me that his attitude towards me was changing into something new and better without even knowing it.
Is it because I looked and acted like a pregnant woman in his eyes?
Ayokong gawing rason ang pagbubuntis ko. Ayokong gawin niya itong dahilan ng pagbabago niya.
Days had passed and my morning was getting worse and worse and worse. Palagi ko ng sinisiguradong naka-lock ang connected door sa opisina niya dahil baka ay bigla nalang siyang papasok sa umaga at maaabutan niya akong nagsusuka.
It's better to keep his suspicions that way than providing it with confirmation.
Sometimes I need to stay up at night til midnight. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko, kulang nalang ay maglapag ako ng banig sa loob ng banyo dahil sa palagi kong pagpunta roon.
I checked my body in the mirror and saw my swollen breasts. Mas lumaki ito kesa noon.
Ito na siguro 'yong sinabi ng doctor sa akin. Kailangan kong magpacheck up ulit since this is my first time at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Sa pagkain naman ay iilan lang ang alam kong hindi ko puwedeng kainin like raw foods, canned goods and more.
I need a healthy food.
Hating gabi na at hindi pa rin ako makatulog pero sa umaga ay halos hindi naman ako gumigising, lagi lang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.
Pakiramdam ko ay nagiging aswang na ako.
I got up in bed and turned on the lamp at the bedside table.
Napatingin ako sa tiyan ko at natulala roon.
I am now six weeks pregnant, tatlong linggo ang lumipas at may maliit na umbok na sa tiyan ko. It's not that massive though. 'Di pa naman siya masyadong halata pero kapag magsusuot ako ng mga fit na damit ay mukhang mahahalata nila ito. That's why I asked Lordcan if I can use his clothes dahil mas malaki 'yon sa akin. Noong una ay nagtaka siya dahil marami naman akong damit na pinamili niya sa secretary niya, speaking of secretary, hindi lang isa ang meron siya. Bakit ba kasi ang daming babaeng umaaligid sa kanya?
BINABASA MO ANG
A Hundred Billion Worth
HumorWARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.