CHAPTER 1

21.3K 318 21
                                    

Para sa iyo tong chappy na'to.

Maraming-maraming salamat sa pag-add nitong story ko kahit Prologue palang yung na-u-upload ko kanina.

Super duper salamat talaga.

Keep safe:))))

And God Bless You!!!

===========

Nagimbal sila sa malalakas na katok na galing sa pintuan nila. Biglang napayakap kay Catalina ang bunsong kapatid na si Jomar.

Ngayong araw na siya kukunin ng mg sundalo sa kaharian para gawing isang utusan ng mga bampira. Kahit na alam na ni Catalina na ito ang magiging kapalaran niya ay hindi niya pa rin niya maiwasan na hindi matakot.

Mga bampira sila! Yan ang tumatak sa isipan ni Catalina. Mga wala silang puso at wala habas kung sila ay pumatay. Pero wala siyang magagawa dahil sa panahon na'to ang mga bampira ang siyang naghahari.

Minamata lang silang mga mortal ng mga bampira.

Na ang kanilang kapalaran ay pagsilbihan sila at sundin ang lahat nang iuutos ng mga ito. Halos 200 taon na din itong nangyayari. Ang nanay niya ay naging isang alipin din noon.

Ngunit pinakawalan ito pagdating sa gulang na 25. Para kasi sa kanila, ang edad na yan ay masyadong matanda na. Ang samyo nang dugo nito ay hindi na kasing lakas at kasing bango nang mga batang mortal na kagaya ni Calatina.

Ngayong araw na ito sana dapat masaya ang pamilya ni Catalina dahil tumuntong na ito sa gulang na 18. Pero hindi nila magawang maging masaya dahil sa araw na ito din siya kukunin ng palasyo papalayo sa mga magulang nito.

Nagimbal ulit sila sa malalakas na katok sa pintuan nila. Ang ama nila na siya Pablo ang siyang nagbukas nito. Kahit na natatakot sa magiging kapalaran ng anak ay tinitibayan niya ang kanyang loob para sa pamilya niya. Sa kanya humuhugot ng lakas ang asawa niya at dalawang anak.

Habang si Belen naman na asawa nito at ina ni Catalina ay nasa pwesto lang ng mga anak nito. Nakayakap at waring ayaw ibigay ang pinakamatanda niyang anak sa kukuha nito.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon