CHAPTER 2

14.6K 273 17
                                    

Hope you'll support my story pa din

HAHAHAHA

Keep safe:)))))

============

THIRD PERSON POV

Pagbukas na pagbukas nung malaking pintuan ay tumambad kaagad kay Catalina ang isang engrandeng silid. Pero hindi ito pangkaraniwang silid dahil sa silid na ito makikita at makakausap ang Hari at Reyna nang mga Bampira kapag may kailangan ka sa kanila.

Andito din ang mga trono nila. Ayun sa mga naririnig ni Catalina ay dito ginaganap ang mga pagtitipon at mga piging kaya sobrang lawak nito. Mukhang mas malawak pa ito sa lugar ng tinitirhan ng mga mortal.

Nangingig na lumakad si Catalina papalapit sa pwesto nang Hari at Reyna. Napansin niya din na may iba na ding alipin na andun sa silid na iyon. Sa tantiya niya nasa sampu o mahigit pa ang andun. At babae lahat na kapareha din ng edad niya.

Yung iba, kakilala niya na at yung iba naman ay ngayon lamang niya nakita. Marami naman kasing nasasakupan na mga lugar ang Kaharian na ito. Yung lugar lang nilang mga mortal ang mas malapit sa palasyo.

Habang papalapit sila sa Hari at Reyna ay nakatungo lamang si Catalina. Natatakot na makita ang mapupulang mga mata nito na parang ano mang oras ay handa siyang kainin o di kaya ay lapain.

“Mahal na Hari, siya na po yung sinasabi niyong Anak ni Belen.”—ang sabi nung lider ng mga gwardiyang sumundo kay Catalina sa bahay nila.

Hindi na nagulat si Catalina na alam ng mga ito ang pangalan ng nanay niya, dahil sa kaharian na’to mabibilang mo lang ang mga alipin kaya tiyak na madaling tandaan na lamang ang mga pangalan nito.

“UTUSAN! Magbigay galang ka sa Hari at Reyna!”—ang sigaw ng lider ng mga gwardiya kay Catalina. Nakatingin lang kasi ito sa sahig kaya hindi niya nakita na nagbigay galang na pala ang mga kasama niya.

Agad-agad naman siyang yumukod para magbigay galang. Ang kahuli-huling gustong mangyari ni Catalina dito sa palasyo ay ang maparusahan.

“Kayo ang mga panibagong henerasyon na siyang magsisilbi sa amin. Kaya naman inaasahan ko at nang kapwa ko mga bampira ang katapatan at kasipagan niyo. Ang iba sa inyo ay hindi dito sa palasyo naninilbihan kundi sa matataas na tao sa Kahariang ito.”—ang sabi ni Haring Anad na matayog na nakatayo. Animoy walang kinakatakutan maski sino man o ano man.

Habang ang Reyna naman nito ay nasa gilid lamang ng Hari. Nakasuporta sa kung ano man ang kakailanganin nito. Kung tutuusin ang mga nagiging Reyna ay parang mga palamuti lamang ng kanilang mga Hari. Isa din sila sa mga sunod-sunuran nito.

“Lucas, ituro mo na sa kanila kung saan sila magtratrabaho at ang magiging tulugan nila. Pati na ang mga pinagbabawal dito.”—ang sabi nang Hari bago ito lumakad papunta sa trono niya at umupo. Sumunod naman agad ang Reyna.

“KAYONG LAHAT, SUMUNOD KAYO SA AKIN!”—ang sigaw ng lider ng mga gwardiya at yung nagpasimuno din sa pagkuha kay Catalina sa pamilya niya. Ito din yung tinawag kanina nang Hari nang pangalang Lucas.

Nagsimula nang magsilakad ang mga utusan na andun kaya naman sumunod na din si Catalina. Tahimik lang ito at walang planong makipag-usap sa iba pang utusan.

“ANAK NI BELEN! PUMUNTA KA DITO!”—ang pag-alingawngaw sa buong silid na iyon. Nakakakatakot ang boses ng Hari. Sobrang malamig at napakabuo kaya naman hindi mo matatantiya kung galit siya o kung ano man.

Napahinto agad si Catalina at tumingin sa paligid pero ang lahat ay nakatingin sa kanya na waring naaawa o di kaya ay nalulungkot. Hindi niya maintindihan kung bakit siya tinitingnan ng ganyan ng mga kapwa utusan na kagaya niya.

“NARINIG MO BA ANG SINABI NANG HARI!?”—ang sigaw ni Lucas kay Catalina.

Napaigik naman ito sa lakas ng boses na siyang ikinagulat ni Catalina. Hindi na nag-aksaya ito nang oras at dali-daling lumakad papunta sa kinaruruonan ng Hari.

Pero napansin agad ni Catalina ang lalaking nakatayo at kausap ng Hari ngayon. Nakatalikod ito sa pwesto niya at basi sa nakikita nito. Matangkad ito at matitipuno ang katawan.

Nakasuot ito nang maitim na pantalon at maitim na jacket. Itim din ang sapatos na suot-suot nito. Ang buhok naman nito ay maikli at naka-porma sa mga usong buhok na nakikita niya sa iba pang Bampira.

“Sino kaya siya?”—ang nawika ni Catalina sa sarili.

“I need to go there!”—ang malamig na sabi nang lalaking nakatalikod kay Catalina.

Agad namang tumindig ang mga balahibo ni Catalina pagkarinig na pagkarinig palang niya sa boses na iyon. Para bang bigla-bigla agad ang naging epekto sa kanya. Nung yung Hari ang magsalita kanina hindi naman ganito yung naging reaksyon nito. Pero bakit sa lalaking ito? Anong hiwagang meron ito?

“Marcus, may ipapakilala…o andito na pala siya.”—ang sabi nang Hari sabay tingin kay Catalina. Agad namang nagyuko nang ulo si Catalina. Natatakot na makita na naman ulit ang mga mata nang Hari.

“Ano ang pangalan mo?”—ang tanong ng Hari kay Catalina.

“C..Catalina po.”—sabi nito habang nasa sahig pa din ang mga mata.

“Who are you talking to, the floor or the King?”—ang mapangahas at maanghang na sabi ni Marcus sa dalaga.

Agad namang napaangat ang ulo ni Catalina matapos marinig ang mga salitang iyon. At sa pag-angat ng ulo niya nakita niya ang mukha nang lalaking nakatalikod kanina sa kanya.

=====

CATALINA - KATHRYN CHANDRIA BERNARDO

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon