CHAPTER 27

10.8K 220 20
                                    

THIRD PERSON POV






Ilang araw na din ang lumipas at mukhang mas naaayon na sa plano ang lahat. Napapalapit na nang tuluyan si Marcus kay Catalina. At kay Catalina na mismo umiinom ng dugo si Marcus. Actually, sa lumipas na mga araw naging mabait na si Marcus kay Catalina. Pero grabi pa din ang pagpipigil ni Marcus na huwag na ulit mangyari ang nangyari noong huli pinainom siya ni Catalina nang dugo nito.

Hindi na din ito masyadong malamig ang pakikitungo sa kanya. Tapos, minsan nahuhuli ni Catalina si Prinsipe Marcus na nakatingin lang sa kanya. Pero agad din itong magbabawi nang tingin at aaktong para wala lang kapag nahuhuli na ni Catalina.

Kinikilig nga ang Hari at Reyna sa kanila kasi parang ganoon na ganoon din ang nangyari sa kanila noon. Mas ma-pride nga lang tong si Marcus kompara sa ama nitong si Haring Anad.

Kasalukuyang nasa kwarto lamang sina Prinsipe Marcus at Catalina. Mamaya daw ay darating ang mga kaibigan nito kaya kailangang maghanda si Catalina nang makakain para sa bisita nang kanyang amo. Binilinan din siya kanina ni Prinsipe Marcus na kumuha nang dalawang bag ng dugo sa isang malaking Refrigerator dito sa palasyo.

Alam na naman ni Catalina kung asan iyon kasi nakita na niyang kumuha doon ng mga pack ng dugo si Samantha at sinabihan siya kung saan nakalagay ang mga iba’t-ibang type ng dugo doon sa Ref na iyon.

Maya-maya pa nagsidatingan na nga ang mga kaibigan ni Prinsipe Marcus. Kaya nagpasintabi muna si Catalina na aalis para kuhanin yung meryenda nang mga ito.

“Dude, she’s hot!”—ang bulaslas agad ni Omer.

“And she has such a sweet scent.”—sabi pa nito habang inaamoy ang dinaanan lamang kanina ni Catalina.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon