CHAPTER 35

10.7K 213 10
                                    

CATALINA’S POV






“CATALINA!”




Paglingon ko, nakita ko si Sebastian na nakangiti at nasa likuran ko. Kakalabas ko lang kasi sa kwarto ni Prinsipe Marcus. Gusto ko kasi sanang kausapin ang Hari at Reyna pero ito nga at tinawag ako ni Sebastian.

Unti-unti itong naglakad papalapit sa akin. At ang ngiti niya talagang hindi na nawala sa labi niya. Tong isang to, kung makangiti naman akala mo kung sino ang kaharap niya.

“I’ve been waiting for you.”—ang sabi nito nung makalapit sa akin. Akma nga niya akong yayakapin sana pero bigla akong napaatras. Yung feeling na ayaw mong may humawak sayong ibang lalaki dahil parang hindi tama.

Kailangan ko na talagang makausap ang Hari at Reyna. Ang gulo-gulo na nitong mga nangyayari sa akin. Tapos ang weird pa kasi hindi ko magawang umalis kanina sa kwarto ni Prinsipe Marcus. Parang kapag inihakbang ko yung mga paa ko palayo sa kanya, para may kulang akong nararamdaman.

Tumakas lang naman kasi ako. Naliligo kasi ito ngayon at talagang kailangan ko nang makita ang Hari at Reyna ngayon bago pa kami maabutan ni Prinsipe Marcus dito na kasama si Sebastian.

“Ahh,  ano Sebastian, may pupuntahan pa kasi ako. Pasensya na talaga.”—ang sabi ko sa kanya at hindi na hinintay ang magiging sagot nito dahil dali-dali na akong tumalikod at nagsimulang maglakad.

Pero nakalimutan ko pala, Bampira tong si Sebastian kaya nakahabol kaagad sa akin. Sinasabayan na niya ako ngayon sa paglalakad. Ano ba naman tong isang to? Sunod ng sunod?

“Saan ang punta mo?”—narinig kung tanong nito sa akin. Hindi ko na siya tiningnan matapos marinig ang sinabi niya at patuloy lang ako sa paglalakad.

“Ano, kakausapin ko lang yung Hari at Reyna.”—ang sabi ko. Wala naman sigurong rason di ba kung bakit kailangan kong itago kung saan ako pupunta kasi mukhang wala namang balak tong kasama ko na lubayan ako.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon