CHAPTER 8

11.3K 235 15
                                    

THIRD PERSON POV

“KKKYYYAAAAHH”—impit na tili ni Mai.

“NAKAKAINGGIT KA NAMAN!”—ang sabi nito sa malakas na boses.

“Ano namang nakakainggit dun, eh ang lamig-lamig kaya nang pakikitungo niya sa akin tapos ang sungit-sungit pa.”—ang kwento naman ni Catalina kay Mai.

*0*





“GIRL! MAGKWENTO KA DALI!”—ang sabi pa ni Mai na tumatalon dahil sa excitement at tuwa.

“Ano ka ba!”—ang natatawang pahayag na lamang ni Catalina.

“Sige na. Alam mo crush na crush ko kaya si Prinsipe Marcus. Ang hot niya at sobrang ma-appeal!”—ang sabi pa nito sa kumikinang na mga mata.

“Wala pa naman akong ikukwento sa iyo eh. Kakasimula ko pa nga lang di ba, tapos buong araw naman siya ngayong wala kaya hindi din kami nagkasama.”—ang sabi ni Catalina.

“Ay ganun ba. Siguro kasama na naman ulit ni Prinsipe Marcus yung mga kaibigan niya.”—ang pahayag nito bago tumalikod sa pwesto ni Catalina at umupo sa mesa na hinainan niya kanina.

“Kilalang-kilala mo siya ah.”—ang naging komento ni Catalina.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon