CHAPTER 9

11.4K 220 17
                                    

THIRD PERSON POV

“Parang awa niyo na po. Sasama naman po ako sa inyo eh.”—ang pagmamakaawa ni Catalina kahit na hirqp na hirap sa pwesto. Gusto nitong humawak sa beywang ng Prinsipe pero baka magalit lang ito lalo sa kanya dahil sa kapangahasan niya.

“Ibaba niyo lang po ako, kaya ko naman pong..”—pero agad na napatigil sa pagsasalita si Catalina nung umalingawngaw yung malamig na boses ng amo niya sa tinatahak nilang daan.

“SHUT UP! OR I’LL DROP YOU HERE!”

Kaya wala nalang nagawa si Catalina kundi ang manahimik. Kahit na naaasiwa siya sa pwesto nila ngayon ay hindi nalang nito pinansin. At sa tuwing hahakbang ang amo niya ay bumabangga ang mukha niya sa likod nito. Kaya naman, naaamoy nito nang hindi sinasadya ang Prinsipe.

<////////////>

“Ang bango-bango naman ni Master Marcus.”—ang hindi maiwasang sabi ni Catalina sa sarili.

“Close you’re eyes.”—ang maya-mayang sabi nito kay Catalina.

Magtatanong pa sana ito kung bakit pinapapikit siya nang amo niya kaya lang nasagot na siya nito sa naging pagkilos. Nahihilo na ipinikit ni Catalina ang mga mata niya dahil sa bilis ng pagtakbo nang Prinsipe na ginagawa.

At sa isang iglap ay naibaba siya nito sa mismong kama nito. Dali-dali namang iniayos ni Catalina ang tuwalyang nakatapi sa kanya. Wala kasi itong suot sa ilalim. Nakatungo lang ito, hinihintay kung ano ang sasabihin ng Prinsipe. Natatakot pa din kasi si Catalina. Naiwan kasi sa isipan nito ang mga mapupulang mata ng Prinsipe.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon