CHAPTER 40

10.9K 197 19
                                    

CATALINA’S POV

Nagising ako na nag-iisa nalang sa kama. Simula nong inutusan ako ni Prinsipe Marcus na dito na ako mamamalagi sa kwarto niya ay dito na din ako natutulog. Actually, tabi nga kami eh. Pero ni minsan, hindi ko naramdaman ang mahiya o ang maasiwa dahil simula nong nag-stay na ako dito, naramdaman ko yung respeto na ibinibigay nito sa akin.

At tuwing magigising ako, yung mukha niya ang unang tumatambad sa mga mata ko. Palaging ganun yung scenario namin pwera nalang ngayon na hindi ko siya makita sa loob ng kwarto niya. Ngayon lang kasi ito nangyari. Kahit na nagtataka ay ipinagsawalang-bahala ko nalang. Kasi naman, hindi naman lahat ng bagay kailangan malaman ko at magsabi sa akin si Prinsipe Marcus.

Bumangon nalang ako at ginawa ang dapat kong gawin. Lumipas ang dalawang oras na hindi pa din bumabalik si Prinsipe Marcus. Asan na kaya siya? Kahapon naman, okay lang kami. Hindi ko tuloy maiwasan na mabahala kung may nagawa ba akong ikinagalit niya. O baka naman, pinakikisamahan niya lang ako dahil kailangan pero sa totoo ay galit siya sa akin.

Ewan ko ba. Baka nagiging paranoid lang siguro ako. At habang patuloy ako na nagmamasasid sa labas mula dito sa malaking bintana sa loob ng kwarto ni Prinsipe Marcus ay nakita ko ang pigura ni Sebastian na malungkot na nakatanaw sa malayo.

Nakuha naman nito ang pansin ko at nawala sa isipan ko ang mga tanong na bumabagabag sa akin tungkol kay Prinsipe Marcus. Nakita ko pang may pinahiran siya sa pisngi niya. Umiiyak siya? Pero bakit? Sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang masayahin na tao. Baka may problema siya.

At hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong naglalakad papalabas sa palasyo. Nasa harden kasi kanina si Sebastian nung pinagmamasdan ko siya mula sa kwarto ni Prinsipe Marcus. Siguro ito na din yung pagkakataon na pwede kong kausapin si Sebastian tungkol sa pag-iwas ko muna sa kanya. Kahit na mukhang wala ako sa tyempo dahil malungkot siya, kailangan ko pa din itong gawin. Ngayon lang ang panahon ko dahil wala si Prinsipe Marcus.

“Malungkot ka yata.”—ang paunang salita ko kay Sebastian. Nakaupo ito sa isang bench malapit sa malaking fountain na magarbong ipagsasayaw ang mga tubig. Doon lang ito nakatitig at waring walang balak na tapunan ako nang tingin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito. Tumingin nalang din sa ako kung saan siya nakatingin ngayon.

“May maitutulong ba ako sa’yo?”—ang tanong ko ulit. Mukha kasing wala itong planong kausapin ako.

“Catalina, may itatanong lang sana ako.”—ang mahinang usal nito matapos ang isang minutong katahimikan na namayani sa amin. Hindi din kasi nito pinansin ang huling sinabi ko sa kanya kanina.

“Shoot! Ano ba yun?”—ang sabi ko na talagang sinadyang pasayahin yung atmosphere namin. Nahahawa na din kasi ako sa kalungkutan niya.

“May minahal ka na ba?”—ang tanong nito sa akin.

0_0

Nagulat ako sa tanong niya. Tapos, this time bumaling na siya sa akin. Seryoso pa siyang nakatingin sa akin ngayon. Ni hindi man lang kumurap.

“Ano ba naman yang mga tanong mo Sebastian.”—ang sabi ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na oo, dahil tiyak na ang susunod na tanong nito ay SINO? at hindi ko kayang sagutin yun. Dahil, kapag sinabi ko, malayang magagawa ni Prinsipe Marcus ang matagal na niyang binabalak. Ang e-claim ako na hindi ko man lang nalalaman kung mahal na ba talaga niya ako o hindi.

“Sagutin mo na lang. Promise hindi ko tatanungin kung sino.”—nababasa ata ni Sebastian tong utak ko eh. Akalain mo yun. Pero sa kanya na din mismo nanggaling di ba? Hindi niya tatanungin kong sino.

“Oo. Bakit?”—pag-amin ko na. Bakit pa ako magpapaligoy-ligoy. Pero hindi ko din maiwasan na magtanong kung bakit niya ba nasasabi ang mga iyan. Parang may pinaghuhugutan lang kasi siya.

“Pano kapag, lumapit yung kaibigan nung minamahal mo at sabihing Bampira ang minamahal mo, tatanggapin mo ba siya? Kaya mo pa rin bang mahalin yung minamahal mo kahit na hindi pala siya yung inaakala mong magbibigay sa’iyo nang pinapangarap mo na buhay?”—ang sunod-sunod na tanong nito. Hindi na din nito itinago ang sakit at lungkot na nararamdaman niya ngayon. Kitang-kita ko kasi iyon sa mga mata niya.

Pero yung tanong niya. Pano nga ba?

“Ahh ano..oo?”—patanong na sagot ko. Kasi naman, sa simula palang alam kung isang Bampira na yung minamahal ko. At oo tinanggap ko kung ano siya. Kahit na noon, ayoko sa mga Bampira pero hindi ko napigilan ang sarili kung mahulog kay Prinsipe Marcus. Siguro nga, kailangang mangyari ang dapat mangyari.

Tiningnan ako nang maguguluhan ni Sebastian.

“Ehem..”—tumikhim ako bago sineryoso ang mukha ko.

“Ano kasi Sebastian, kung magmamahal ka, hindi lang naman isang ugali o isang bahagi nang pagkatao ang minahal mo, yung kabuuan niya mismo. Kaya kahit ano pa man siya, matatanggap at matatanggap mo siya kahit na ano pa yung sabihin  ng iba o kung ano man yung nakaraan niya. Kasi kung hindi mo siya matatanggap, ibig sabihin lang non na hindi mo talaga siya mahal kasi hindi mo siya kayang tanggapin ng buong-buo.”—ang seryoso kung sagot sa kanya.

“Ang swerte niya.”—ang mahinang bulong nito habang nakayuko na ngayon. Akma ko sanang inaangat ang mukha niya para makita ito nang pigilan niya ang kamay ko. Kaya hindi nalang ako nagpilit.

“Sinong swerte?”—hindi ko maiwasang itanong.

“Yung gag*ng yun!”—may bahid ng inggit at sakit sa boses niya.

“Sana lang una kitang nakikilala kaysa sa kanya. At sana, una mo din akong nakilala kaysa sa kanya.”—ang mahinang sambit ulit nito bago bigla na lang naglaho sa harap ko. Isang malakas na ihip lang ng hangin ang huli kong naramdaman.

Pero hindi ko pa din magawang umalis sa kinauupuan ko kasi hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi ni Sebastian. Parang riddle lang kasi.

==========

AN: “Sana lang una kitang nakikilala kaysa sa kanya (MAR). At sana, una mo din akong nakilala kaysa sa kanya (PRINSIPE MARCUS).”

Kung sino ang mga naka-gets agad isang malakas na palakpak!

BRAVO!

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon