CHAPTER 10

11.7K 217 14
                                    

THIRD PERSON POV

Pagbukas na pagbukas ni Catalina sa malaking pintuan ng Slave’s Quarter ay bumungad sa kanya ang madilim na kwarto. Pinilit niyang inaninag ang mga kakilalang mga kasamahang mortal lang kanina. At nakita nitong tulog na nga ang lahat sa kanila.

“Napagod siguro sila nang husto.”—yun nalang ang nasabi nito sa isip niya habang dahan-dahan na humahakbang sa takot na may magising siya sa mga kilos niya. Pumunta ito sa pinakadulong kama na andoon.

Nagkasalubong naman agad ang paningin niya nang may makita siyang damit. Pero ang damit na ito ay mas simple lang kaysa sa suot-suot niya. Napaisip naman agad si Catalina. Hindi siya pwedeng matulog nang nakaganito. At wala naman siyang ibang damit maliban sa suot-suot niya nung pumunta siya dito at sa pagkaka-alala niya ay nilabhan na niya ito kanina sa pag-aakalang may damit na ibibigay sa kanya.

“Siguro ito na yun.”—ang bulong nito.

Pero hindi pa din maiwasan ni Catalina ang hindi humanga na naman sa damit. Parang ang garbo-garbo naman ng palasyo para bigyan ang mga kagaya nilang utusan ng mga ganitong damit.

Hindi na nagsayang ng panahon si Catalina at agad-agad na pumasok na sa banyo para makapagbihis. Kailangan pa siyang gumising ng maaga.

Nang makapagbihis na siya ay mahina itong gumapang sa kama niya. Ngayon lang din nito naramdaman ang sobrang pagod. Kaya sa pagpikit ni Catalina ay agad na itong nakatulog.

=====

Naalimpungatan si Catalina sa pagtulog niya nang may naririnig siyang bulong-bulungan at parang sobrang lapit nito sa kanya. Gusto sana nitong baliwalain ang mga naririnig kasi antok na antok pa ito kaya lang parang mas lalong lumalakas na yung naririnig siyang mga bulong-bulungan.

Naiinis na nagmulat ng mata si Catalina at sasawayin sana kung saan nagmumula ang mga ingay na iyon. Pero agad siyang napatigil sa pagsasalita dahil lahat ng mga kasamahan niya ay napabaling sa kanya. Tapos parang kakaiba pa ang tingin na ibinibigay nito sa kanya.

“Eeer.. May problema ba?”—ang kinakabahang tanong nito sa mga kasamahan niya.

“Bakit ganyan ang suot mo?”—ang tanong sa kanya ni Yumi. Isa din siya sa mga mortal na utusan dito sa palasyo. Sa pagkakatanda ni Catalina si Yumi ang prangka kung magsalita pero hindi naman din ito taklesa.

“Eh?”—ang naguguluhang tanong nito kay Yumi. Napatingin din siya sa suot-suot niya ngayon. Ano namang masama sa pantulog niya? Sobra ba itong makulay? Agad din nitong iniayos ang laylayan ng damit niya dahil tumaas ito nang konti dahil sa pagtulog niya.

“At bakit ganito ang uniform mo? Uniform mo ba talaga to?”—ang mapag-usisang tanong naman ni Venice. Si Venice ang isa sa mga taong ayaw mong kabanggain kasi medyo strikta kasi ito.

“Eh, Venice yan lang naman kasi yung binigay sa akin nung amo ko.”—ang paliwanang ni Catalina kay Venice. Pero mukhang sa lahat ata kasi maigi siyang tinitingnan ng mga kasamahan niya.

“NI PRINCE MARCUS?!”—ang bulaslas ni Mai.

0_0

“MAI!”—suway ni Catalina kay Mai. Itinago kasi nila ito kahapon sa mga kasamahan nila nung tinanong siya kung asan siya naka-assign na magtrabaho pero nagdesisyon nalang si Catalina na magsinungaling at sabihin na hindi niya pa alam. Kasi naman, sapat na ang reaksyon ni Mai kahapon para huwag munang sabihin sa iba niya pang mga kasamahan.

At tama nga ang hinala ni Catalina dahil mula sa pagkagulat na mga mata ay naging matang aso ito na kumikinang.

*0*

Napailing na lamang si Catalina. Wala na siyang magagawa pa dahil nasabi na nga ni Mai. Mabuti pang aminin na lang din niya.

“Para sa katanungan mo Venice, mukhang yan nga yung magiging uniform ko. Yan kasi ang dahilan kung bakit ako hinahanap kahapon ni Master Marcus.”—ang sabi niya.

“SABI NA NGA BA NAMIN! KASI NAMAN, NAKAKAGULAT  KAYA YUNG GINAWA KAHAPON NI PRINCE MARCUS. AT SAKA KAHAPON LANG NAMAN YUN NAGAWI DITO AT TALAGANG PUMUNTA LANG DITO PARA SA SLAVE NIYA.”—ang mahabang litanya naman ni Samantha. Kung siguro madaldal si Mai mas madaldal si Samantha.

Pero lahat naman ng mga mortal na utusan dito sa palasyo ay nakakasundo ni Catalina. Mababait naman kasi ang mga ito at may iba’t-ibang uri nang kagandahan.

“ANO PANG TINUTUNGA-NGA NIYO JAN! HALA MAGSKILOS NA KAYO!”—ang sigaw ni Lady Trina sa kanila kaya naman agad silang napahinto sa pag-uusap at agad na umalis para makapaghanda.

“AT IKAW! KEY BAGO-BAGO PERO PRIMADONA NA AGAD! ABA! KUNG NAG-AAKALA KA NA ISPESYAL KA DAHIL SI PRINSIPE MARCUS ANG PINAGSISILBIHAN MO DIYAN KA NAGKAKAMALI DAHIL “UTUSAN” KA PA DIN!”—ang sigaw nito sa mukha ni Catalina.

Napayuko na lamang si Catalina.

“HALA! TUMAYO KA NA JAN! BAGAL-BAGAL KUMILOS!”—Lady Trina

“AT KAYO! ANO PANG TINUTUNGANGA NIYO JAN! KILOS!”—Lady Trina at maarte itong nagmartsa papalabas ng Slave’s Quarter.

“Hayaan mo nalang yun Catalina. Ilabas mo nalang sa kabilang tenga yung narinig mo, huwag mo nang ipasok sa puso mo kasi masasaktan ka lang.”—ang sweet na sabi ni Bur. Ang pinakamahin-hin sa grupo nila at ang pinaka-sweet sa lahat.

“Oo nga. Huwag mo na lang yung intindihin.”—ang sabi ni Heide ng nakangiti.

At dahil dun, hindi na nga lang inisip ni Catalina ang mga narinig niya kanina. Hayaan na lamang ito.

===========

AN: Sa mga hindi po nasali..Pasensiya na po, hindi naman po kasi pwedeng kayo lahat..Binagay ko lang din po yung mga pangalan.. Sorry po talaga sa iba.. Bawi nalang po ako sa inyo in any way ah!

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon