CHAPTER 42

10.8K 217 17
                                    

CALATINA’S POV






Matapos ang nakakagulantang na aminan namin kanina ni Marcus ay eto kami ngayon. Hindi mapaghiwalay sa isa’t-isa. Oo! Ako na yung kinikilig grabi. Sino naman kasing mag-aakala na ang Prinsipe nang mga Bampira ay gusto ang isang Catalina Vallejo, ang taong may dugong mortal.

Nakahiga kami ngayon sa kama ni Prinsipe Marcus. Tapos yung isa niyang braso ay ipinaunan niya sa akin. Habang yun isa naman ay nakayakap sa bewang ko. Hindi ko nga maisip na dadating din pala kami sa ganito. Kasi naman, kahit tabi na kami matulog noon, hindi naman kami ganito ka dikit sa isa’t-isa. Oo minsan may hindi inaasahang pangyayari pero hindi pa naman kasi malinaw sa amin noon ang nararamdaman ng isa’t-isa kaya kanya-kanya nalang ulit kami nang asal na parang walang nangyari.

Hindi katulad ngayon na hindi na kami mahihiya na iparamdam at gawin yung mga bagay na gusto naming gawin. Naramdaman ko pang mas hinapit ako lalo ni Marcus, at napangiti nalang ako. Ang sarap lang kasi nang feeling ko ngayon. Yung, nakakulong kalang sa mga bisig ng taong mahal mo na animo ay takot na takot na mawala ka sa kanya.

“I want to know you more.”—ang sabi nito. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya dahil ang lapit-lapit lang ng mukha namin. Hindi ko makayanan yung intense nang pagkakatitig niya sa akin kaya naman ako yung unang nag-iwas nalang at nagdesisyon na isandal ang ulo ko sa dibdib niya.

At sa ginawa ko, mas nabigyan ng pagkakataon si Prinsipe Marcus na haplusin ang buhok ko at gawaran ako ng halik sa ulo. Sabi nila kapag hinahalikan ka daw sa noo o sa ulo nang isang lalaki, ibig sabihin nirerespeto ka niya. At halik daw sa noo o ulo ang pinaka-matamis na halik sa lahat.

“I need you to answers my few questions about you.”—ang narinig ko pang dagdag na sabi nito. Grabi napaka-bossy pa din. Kanina kasi sinabi na niya na ayaw na niyang pino-po at opo ko siya. Tapos Marcus nalang yung itawag ko sa kanya. Nag-alangan nga ako kanina kaya lang, ano naman ang panama ko kay Prinsipe Marcus. Siya yung batas eh!

“Okay. Game. Ano yun?”—ang sabi ko na nakatingin lang ngayon sa muscles ng braso niya. Grabi! Ang hot naman nitong isang to. Parang walang taba na tinatago sa katawan eh.

“Real name.”—tanong nito. Hindi naman yun tanong eh. Pero sige na nga, magtatanong nalang, tinitipid pa.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon