CHAPTER 49

9.5K 175 14
                                    

SEBASTIAN’S POV

“Ibibigay mo ang dugo ni Marcus sa akin o iinumin ko yang dugo mo hanggang sa maubusan ka?”—ang naiinis na sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Kanina ko pa siya kinakausap tungkol sa dugo ni Marcus na hawak-hawak niya pero nagmamatigas pa din siya.

“Hindi niyo po yan magagawa.”—ang sabi nito sa kalmado na boses pero hindi maitatago sa mga mata niya ang takot. Isa pa din siyang mortal. Mahina, at madaling matakot.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinwakan ng isang kamay ko ang leeg niya yung tipong sasakalin ko siya. Agad namang siyang nag-panic at agad-agad na hinawakan ang kamay ko para sana alisin iyon, pero hinding-hindi niya yun basta-basta magagawa, dahil isang akong Bampira.

“Gusto mong subukan ko?—ang sabi ko habang inilalapit ang mukha ko sa mukha niya para amoyin siya. Pilit niyang inaatras ang ulo niya sa akin pero dahil sa nakasandal na siya ngayon sa pader ay wala na siyang matatakbuhan pa.

“Parang-awa niyo na po. Napag-utusan lang po ako.”—ang pagsuko niyang sabi nung nakita niyang inilabas ko na ang aking mga pangil para tatukin siya lalo.

“Madali naman akong kausap.”—ang sabi ko sa seryosong boses at gumalaw na para ilapit ko ang bibig ko sa leeg niya. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

“Parang-awa niyo na po.”—ang sabi niya na ngayon ay nagsisimula nang umiyak. Wala pa nga akong ginagawa eh. Matakot siya kapag tinuluyan ko talaga yung pananakot ko sa kanya. Kung hindi lang talaga to mahalaga kay Catalina matagal ko na tong nasakal eh. Ang arte!

Nakiusap kasi sa akin si Catalina. Alam nito ang plano ko na kuhanin ang dugong nasa kamay ng kaibigan nito na ang pangalan nga ay Mai. Pero katakot-takot ang pagbabanta na inabot ko bago makaalis at puntahan nga tong babaeng to.

Kung hindi lang talaga mahalaga sa akin si Catalina. Hindi ko na siya tutulungan ngayon. Pero kailangan niyang makita kung anong klaseng tao ang minamahal niya ngayon para kapag inalis ko na siya sa lugar na ito wala na siyang panghihinayangan at wala na din siyang hihintayin.

At sa panahong iyon, ako mismo ang pupuno sa hindi kayang ibigay ni Marcus sa kanya.

“Si Catalina, kaibigan mo siya di ba?”—tanong ko sa kanya. Nauubusan na talaga ako nang pasensiya sa kanya. Hindi niya ba nakikita na tinutulungan ko lang ang kaibigan niya.

“Opo.”—ang walang kagatul-gatol na sagot niya sa akin.

“Yun naman pala, sa tuwing nakikita mo ba siya habang hinahatiran mo nang makakain, nakikita mo pa din ba yung Catalina dati?”—tanong ko.

Agad naman siyang nagyuko nang ulo. Eh alam naman pala nito ang nangyayari kay Catalina, dapat siya na mismo ang gumawa nang paraaan para man lang mapabuti ang kaibigan niya. Anong pagkakaibigan pala ang meron sila sa inaasta neto?

“May dahilan po kung bakit ko to ginagawa. At para naman din po to sa kabutihan ni Catalina.”—ang sabi niya. At sa narinig ko nag-init na talaga ang ulo ko. Pwes pasensyahan nalang tayo.

Maigi ko siyang tiningnan sa mga mata niya at iniwika ang mga salitang “Ituturo mo sa akin kung asan nakalagay ang dugo ni Marcus.”—ang pag-utos ko. Agad ko namang nakita ang epekto neto dahil unti-unti siyang tumango.

Buti nalang talaga at hypnotism ang kakayahan ko. Kaya hindi pa man umaabot ng limang minuto ay napasa akin na ang boteng naglalaman ng dugo ni Marcus. Ang damuhong yun! Humanda talaga siya! Dahil kapag pumanig sa akin ang tadhana hinding-hindi ko na papakawalan pa si Catalina.

-----

CATALINA’S POV

“Maraming-maraming salamat talaga Sebastian ah! Kung hindi dahil sa’yo hindi na ako makakalabas doon. Kailangan kung pigilan ang pagpapakasal ni Marcus kay Ivory.”—ang sabi ko kahit na mabilis kaming naglalakad ngayon papunta sa kwarto kung saan madalas namamalagi ang Hari at Reyna.

Doon daw kasi mangyayari ang kasalanan nina Marcus at Ivory ngayong gabi. At konti-konti nalang talaga ang oras at magsisimula na ang seremonyas.

“Catalina, pano-pano kung..”—ang nag-aalinlangan na sabi ni Sebastian sa akin. Tumigil din ito sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Tiningnan ko siya direkta sa mga mata niya at nakita ko ang halo-halong emosyon nito. Takot, pangamba at awa?

Bakit? May dapat ba siyang ikaawa sa akin? Pipigilan ko pa naman ang kasal nina Marcus eh. At hindi pa sila nakakasal kaya may pag-asa pa. Nangako ako sa mahal na Hari at Reyna na gagawin ko ang lahat para lang matupad ang propesiya.

“Ano Sebastian? Wala na tayong oras, pwede mamaya nalang yan.”—ang sabi ko at maglalakad na sana nung nahigit nito ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paghakbang sana.

Tiningnan ko ulit siya. Hinihintay kung ano man ang sasabihin niya.

“Papaano kung hindi ka niya piliin?”—eto, eto ang dahilan ko kung bakit ayoko nang pakinggan ang gustong sabihin sa akin ni Sebastian dahil kahit ako kagabi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Sebastian..”—ang sabi ko sana para magmakaawa na lumakad na kami.

“Catalina, eto ang tandaan mo, kung ano man ang mangyari, kung iiwan ka man ni Marcus at si Ivory ang piliin niya, huwag mong kakalimutan na may Sebastian na andito at handang maging Marcus ng buhay mo. Catalina, noon pa man gustong-gusto na kita. Kaya lang hindi ako makaporma dahil andyan parati si Marcus sa tabi mo.”—ang seryosong sabi nito sa akin. At sa panahon na sinasabi niya ang mga salitang iyon ay nakatingin ang ako sa kanya. Hinahanap sa mukha niya kung nagsisinungaling man nga siya pero wala akong nakita.

“Sebastian.”—may sasabihin pa sana ako kaya lang pinigilan na naman niya ako.

“Tara na.”—ang wika nito at hinila na ako para tumakbo. Habang tumatakbo kami, nakatanaw lang ako sa kamay namin na magkahawak. Kung sana si Sebastian ang una kung nakilala sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

At sana, walang kukontra sa amin dahil simpleng Bampira lamang siya at isang kalahating mortal lang ako. Kung sana lang si Marcus ang nakahawak sa kamay ko ngayon. Kung sana lang..

===========

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon