CHAPTER 44

10.1K 190 15
                                    

MARCUS’ POV






“Napagdesisyunan lahat ng Councils na mapupunta lang ang trono kay Prinsipe Marcus kapag pinakasalan niya ang babaeng gusto naming maging Reyna ng mga Bampira.”—I heard Teresa told everyone. Nag-aapoy na ako sa galit ngayon pero wala akong magawa. Gusto-gusto ko nang baliin yang leeg niya pero sobrang pigil ang ginawa ko.

“Marcus, kalma lang.”—my Dad told me though the mind-link. Damn it! How I am supposed to calm down here when they want me to marry someone else. I can’t even afford to imagine myself marrying someone else aside from Catalina.

“And who are you to command us like that? Don’t you think you went overboard? Remember WE ARE STILL THE ROYAL FAMILY. Know your grounds!”—ang maanghang na sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagkabigla na dumaan sa mga mukha ni Nicholas at Teresa. Maybe, they didn’t expect that.

“HOW DARE YOU!”—nang-gagalaiting sigaw ni Teresa.

“Teresa!”—my Dad warned her in an authorative voice. She stayed still when she sees that my father starts to stand up. Now, you see who is in the higher rank.

“Wala pa rin kayong karapatan na sumugod nalang dito basta-basta at magsasabi nang kung ano-ano. Ako pa din ang Hari at ako lang ang BATAS sa ngayon.”—Dad told them in a serious tone. Everyone starts to bow their head aside from Nicholas and Teresa.

“Ano naman ngayon kung mortal ang kabiyak ni Marcus? Baka nakakalimutan niyo na siya ang itinakda nang propesiya.”—my Dad added.

“PAANO TAYO NAKAKASIGURO NA SIYA NGA! HUH?”—hindi pa din pala magpapatalo tong si Teresa. Nakita ko namang nagpipigil na din si Dad na bulyawan tong isang to. Ang angas akala mo naman kung sino. Kung hindi lang kasi to isa sa mga matatandang Bampira hindi naman to masasali sa councils eh. Dinamay pa ang kabiyak niya.

“Teresa mukhang kami na yata ang bahala jan. Baka nakakalimutan niyo, tagapayo lang kayo nang Royal Family hindi ang pangunahan kami sa mga bagay na pwede naming gawin at ipatupad.”—my Mom interrupted. Her voice is sweet and while she spoke those words, she is smiling at them but you could really feel the venom she is releasing.

“Mawalang galang na Mahal na Reyna pero baka nakakalimutan niyo na ang mga mortal ang dahilan na yan kung bakit tayo naghirap noon. Halos, wala na silang itinira sa mga kahali natin noon. Baka nakakalimutan niyo na kung papaano natin naramdaman yung sakit na pinapatay nila yung mahal natin sa buhay, kaya hindi sila dapat magkaroon ulit ng karapatan! AT HINDI PWEDE NA MAGING REYNA ANG ISANG MORTAL NA IYAN! BAKA TRAYDURIN LANG TAYO NIYAN!”—ang sabi pa nang isang council na siyang naging dahilan para mag-init lalo ang ulo ko. Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo niya. Wala akong pakialam kung matanda siya pero kailangan niyang bawiin lahat ng sinabi niya tungkol kay Catalina.

“How dare you say those words to my mate.”— I told him darkly. Unti-unti ko pa siyang itinataas sa ere para mahirapan siyang huminga. Ngayong hindi na siya magkandauga-uga sa paghawak sa kamay ko kaya marahas ko naman siyang ibinagsak sa sahig.

Bakit ba? Hindi porket matanda na siya ay mahina na siya. Bampira kami. Iba kami sa mortal.

“WALA KANG GALANG!”—ang sigaw nito sa mukha ko. Nagpapatawa ata to eh. Sino ba sa amin ang walang galang?

“If I remembered correctly you and your group are the ones that do not have respect. You are facing and talking with the Royal Family as if you are talking to mere slaves!”—I told him.

“Umalis na kayo dito!”—I heard my Dad ordered them.

“Hindi pa dito natatapos ang lahat. Malalaman ng lahat ng Bampira kung ano ang nangyari dito at kung ano ang binabalak niyo. TANDAAN NIYO YAN! Luluhod din yang mga mortal na yan sa lupa at kasama na kayo dun!”—ang sigaw ni Teresa sa amin habang dinuduro-duro pa kami.

“LUCAS! Palabasin ang mga yan!”—Dad’s voice echoed on the room. Agad namang silang hinila papalabas ng mga gwardiya. Napaupo nalang si Ina sa upuan niya habang sapu-sapo nito ang ulo niya.

Agad naman siyang nilapitan ni Ama at hinagod-hagod ang ulo nito. And with that scene I felt envy. I hope 10 years from now; we will be like that with my mate. Caring and loving each other in times of difficulties.

“Dad, we need to do something.”—ang sabi ko sa kanya. Hindi ito ang panahon para mang-asam ng mga bagay-bagay. Kailangan ko munang lampasan to para mangyari ang gusto ko.

“Ikaw ang mas magaling sa mga ganyan Marcus, kailangan mong mag-isip ng plano. Hindi natin sila pwedeng hayaan nalang. Kapag ganoon, wala nang susunod sa atin na mga Bampira.”—I heard my Dad told me worriedly.

He’s right, knowing the councils, especially Nicholas and Teresa, they can manipulate everyone. And we need to do something before they can make all the Vampires turns away from our side. I need a plan!

“I have an idea but..”—me

“Ano Marcus. Hindi ito ang oras na magdalawang-isip ka pa.”—this time it’s my Mom, and she is looking at me expectantly.

“It’s crucial and I think I can lose my mate with this plan.”—ang mahinang sambit ko.

==========

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon