CHAPTER 12

11K 214 13
                                    

THIRD PERSON POV






Nakita ni Catalina ang paglabas ng isang babae. Hindi lang basta babae kundi isang sobrang magandang babae. Pero agad namang nakita ni Catalina ang mga mapupulang mata nito na nagsasabi na isa itong Bampira.

Agad naman na nakalapit si Prinsipe Marcus sa kinatatayuan nung babaaeng yun at walang habas na hinalikan ito sa labi. Nagulat nga si Catalina sa nasaksihan ng kanyang mga mata. Ang alab ng halik na pinagsaluhan nila. Isinandal pa nga ni Prinsipe Marcus ang babae sa kotse nito at ipinagpatuloy ang matinding paghahalikan.

Pero ang babae ang unang marahan na tumulak sa Prinsipe at maarteng inayos ang sarili. Kahit naman medyo nawala sa ayos ang ibang hibla nang buhok nito dahil sa paghawak-hawak doon nung Prinsipe ay maganda pa naman din ito.

Bigla nalang nakaramdam ng inggit si Catalina. Kahit gusto niyang pigilan iyon ay hindi niya magawa. Parang kusa nalang iyong naramdaman niya.

Pano ba naman, sobrang sexy nito sa suot na isang maitim na short shorts at isang puting tank top lang. Simpleng suot lang pero nagmkuha na itong kaayaya.

“I can’t stay long.”—ang sabi nung babae kay Marcus.

“Wala namang hindi maganda sa kanya? Pati boses niya parang nanghahalina tuwing may sinasabi siya.”—ang reaksyon ni Catalina sa isip niya.

“I thought.. What is it this time Ivory?”—ang naiinis na turan ni Marcus sa kausap. Naghintay ito nang sobrang tagal tapos sasabihin lang nitong hindi siya pwedeng magtagal. Ang tagal na nitong na-set na date para sana makasama nila ang isa’t-isa pero heto na naman ang nobya nito at may kailangan na naman sigurong gawin.

The Love of A Mortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon