02.

5.9K 205 8
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

PAGKATAPOS nang pangyayaring yun ay nahihiya man akong pumasok pero kinakailangan alam ko naman na pag-uusapan ako ng lahat dahil sa nangyari, hindi ko na lang sila pinapansin pero kapag nasa bahay na ako at nagiisa lamang ako sa kwarto doon ko iniiyak lahat ng sakit iyon lang ang paraan na alam ko para mawala ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. Gusto ko man ilabas ngunit hindi sapat iyon  kaya merong time na may hawak akong kutsilyo at blade at hinihiwa ko ang palapulsohan ko dahil feeling ko kapag ginagawa ko ito nagiging ok ako.

Simula din kasi nun ay lagi na akong na bubully sa unibersidad na iyon lagi man akong tinutulungan at ipanagtatanggol ni chel ay hindi sapat iyon dahil hindi sila tumitigil, hindi ko makakalimutan lahat ng iyon, nung p.e namin binato nila ako ng maraming bolaat  na baggok ang ulo ko sa sahig ng court pero hindi man lang na suspende ang may gawa nun dahil nga binayaran nila ang principal.

Meron pa nung nasa cr ako laging may nag-aabang sa akin para tapunan ako ng tubig, pintura, malansang tubig, mabahong basura at iba pang pwedeng itapon sa akin, may time na inaabangan nila ako sa tapat ng school para pagsalitaan ng kung ano ano gaya ng malandi daw ako kasi nilandi ko daw si Xiquil, feeling maganda, pokpok  dahil may nakagalaw na raw sakin (buti pa sila alam nila, bakit di ko alam na may nakagalaw na sa akin?) Masyado daw akong feeling, ang pangit ko, ang tanga ko, wala daw akong hiya sa sarili marami pa silang sinasabi tungkol sa akin na mas masakit pa jan pero di ko na lang sila pinapansin...

Nang dahil sa mga sinabi niya sa akin noon na narinig ng mga studyante sa school na ito hindi na nila ako tinantanan.

Nang dahil sa mga salitang binanggit niya hindi ko ito nakalimutan hanggang ngayon tinatak ko na sa aking isipan lahat ng iyon na never niya ako magugustuhan.

Grabe sana una pa lang sinabi niya sa akin lahat ng iyon haha ang sakit mo naman mahalin Xiquil.

Simula nun ay dumistansya na ako kinumbinsi ko pa si mama na ilipat na ako sa ibang eskwelahan.

Sumang-ayon naman si mama kaya naman hindi na ako nahirapan. Nang kausapin namin ang dean at ang prof ko sinabi nila na masmabuting tapusin ko muna ang finals bago ako lumipat.

Wala akong nagawa kundi tapusin ang muna ang finals bago tuluyang lumipat. Ipinukos ko ang aking sarili sa pag-aaral dalawang buwan pa ang pananatili ko rito hanggang sa pwede na akong lumipat. Medyo humupa na rin ang issue na meron ako.

TAHIMIK akong naglalakad papunta sa waiting area doon sa tapat ng gate hihintayin ko kasi chel dahil pinatawag siya sa faculty.

Habang naglalakad ako may nabangga ako kaya naman ng hihingi sana ako ng pasensya kaso nagsalita ito agad.

"Tsk, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Are you stupid? Ohh it's Raviela the stupid girl. Omg ang dumi dumi mo kaya, tapos binangga mo ako." Inis niyang saad at nagpaabot ng wipes sa kasamang babae.

"Tama na yan Khaleesi tara na baka mahawaan pa tayo sa kalandian ng babaeng yan." Saad naman ng isa pa nilang kaibigan.

Nang makaalis sila sa harap ko saka ako nakahinga ng maluwag dahil akala ko kung ano na naman ang gagawin nila sa akin sawang sawa na ako mabully.

Hindi pa man ako nakakalapit sa gate tanaw ko na si Jaze na nakasandal sa kanyang itim na kotse at halatang may hinihintay.

Hindi ako tumingin sa kanya ng malapit na akong makalabas umupo ako sa pinakagilid ng waiting area dahil ayaw kong makarinig ng kung ano.

Nang maiayos ko ang aking bag sa aking tabi inangat ko ang aking tingin at pinagmamasdan ko lang ang mga studyante at sasakyan na dumadaan sa aking harap.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now