39.

2.1K 51 5
                                    

•Read, Comment and Vote.

NAGISING ako dahil sa mabigat na bisig ni Xiquil na nakayap sa akin.

Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking dibdib na akala mo'y bata.

Babangon sana ako ng maslalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Xiquil i need to pee, bitaw."

Hindi ito sumagot kaya naman ng akmang aalisin ko ang kanyang pagkakayakap sa akin ay hinigpitan niya lalo.

"Xiquil Jaze Alonte kailangan kong bumangon para umihi!" Naiinis kong saad sa kanya.

"Hmm." He just hmmed.

"Xi-" biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon.

"Uhmmm ma'am pasensya na po kung nakakaistorbo po ako sainyo ni sir, sabi po kasi ni ma'am Jarya ay bumaba na raw po kayo para sabay na raw po kayong lahat kumain ng breakfast at baka raw po kasi padating na ang designer na kinuha ni ma'am." Saad nito na nahihiya pa.

"Sige susunod kami gigisingin ko lang si Jaze." Tumango na ito at isinarado ang pinto.

Pinalo ko ang braso ni Xiquil at mahina itong umungol.

"Bangon na tawag tayo sa baba." Hindi siya sumagot kaya binigla kong tinanggal ang kanyang bisig sa akin at saka ko kinuha ang unan at itinampal sa pagmumukha niya.

"Xiquil kung hindi ka babangon jan walang kasal na magaganap." Agad itong bumalikwas at nahulog sa kama pero agad ding tumayo namumungay ang kanyang matang tumitig sa akin. "Babangon ka rin pala pinahirapan mo pa ako."

Dumiretsyo ako sa cr para mag-ayos ng sarili ng lumabas ako nakita kong naka-upo si Xiquil sa gilid ng kama at pinagmamasdan ako.

Pumunta ako sa aking bag para kunin ang aking suklay para maslalong umayos ang aking buhok.

Tumayo naman si Xiquil akala ko ay didiretsyo siya sa cr pero sa akin siya nagtungo habang hinahanap ko ang suklay sa aking bag may mga bisig ang humapit sa akin sa isang yakap.

I smelled his manly scent sobrang bango nito kahit bagong gising.

"Ang ganda mo." Aniya at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg at nagdampi-dampi ng halik.

"Tama na ang kalandian mo mag-ayos ka na, tayo na lang yata ang hinihintay sa baba." Saad ko at sinuklay ang aking buhok. "Isa Jaze tumigil ka."

He sighed in defeat kaya nagtungo ito sa cr pagkatapos niya ay agad na rin kaming bumababa at nagtungo sa dining table well si Xianara na lang ang kulang kaya hinintay namin siya saglit.

Napuno ng masayang kwentohan ang buong dining area dahil sa mga kwento ng mag-asawa.

Nang matapos kami ay sakto rin dahil kadarating lang ng designer at ng cake taster.

"So this is the bride? she is more beautiful personally than I thought." Manghang papuri nito ng makita akong papalapit sa kanila.

Xiquil was just beside me holding my hands and being clingy and pda in front of them.

Nang pinatayo ako para masukatan na ayaw pa akong bitawan ni Xiquil kung hindi ko siya pinanlakihan ng mata.

Nakikipag kwentohan si mama Ja sa  babaeng designer na nasa mga edad 50 i guess?

Xiquil naman ay tinitikman na ang cake at other food na ihahanda sa wedding.

Nang matapos akong sukatan inabot ni Xiquil ang aking kamay para hawakan at saka niya ako pinaupo sa kanyang tabi.

"Taste it." Aniya at sinubo sa akin ang red velvet cake sample. "What do you think?"

"I don't like it, I'm sorry." Saad ko at tumango si Xiquil kaya pinainom niya muna ako ng tubig bago subuan ng ibang flavor.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now