04.

5.6K 169 10
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

PAGKAGISING ko agad akong tumayo para magluto ng umagahan tinignan ko kung ano ang mga available na pwedeng lutuin sa refrigerator. Nakita ko naman ang itlog at bacon kaya ang mga ito ang aking niluto, nagluto na rin ako ng fried rice dahil favorite yun ng nakakabata kong Kapatid.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng aking ina at ginising ito. Ang hirap pa man din gisingin ng aking ina dahil tulog mantika ito kagaya ng bunso naming Kapatid tsk kaya medyo sumigaw ako para magising si mama sa ganda ng boses ko talagang magigising ito dahil naiirita ito kapag ako na ang sumigaw.

"Maaa! Manganin paki riing mut kuma agijay duwa ma" (ma, kain na gisingin mo na rin yung dalawa ma) hindi ko alam kung paano nakayanan ni mama na palakihin kami ng walang ama, iniwan kami ng aming ama, umalis siya kasama ang kabit niya pero wala na kaming paki dahil maganda at payapa na ang aming buhay ngunit kahit na ganoon gusto parin namin maranasan ang maging kompleto at syempre gusto din naming maranasan ang aruga ng isang ama pero alam namin na hindi na iyon mangyayari pa.

"Anya mettin ta agriyaw pay lang nagsapa ravie, anya sidaen nga inlutom?" (Ano ba yan at naninigaw pa ang aga aga ravie, anong ulam?) Ewan ko ba sa nanay ko at parang magtropa lang kami kung mag-usap .

"Itlog ken bacon ma" (egg and bacon ma) sambit ko sa kanya at ngumiti ng malawak saka ko siya hinalikan sa pisngi kahit na ganyan si mama mahal na mahal ko iyan. Naging ama at ina siya saming tatlo kaya takot kami na mawala siya sino ba naman ang hindi takot kapag nawala ang ilaw ng tahanan.

"Ma si dion po nagcutting kahapon" biglang sabi ni kuya na palapit sa hapag kainan at halatang kakagising lang at nagsusumbong na agad sa aming ina.

"Awan met lang klasek kayat ko agawedin di nak kayat parwaren jay guardiya nga piling principal isu nga nagskip nak lattan ah." (wala din naman akong klase nun kaya gusto ko na umuwi ayaw naman akong pauwiin ng guard na feeling principal kaya nagditch na lang ako.) sambit naman ng nakakabata kong Kapatid abat... Mali parin ang kanyang ginawa.

Dito sa bahay dalawang lenguwahe ang aming gamit tagalog at ilocano maslalo na kapag kami kami lang naman ang naguusap mas ok din na ganoon dahil minsan may gusto kaming pagusapan ni mama tapos ayaw naming ipaintindi gagamit kami ng ibang lenguwahe ganoon kami kaabnormal ni mama.

Galing kami sa simpleng pamilya hindi kami mahirap hindi rin kami mayaman may kaya lang kami sa Buhay galing pa kami ng pangasinan. Hindi talaga kami tagarito sa manila napadpad lang kami rito dahil pinalayas kami sa aming inuupahan sa bulucan kung saan nagtratrabaho ang aming ina noon kaya naman simula noon ay nagpursigi talaga kami ni kuya para mapaaral namin si dion na malapit na ding grumaduate.

Maraming nangyari sa loob ng ilang taon namin dito sa manila maslalo na nung unang araw na makita ko si Xiquil sa eskwelahan kung saan ako nagaral ng high school buti nga at nakalipat ako ng ibang school at doon sa nilipatan ko dun na rin ako nakapagtapos ng kolehiyo.

"Hoy anak kanina ka pa nakatulala diyan halika na at baka malate ka sa trabaho mo" sambit ni mama kaya umupo na ako para kumain.

Kakatapos ko lang maligo, inayos ko muna ang aking sarili, I just wear my black Trouser pants and a white crop top and a blazer then a 2 inc heels.

Hindi ko na inantala ang cellphone ko dahil baka malate pa ako kakacellphone sasabay ako kay kuya dahil sabi niya ay ihahatid niya ako ngayon pero bago niya ako ihatid ililibre niya ako sa coffee shop ng favorite kung inumin.

Palabas pa lang sana ako ng kotse ng Kapatid ko ng bigla niyang sinabi na siya na magbubukas ng pinto para sa akin aba't ang Kapatid ko ba talaga to? Ang gentleman naman ata nito ngayon hahaha.

Pinagbuksan niya nga ako ng pinto. "Abaa abaa Nasa mood ka yata kuya nagiging GentleDOG ka yata ngayon?" Tanong ko sa kanya ngunit tawa lang ang tugon niya sa aking tanong sabay pa kaming tumawa.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now