35.

2.5K 53 9
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

NAGLULUTO ako ngayon ng lunch namin at si Xiquil naman kanina pa ako kinukulit na mamasyal daw kami.

Tatlong araw narin simula nung nakilala ko ang mga kaibigan ni Xiquil.

Ok na rin yung bata at napag-alaman din namin na wala ng nag-aalaga sa kanya kaya naman kinuha siya ng dswd.

"Sige na pasyal tayoo." Parang bata niyang saad.

"Fine later huwag mo muna ako kulitin ngayon." Saad ko at alam kong malapad na ang ngiti nito dahil pumayag na ako.

Umalis na ito at may pasayaw sayaw pa habang naglalakad.

Pagkatapos naming kumain ng lunch nag-aya na si Xiquil na mamasyal.

Ayaw naman sumama sa amin ni viya kaya wala kaming nagawa kundi kaming dalawa na lang.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Si Xiquil naman ay chill lang habang nagd-drive.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito.

"Maranum falls, maganda daw don gusto ko makita." Aniya. "Don't worry may kinuha akong mga damit natin."

Aba ready siya. kaya rin pala pamilyar ang mga nadadaanan namin.

Iniwan pala namin si xi dahil ayaw daw ng istorbo ni Xiquil.

Pinagmamasdan ko lang ang mga nadadaanan namin hanggang sa makarating na kami.

Cheneck lang ng mga taong nagbabantay doon ang mga kailangan nila then dumiretsyo na ang pagd-drive  ni Xiquil pagkatapos.

Bundok na ang mga nakikita namin ngayon pataas ang kalsada kaya medyo natatakot ako feeling ko may landslide na mangyayari dahil sa mga bundok.

Nang ilang saglit lang ay nandito na rin kami may entrance fee bago makapasok.

Ang sabi ng mga nag-assist samin solo daw namin ang falls dahil wala daw tao ngayon.

Naghiking kami ng wala sa oras medyo madulas ang daanan kaya kapag nagkamali ka ng tapak malalaglag ka sa bangin.

Lagi akong inaalalayan ni Xiquil oh diba gentledog lang ang peg.

Hindi rin nagtagal narating narin namin ang maranum falls.

Ang ganda ng falls may mga malalaking bato rin sabik kaming bumaba papunta sa malaking bato.

Pinagmasdan na muna namin ang tanawin na nakikita namin ngayon grabe ang ganda.

Nagulat ako ng biglang maghubad ng damit si Xiquil at agad akong hinala papunta sa tubig.

Mainit ngayon pero ang lamig ng tubig galing sa bundok.

Wala akong nagawa kundi mapatili dahil sa biglang paghila ni Xiquil sa akin.

Napakapit ako sa kanyang leeg ng maramdaman ko ang simoy ng hangin maslalo tuloy lumamig.

Naramdaman ko rin ang mga bisig nito na pinalibot sa aking bewang.

"A-ang lamig." Saad ko habang nakayakap sa kanya.

Ang puting damit ko ay basang basa na at alam kong halata na rin ang suot kong bra.

Maslalong hinigpitan ni Xiquil ang kanyang pagkakayakap sa akin.

Nang medyo hindi na ako nilalamig humiwalay na ako sa kanya.

"Let's go there." Turo niya sa falls.

" Turo niya sa falls

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now