24.

2.7K 75 7
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

GABI NA ng makarating kami sa bayan ng tayug kaya naman napagpasyahan namin na kumain na lang sa inasal 6pm narin.

"Nay, tay kumain na ba kayo? Kung hindi pa ipapasundo ko kayo kay Xiquil para sabay sabay na tayo kumain." Ani ko sa kabaling linya.

Hinawakan naman ni Xiquil ang aking kamay kaya nakaholding hands kami ngayon.

Tumingin ako sa kanya ngunit nakatingin lang ito sa may counter. Tinitigan niya yung pwedeng orderin mamaya.

[Nako apo wag na kumain na kami ng lolo mo. Kayo na lang magenjoy kayo jan ah?] Saad ni lola sa akin.

"Sige po nay, ingat po kayo jan ah, uuwi na rin ho kami mamaya."

[Oh siya sige na at baka nakakaabala na ako.]

"Lola naman never kayong naging abala no. Sige po la bye i love you." Saad ko sabay baba ng tawag.

So kami nga ni Xiquil ang oorder ngayon.

"What do you want?" Aniya.

"Kahit ano." Saad ko at nakatingin sa phone ko.

Nabigla ako ng kunin ni Xiquil ang cellphone ko at ibinulsa.

"Tumingin ka sa akin kapag tinatanong kita ayaw kong may kahati ako sa attention mo." Aniya at hinapit ako sa bewang.

"And also walang kahit ano sa menu, love." Namimilosopo ba to?

"Kung ano na lang ang iyo yun na rin ang akin." Nakatingin na ako sa kanya dahil baka mawala siya sa mood at hindi kumain.

Lumingon ako at may nakita akong grupo ng mga kalalakihan nagulat ako ng may tumakip sa aking mga mata.

"I know what your looking at woman, ako lang dapat ang tinitignan mo hindi ang ibang mga lalaki." Mariin niyang saad.

"Gwapo kasi sila." Mapangasar kong saad.

"Gwapo din naman ako maganda pa ang kulay ng mata, kaya pang gawin lahat para sayo." Yumuko siya at ibinulong iyon.

"Feeling mo, masgwapo nga sila sayo pure Filipino mga gwapo." Maslalo ko siyang inasar kaya naman napataas ang kanyang kilay sa aking sinabi.

"Tsk. Mukha naman silang babaero sakin ka na lang loyal ako." Aniya at kumindat pa, ayaw talaga magpatalo.

Magsasalita pa sana ako kaso kami na pala ang next kaya naman si Xiquil na ang umorder habang hinihintay ang sasabihin ng nasa tapat namin hinawakan niya ang aking kamay.

Namumuro na siya kakaholding hands kung minsan naman nagnanakaw ng halik.

Nang matapos na kami sa counter pumunta na kami sa 2nd floor dahil doon lang may available na magkakasya kami.

7 kasi kami tapos yung mga upuang nasa ground floor ay pang dalawahan o pangapat na tao lang. Kaya sa taas kami pumwesto.

Tinulungan ni kuya diyo at dion si papa na tumayo para lumakad pataas medyo kaya pa naman daw niyang maglakad kaso minsan hindi niya raw maibalance ang kanyang sarili.

Habang pataas kami sa hagdan na out of balance ako buti na lang nakasunod lang si Xiquil sa akin kaya agad niya akong nasalo.

Kung minamalas nga naman ako lagi na lang.

"Careful, ok ka lang?" Tanong niya.

"Im fine na out of balance lang." Saad ko.

Buti na lang kami lang ni Xiquil ang tao sa hagdan kanina kundi nakakahiya.

Xiquil pulled a chair for me then he sit beside me habang naghihintay kami kinukulit ko siyang ibigay na sa akin ang phone ko.

"No." Ngumuso ako panglima niya ng sabi yan.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now