05.

5.5K 174 13
                                    

•Read, Comment and Vote.

LUMIPAS ANG gabi wala akong nakitang Xiquil hindi ko din alam kung bakit wala siya ngayon wala naman siyang nasabi sakin na hindi siya papasok.

Pagkalabas ko ng building nakita ko kaagad si kuya kumaway ako sa kanya at ngumiti lamang ang aking Kapatid.

Naglakad na ako patungo sa kanya dahil gusto ko ng umuwi wala naman akong masyadong ginawa ngayon pero bakit parang pagod na pagod ako?

"Ok ka lang?" Tanong ng aking kapatid habang nagmamaneho.

"Medyo pagod lang kuya, ikaw ba ok ka lang?" Tinanong ko din siya pabalik dahil parang hindi siya ok.

"Pagod lang din ako." Sambit nito napatango na lang ako at hindi na umimik alam kong may pinagdadaana siya na ayaw niya sabihin kaya hindi na ako nagtanong pa, tumingin na lamang ako sa paligid pinagmasdan ko ang mga makukulay na ilaw ng mga building at ang langit na puno ng mga bituin.

Napabuntong hinanga na lamang ako dahil para akong kinakabahan sa lahat. Sana bukas walang nangyaring masama Maganda sana ang araw ko bukas hanggang ngayon iniisip ko parin ang messages at tawag ni Xiquil sakin hindi ko binuksan ang mga mensahe niya sakin bahala na bukas.

MAAGA AKONG umalis ng aming bahay hindi na rin ako kumain dahil wala akong gana gusto ko na lang pumasok, nagcommute ako papunta sa aking trabaho dahil hindi ko na nga mahihintay ang aking Kapatid sakto namang pagdating ko ay kararating lang din ni Xiquil.

Pinagmasdan ko ang kanyang mga tauhan at halos lahat sila ay may mga pasa sa mukha at may mga sugat pa sa labi.

Nakipag-away ba sila? Pero bakit si Xiquil wala man lang galos, pasa o kahit anong sugat sa mukha? Nakakapagtaka naman.

Inalis ko na ang paningin ko sa kanyang mga tauhan at bigla akong tumingin kay Xiquil na naglalakad na ngayon papuntang elevator.

Lakad takbo akong pumasok sa elevator at habang nasa loob kami ay hindi ko maiwasang magtanong kung ano nangyari sa kanyang mga tauhan. Kaya naman nagtanong ako.

"What happened to all of your body guards?" Curious akong nagtanong sa lalaking may asul na mata na nakatayo sa aking tabi.

"Just dont mind them, and why do you care, huh?" Malamig niyang saad sa akin aba ang mokong masungit ngayon may dalaw ba to?

"Of course i care masakit kaya magkaroon ng mga sugat sa mukha at halos lahat ng body guard mo may sugat wala ka bang balak na ipagamot silang lahat?" Aba ang gago naman ng gumawa nun sa mga tauhan niya kawawa naman sila, kung sino man ang may gawa nun sa kanila sana mabaog.

"Tsk, i said don't mind them, damn it..." Sagot niya ulit sakin pero mahina lang ang pagkasabi niya sa huling salita.

"Minura mo ba ako Mr. Alonte?!" jusko wala pa man din ako sa mood ngayon tapos maririnig ko ang mga salitang ganoon abaa.

"No, why are you so grumpy at me?.. Ok fine I'm sorry for cursing.. love.." Sabi nito pero hindi ko na narinig ang huling salita niya dahil sobrang hina ng kanyang pagkasabi.

Nanahimik na lang ako dahil ayaw ko na siyang makausap pa dahil mumurahin lang ako ng mokong na ito kainis.

Nang saktong tumunog at bumukas na ang elevator agad akong naglakad at hindi ko na siya ni lingon agang aga bad mood ako dahil sa kanya, tsk.

Nilapag ko na ang aking mga dalang gamit saka ko kinuha ang mga folder na dapat kahapon pa niya na pirmahan dala ko na rin ang tablet para sa mga schedule niya ngayon.

As usual kumatok ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto at diretsyong pumunta sa harap ng kanyang table.

"Here, you need to sign all of it..Hindi kasi magsabi kung hindi papasok, bwessit..." I mumbled the last words para hindi niya marinig ng maayos Saad ko sa kanya na may bahid ng inis.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now