41.

1.9K 48 12
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

HINDI ko namalayan na nakarating na pala kami sa manila panay pagmamasid lang kasi ako sa aming mga nadadaanan habang kumakain ng cake.

Kanina pa ako nahihilo ewan ko kung bakit.

Nang akmang tatayo ako para pumasok sa loob bigla akong napahawak sa pader dahil sa hilo.

May mga yabag ng paa akong narinig papalapit sa akin.

"Are you ok? Does anything hurt?" Nagaalalang tanong ni Xiquil.

"I-im fine."

"Rest first." Aniya at inalalayan akong pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok kami sa aking silid pinahiga niya ako siya na rin nag-ayos ng comforter ko.

"I love you." he kissed me on the forehead before going downstairs.

Hindi ako makatulog pero naging ok na ang pakiramdam ko.

Bumaba ako para kumuha ng tubig nagulat ako ng biglang may brasong yumakap sa akin.

"I said rest bakit ka bumaba?"

"Ok naman ako ah?" Saad ko para pagaanin ang kanyang loob dahil nagaalala ito ngayon pa lang.

Maslalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya naman yumakap na ako pabalik at hinaplos haplos ko ang kanyang likoran.

I heard a sniff from him umiiyak ba siya? kaya naman ng akmang hihiwalay ako sa yakap namin bigla siyang nagsalita.

"Don't. Stay still." Aniya naramdaman kong basa na ang aking balikat kaya naman pinilit kong kumawala sa aming yakap.

"Are you ok? Why are you crying?" Ako naman ngayon ang nagaalala sa kanya.

"I j-jus-"

"Ateee!"

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil may tumawag sa akin kaya naman niyakap niya ulit ako para hindi makita ni Audrey na umiiyak siya.

"Bakit?"

"Tawag ka ni tita eh sorry na istorbo ko loving loving niyo ni kuya." Aniya.

"Susunod ako." Ngumiti ito bilang sagot saka umalis.

"What is it love?" Tanong ko ngunit umiling lang siya sa balikat ko. "You sure?"

Hindi siya sumagot kaya naman Kumawala ako sa kanyang yakap. Kumuha ako ng baso at nagsalin ako ng tubig doon saka ko siya hinarap.

"Here drink this."

Kinuha niya naman ang aking inabot pinagmasdan ko lang siyang umiinom taas baba ang kanyang Adams apple.

Pagkatapos niyang uminom tumitig siya sa akin. Ang kanyang mata ay medyo namumula pati ang kanyang ilong at pisngi.

I tiptoed to give him a soft kiss in his cheeks.

"Punta muna ako doon ok? hanap ako ni mama eh sunod ka na lang?"

He nodded and i just smiled at him before going to the terrace.

"Oh saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Bungad ni mama sa akin.

"Magkasama kami ni jaze ma." Pinagmamasdan ni mama ang reaksyon ko alam kung nagtataka ito may though na naman to na baka may ginawa kaming kababalaghan sa kusina.

"Ano na naman iniisip mo ma?"

"Wala namang nasira roon?" Tanong ni mama.

"Ma naman! Pinainom ko lang ng tubig yung tao wala kaming ginawa doon kung ano ano kasi nasa isip niyo." Singhal ko kay mama tumawa ito ng bahagya dahil sa aking sinabi.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now