12.

3.9K 98 1
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

KINABUKASAN maaga akong pumunta sa building ng mga alonte dala ang resignation letter ko at may dala rin akong box para sa mga gamit kong iuuwi.

Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko na lahat ng andito sa building dahil ito na ang huli na pagtapak ko rito.

Tinawagan ko sila Mr. And Mrs. Alonte kagabi para sabihin sa kanila na magreresign na ako, nagtanong sila sa akin kung bakit sinabi ko yung rason tinanong nila ako kung pwede pa pagusapan ngunit sabi ko sa kanila ay buo na ang desisyon ko.

Maaga pa, 5am pa lang inagahan ko talaga para hindi ko siya makita at makausap.

Pagkapasok ko sa elevator nagpakawala ako ng mabigat na hininga dahil kahit gusto ko man mag-stay masasaktan lang at madudurog ako ng paulit ulit dahil sa nakaraan na kay sakit.

Bumukas na ang elevator kaya naman agaran akong lumabas at dumiretsyo sa aking table inaayos ko na ang akingmga gamit, sinadya kong agahan para walang makakita sa akin na aalis na ako.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko saka ako pumasok sa office ni Xiquil nilapag ko sa kanyang table ang resignation letter saka ako agad na umalis.

Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Lawrence ngumiti ako sa kanya at nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ma'am saan po punta niyo?" Tanong nito.

"I already resign Lawrence."

"Eh ma'am bakit naman po?" Tanong ulit nito.

"Mahabang kwento, mag-iingat kayo rito ah?" Ngumiti ito sa akin saka na nagsimulang maglakad ulit.

Hinihintay ko ang elevator, pagkabukas ng elevator nakita ko ang ibang empleyado at nagtataka rin silang tumingin sa akin nakita ko rin si chel na nakatitig sa akin.

Alam ni chel lahat ng nangyari kagabi sa kanya ko sinabi dahil siya lang naman ang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko.

Pagkalabas ng mga empliyado sa elevator ay narinig kong nagsisibulungan na sila, mga chismosa nga naman.

Akala ko ay lalagpasan lang ako ni chel ngunit kinuha niya ang isang box na nakalagay sa sahig saka binuhat.

"Ihahatid na kita sa baba." Sabi nito napangiti ako sa kanyang sinabi.

"Hindi naman kailangan, pero salamat."

Bumukas na ang elevator nagulat ako ng makita ko sila Xia, Jake, Jed & Jier nagulat rin sila ng makita ako.

Agad kaming lumabas ni chel sa elevator akala ko papasok na sila sa elevator ngunit hinarap ako ni Xia na kinagulat namin ni chel.

"Where do you think your going, honey?" Tanong nito.

"I already resign ma'am xia, excuse me po ma'am. I'm not the secretary of your brother anymore, alis na po kami."

"H-hey wait, what do you mean by that?" Tanong ni Jake.

"It's my decision to resign sir." Sagot ko rito dahil ayaw ko sabihin ang totoong rason.

"Did our parents know about this?" Tanong ni Jed.

"Yes sir, i already informed them last night."

"Did our parents agreed?" Si Jake.

"In the first place, no but when i tell them the reason wala na silang nagawa kundi sumang-ayon na lang po." Marespeto komg saad.

"Eh si kuya alam ba niya ito? My brother is sick simula kagabi, late na siyang nakauwi and alam namin na nagpaulan iyon kagabi kaya nagkasakit." Xia said.

Oo nga umulan nga ng napakalakas kagabi pero hindi ko naman kasalan kung nagkasakit ang kuya nila.

"And also kuya was drunk too and puno ng sugat at pasa si kuya." Biglang saad ni Jier.

"Excuse me po. I really need to go." Paalam ko sa kanila dahil napapahaba na ang aming pag-uusap.

"Ravie." Tawag ni Xia kaya napalingon ulit ako sa kanila. "May kinalaman ba si kuya sa pagreresign mo?" Tanong nito umiling ako bilang tugon.

Ayaw kong malaman nila ang totoo dahil ayaw kong kamuhian nila ang kanilang Kapatid.

Hindi ganoon kakitid ang aking utak para siraan siya sa mga Kapatid niya.

Hinatid na ako ni chel sa labas siya na rin mismo nagtawag ng taxi para may masakyan ako pauwi.

Babalik ako sa dati kung saan tahimik ang buhay ko.

Pinagmamasdan ko ang puno't gusali na nakikita ko ngayon ito na rin ang huli na makikita at madadaanan ko ito dahil alam ko sa susunod hindi na ako dadaan rito.

Biglang umambon habang nasa kalagitnaan kami ng traffic bigla ko ding naisip ang sinabi nila Xia kanina, kung totoo nga na may sakit si Xiquil edi hindi niya maaaprobahan ang resignation letter ko? Bahala na nga.

KAKATAPOS ko lang maligo dahil na ambonan ako kanina.

My mother was cooking sinigang my favorite. May pakanta kanta pa ang aking ina habang nagluluto.

"Ma, balak kong umuwi ng pangasinan." Sambit ko kay mama at halatang natigilan ito. Nung sinabi ko kasi ito sa kanya hindi siya sumang-ayon dahil baka daw magkita kami ng tatay ko.

"Malaki ka naman na ikaw bahala tulip basta kung uuwi ka man ng Pangasinan doon ka sa bahay ng lolo at lola mo uuwi hindi sa bahay natin dati." Saad ni mama napangiti ako sa kanyang sinabi.

"So pumapayag na kayo?" Nakangisi kong tanong kay mama.

"Haynako Raviela Tulip Suarez nung tinanong mo iyan sa akin dati ay 17 ka lang ngayong 26 ka na pumapayag na ako dahil malaki kana at nasa tamang edad na." Sagot ni mama asus alam ko naman na ayaw lang akong mahiwalay ni mama sa kanila kaya ayaw niya ako pauwiin sa pangasinan.

"Ang sabihin niyo mamimiss niyo lang ako kapag nawala ako dito sa bahay." I chuckled.

"Jusko kang bata ka ,sige na umupo ka na dun ng makakain na tayo." Pagpapaalis ni mama sa akin sa kusina, hmp.

Habang kumakain kami tumawag si kuya kay mama pero hindi ko alam ang kanilang pinagusapan.

Naghuhugas ako ng aming pinagkainan dahil kakami lang naman ni mama ako na ang naghugas dahil nakakahiya naman kay inang marites.

Pagkatapos ko maghugas ay pumunta ako sa aking silid para magpahinga itinulog ko na lang ang pagod na aking nararamdaman.

Sa sarap ng tulog ko hindi ko na namalayan ang oras 8pm na grabe namang tulog yun, nakita kong nagaayos si mama ng aking gamit na dadalhin sa pangasinan bukas na kasi ako aalis dahil tinataboy na ako ni mama, parang hindi niya ako anak.

Habang busy si mama kumuha ako ng cookie's para kainin at saka ko tinulungan si mama sa pagaayos.

Ilang buwan rin akong maninirahan sa probinsya tatakasan ko muna ang buhay ko rito sa manila gusto ko munang mapag-isa at makapagisip-isip.

12 am na pala hindi ko man lang napansin ang oras sumilip ako sa aking bintana nakita kong may itim na kotse sa tapat ng aming bahay pamilyar ito at kung hindi ako nagkakamali kotse iyon ni Xiquil.

Ano namang ginagawa ng kotse ng mokong na yun dito?

•Vote is highly appreciated.
Thank you!

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now