18.

3.3K 95 9
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

TWO PM NA pala pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Xiquil nilibang ko ang aking sarili.

Naglakad ako papunta sa pinagaararohan nila tatay.

Hindi pa nga ako nakakarating ay  tanaw na tanaw ko na sila sa kalsada pa lang.

Nung nakaraan ay kalabaw ang gamit nila ngayon naman ay kuliglig.

Nakita kong nag-aararo si Xiquil, kung ang iba ay mano mano ang ginagawang pag-araro sa amin naman ay may kuliglig na ginagamit.

Isa itong teknolohiya na masmapapabilis ang pag-aararo.

Patungo ako sa kubo kung saan nakaupo roon sila lolo at lola at pinapanood si Xiquil na magararo.

"Oh apo bakit ka pa nagpunta rito matatapos na rin naman na kami." Ani ni lolo.

"Tay may sugat yun bakit niyo pinag-araro?" Sabi ko kay lolo.

"Ayan din ang sinasabi ko sa kanya na magpahinga na lang rito sa kubo pero nagpumilit siya, na siya na lang daw ang mag-araro kaya naman daw niya." Depensa ni tatay.

Kahit kailan talaga ang kulit ng mokong gusto niya bang maslalong bumuka ang sugat niya? Medyo malayo rito ang hospital.

Sarap batukan eh.

Nakanguso akong umupo sa kubo, tsk.

Tinignan ko ulit si Xiquil bagay pala sa kanya ang medyo tan skin.

Tumayo si tatay akala ko kung ano ang gagawin pero sisigawan lang naman niya si Xiquil.

"Xiquil! Tama na iyan magpahinga ka muna may dalang pagkain ang lola mo." Ani nito, aba lola niya na rin pala ang lola ko? Bakit hindi ako na inform?

Matinding nakatitig lang ako kay Xiquil na naglalakad ngayon papunta rito sa kubo.

Umupo siya sa aking tabi wala naman akong reklamo dahil ok lang naman sa akin na magtabi kami.

"Ayan, turon iyan apo kainin mo masarap yan." Ani ni lola kay Xiquil.

Nakakatampo naman bakit siya yung unang inalok ni lola ng turon na niluto namin? Nahahalata ko ng may favorite si lola sa amin, hmp.

Kinuha ni Xiquil ang inabot ni lola na turon at nagulat akong binigay niya sa akin ito.

Tumingin ako sa kanya at maslalo niya lang inabot sa akin ang turon saka ngumiti para iasure ako na kunin ko ang turon na inaabot niya.

Kinuha ko na lang dahil alam kong tinitignan na kami nila nanay.

Nagkwekwentohan sila lolo at lola at sinasali naman nila kami kaya minsan natatawa kami sa mga kwento at joke nila.

Tumayo si Xiquil at nagsalin siya ng juice sa isang baso akala ko iinomin niya ito pero inabot niya ulit ito sa akin.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya ngunit ngiti lamang ang kanyang sinagot kaya kinuha ko na lang yung baso.

"Salamat."

Nagsalin ulit siya sa tatlo pang baso at ibinigay niya kay lolo at lola yung dalawa yung isa naman ay kanya.

Pagkatapos namin kumain umalis na rin kaming apat roon, nagsimula na kaming maglakad, na daanan namin ang pataas na parte para makataas papunta sa kalsada.

Inunahan akong makaakyat ni Xiquil saka niya inilahad sa akin ang kanyang kamay para alalayan akong tumaas.

Inabot ko naman ang kanyang kamay saka ko hinakbang ng dahan dahan ang aking mga paa para hindi matumba hanggang sa makataas na nga ako sa kalsada.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now