27.

2.3K 63 3
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

"I'M SORRY but the patient didn't make it." Ani ng doctor sa harap ko.

"H-hindi. buhay pa si papa, baka nagkakamali lang po kayo." Umiling iling ako at nagsimula ng tumulo ulit ang aking luha.

Agad naman akong niyakap ni Xiquil at inalo para tumahan dahil kanina pa ako iyak ng iyak.

Yung ama ko nakita kong binaril ng taong kinamumuhian ko ang sakit lang kasi dapat may ilang araw pa siya bago mawala pero bakit naman biglaan?

Akala ko hindi masakit dahil ok kami pero sobrang sakit pala dahil nakita ko kung paano tumama sa kanyang bandang puso ang bala.

"Shhh calm down love please?" Pagaalo sa akin ni Xiquil.

"B-buhay pa siya d-diba?" Tumingin ako sa mga mata ni Xiquil nanatili siyang tahimik at hindi alam ang sasabihin.

Niyakap ko siya ng mahigpit at maslalong umiyak. Hindi ko matanggap parang ang bilis naman lahat ano to pinaranas lang sakin saglit tapos kukunin na agad?

"S-si papa, X-xiquil-" hindi ko pa natatapos ay umiyak na naman ako.

"Raviela!" Sigaw ni mama.

Nang mahagip ng mga mata ko si mama agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit nakita ko ding umiiyak na ang aking mga Kapatid.

"M-mama si p-papa." Humagulgol na ako at inalo ako ni mama dahil alam niyang hindi ako titigil sa pagiyak.

Si kuya naman ang sumunod na nagpatahan sa akin dahil kakausapin ni mama ang doctor.

Nakita kong nakahawak si viya sa kamay ng kuya niyang si Dion nakita ko rin na may hawak itong envelope at paper bag kaya naman medyo kinalma ko ang aking sarili para kausapin siya.

Kahit na puno ako ng dugo ni papa gusto ko lapitan si viya para kausapin.

"V-viya.." tumingin ito sa akin nakita ko naman na pinipigilan niya ang kanyang mga luha. " Can i talk to you love?" Ani ko.

Tumango ito pero nakita kong pumatak na ang kanyang luha.

Pinaupo ko siya sa bench at nagsimula na akong magsalita.

"Papa told me na isasama na kita sa akin... Pero na sa saiyo iyon kung gusto mo manatili rito o sasama ka sa akin sa manila." Tumango siya at hindi alam kung anong isasagot nakikinig ito sa akin kahit na umiiyak. "Gusto ni papa na ako na ang mag-alaga sayo binilin ka niya sa akin sabi niya rin na sinabi niya na raw sayo ito?"

Tumango siya at tumingin sa akin at agad niya akong niyakap.

"S-sabi po ni papa dati n-nung hindi pa po namin kayo nakikita at nakakausap hanapin ko raw po kayo para ibigay ito. Pero sabi niya kanina sa akin na ibigay ko raw saiyo yan ate kung wala na siya." Aniya at may inabot sa aking envelope at paper bag.

"Nung malaman po ni papa kanina na nawawala po kayo hindi po siya mapakali nagpumilit po siyang sumama kay kuya Xiquil. Hindi dapat siya sasama, pero nagulat na lang po kaming lahat nung wala na si papa sa bahay at tumawag po si kuya Xiquil kay mama Rae na kasama raw po nila si papa at ayaw mag-pauwi hanggat hindi ka nila nahahanap."

Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

Nang maproseso na lahat sa utak ko may tumulong luha sa aking mata habang tahimik akong umiiyak binuksan ko ang envelope.

Nakita ko ang titolo ng bahay sumunod naman ang picture naming lima sa tapat ng bahay magaganda pa ang aming ngiti sa larawan ang liit pa namin nila kuya.

Sumunod naman ay ang kwintas na ibibigay niya sana sa akin. This necklace was his gift for me nung graduation ko dahil cum laude ako nun siya yung proud na proud sa akin kasi siya yung nagturo sa akin ng mga subject na hindi ko gusto rati.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now