08.

4.6K 114 4
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

IT'S MORNING already hindi ako makatayo ng maayos dahil sa sakit ng puson ko hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pamimilipit sa sakit.

Naghalf bath na lang ako hindi ko rin binasa ang ulo ko dahil feeling ko lalagnatin ako, pagkatapos ko mag-ayos matamlay akong lumabas ng aking silid saka kumain.

Wala akong choice kundi ang pumasok dahil gusto ko ipamukha kay Xiquil na hindi ako malandi na hindi tama ang mga hinala nila sa akin.

Hinatid ako ni kuya pero pagkababa ko sa kanyang sasakyan akala ko ay aalis na siya ngunit inalalayan niya ako paakyat sa hagdan hanggang sa makapunta kami sa aking sariling lamesa.

My brother is really overprotective mas lalo kapag sa akin dahil masyado akong sensitibo.

Pagkatapos akong ihatid ni kuya agad na rin siyang umalis dahil late na raw ito, may dala akong hot compress kahit na papaano napapawala nito kunti ang sakit na nararamdaman ko.

Abala ako sa aking computer dahil may inaasikaso akong mga papel na kailangan ngayon na hindi ko natapos kahapon.

Hindi ko rin namalayan na andito na pala ang mokong pero hindi ko siya pinansin hindi ako nagtatampo, galit ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ang sakit.." pabulong lamang iyon dahil ayaw ko naman na marinig ng mga empleyado dto ang hinanakit ko.

Agad akong tumayo nakalimutan ko rin na may nakalagay na hot compress sa aking pusonan kaya naman nahulog ito, pagkatapos kong pulutin ang hot compress kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Xiquil at saka ko binuksan.

"You will be late in your meeting sir kung tutulala ka lang jan." Malamig ngunit magalang kong saad sa kanya.

Alam ko naman na alam niya ang schedule niya ngayon nireremind ko lang naman siya minsan.

Nauna na ako sa loob ng conference room ayaw ko rin na makita ako ng iba na namimilipit sa sakit ng puson habang naglalakad.

Feeling ko talaga lalagnatin ako ngayon.

Nagsimula ng magdatingan ang mga kasali sa meeting at ang last na dumating ay si Xiquil.

"Let's start the meeting." Sambit nito ng makapasok at maka-upo sa swivel.

Nagtake note lang ako sa mga sinabi nila pero hindi ako makapagconcentrate sa meeting dahil ang sakit talaga ng puson ko.

"Wait stop, Ms. Suarez are you ok? Is there something wrong? You look pale hija." Tanong ng isang board member ngunit umiling ako sabay ngiti sa kanila para hindi na sila magalala pa.

"Ok then, lets continue the meeting." Muling saad ng matanda.

I excuse myself at agad na umalis doon pumunta kaagad ako sa aking table para kunin ang hot compress dahil sobrang sakit na naman ng aking puson.

Kinuha ko ang aking cellphone saka ko dinaialed ang phone number ni chel dahil kailangan ko siya ngayon ngunit busy yata ito at hindi niya masagot ang mga tawag ko kaya naman imbes na bumalik ako sa meeting mas ginusto ko na lang na manatili rito kaysa doon.

I texted chel na sobrang sakit ng puson ko, nagtungo ako sa cr para umihi kaso hindi pa ako nakakapasok sa loob ay agad na akong nawalan ng malay at bago ko maipikit ng husto ang aking mga mata may naramdaman akong mga matitigas na bisig na sumalo sa akin.

PAGKAGISING ko nasa hindi ako pamilyardong silid puro puti ang nakikita ko, nang uupo na sana ako ay bigla ko na lang naramdaman na may kung ano sa aking palapulsohan ng aking tignan may dextrose?!

Omg! As in dextrose?! Takot ako sa injection at alam kong may nakaturok sa akin na karayom sa dextrose na to ngayon.

Oh god halatang pang-mayaman ang silid na to kung hindi ako nagkakamali nasa loob ako ng hospital na pagmamay-ari ng mga alonte?! Oh good god.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwal nito si Xiquil halatang nagaalala ito agad siyang lumapit sakin ng makita niya akong gising na.

"H-hey, are you ok? Does anything hurt? do you need anything?" Sunod sunod niyang tanong.

"What are you doing here?"

"I-im the one who brought you h-here and I'm w-worried about y-you." He stutterer what he said and what?! He was the one who brought me here? And he's worried? Hindi yata nakainom ng gamot ang isnag to.

Magsasalita pa sana siya ng bumakas ulit ang pintuan nakita ko naman agad si chel agad siyang pumunta sa gilid ko saka nagtanong.

"Ok ka na? Hindi na masakit ang puson mo? Ito tubig uminom ka muna." Saad nito sabay abot sa akin ng bottle water. "Ilang oras ka ding tulog, huwag kana muna kayang pumasok? Nga pala sabi ng doctor inaapoy ka ng lagnat."

Ano? Ako inaapoy ng lagnat? Akala ko simpleng trangkaso lang pero nilalagnat na pala ako.

"Pakisabihan sila mama at kuya sunduin nila ako rito." Saad ko kay chel.

Nakatayo sa bandang gilid si Xiquil tahimik lang ito at mukhang guilty at halata ding nagaalala pero hindi ko siya gustong makausap ngayon.

"Papunta na sila, tinawagan ko sila kanina dahil alam kong nagaalala na sila sayo, bakit ka pa kasi pumasok kung alam mo ng hindi ka ok?" Naiinis niyang binitawan ang mga salitang iyon.

"Hindi naman talaga sana ako papasok kaso may nagsabi sakin na nagrarason lang daw ako na may masakit sakin dahil lalandi raw lang ako." Medyo nilakasan ko pa ang pagkasabi ko nun para rinig ng isa jan.

"So? Kaya ka pumasok? Sabihin mo sakin kung sino nagsabi niyan sayo ipapasuntok natin kay kuya diyo, kung si kuya diyo nga hindi ka niya mapagsabihan ng ganyan tapos sasabihin ka ng ibang tao na malandi? Ang immature naman yata nun." Sabat naman niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto niluwal nito sila mama, kuya diyo at ang bunso namin.

Nagmamadali silang pumasok halatang galing pa sa trabaho si kuya Diyo at galing naman ata sa eskwelahan si Dion.

"Anakkk! Anya ba nangyari ah? Mayat kan aya? Anya inbaga na ajay doctor?" (Anak ano bang nangyari? Ok ka na ba? Anong sabi ng doctor?) Sa boses pa lang ni mama halatang sobra siyang nagaalala sakin dahil alam niyang takot ako sa hospital.

"Sabi ko kasi sayo kanina na huwag ka na lang pumasok at magpahinga ka na lang tignan mo nangyari sayo ngayon, andito ka sa hospital na ayaw na ayaw mong pasokan." Inis na medyo nangaasar ang tono ni kuya.

Tinignan ko si Dion at ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Tita, kuya Diyo sabi po ng doctor ay kailangan pa niya magstay rito para mamonitor at macheck pa po siya inaapoy raw po siya ng lagnat, normal lang naman daw po ang pananakit ng puson kapag meron talagang dalaw ang mga babae kaya hindi pa po pwedeng umuwi si ravie tita at kuya Diyo." Mahabang sambit ni chel na halata namang nakikinig sila mama at kuya sa pagpapaliwanag ng aking kaibigan.

Narinig naman naming may tumikhim sa gilid at alam ko kung sino yun lumingon kaming lahat sa gilid ngunit hindi ko inaasahan ang reaksyon ni kuya kay Xiquil.

"Ikaw!" Malakas at sabay na sambit ni kuya at Xiquil.

Sandali magkakilala ba sila?

Nagpaalam na si Xiquil, aalis na raw ito nagpasalamat naman si mama dahil tinulungan raw ako nito na dalhin ako rito sa hospital.

Ngunit ang mga tinginan nila kuya Diyo at Xiquil ay iba parang gusto nilang durugin ang isa't isa, may hindi ba ako nalalaman sa dalawang to?

Author's note.
Mukhang may problema si Xiquil at Diyo, ano kaya yun?

Btw again.......
Vote is highly appreciated.
Thank you!

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now