31.

2.2K 61 0
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

"ATE?" Tawag ni viya sa akin ng akmang kakatok ulit ito binuksan ko na ang pinto.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May gustong kumausap sayo ate." Aniya.

"Sino?"

"Hindi ko po kilala eh." Nakakunot noong saad ng aking kapatid.

"Sabihin mo mag-aayos lang ako saglit."

"Sige ate." Tumango ito at nagtungo na sa sala.

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako at dumiretsyo sa sala kung na saan sila viya.

"Andiyan na po pala si ate maiwan ko na po kaya." Saad ni viya at tumayo na.

Nakita kong nakaupo sa sofa si Mr. Larkus Alonte kasama ang kanyang asawa.

"Do you need anything?" Saad ko sa kanila.

"Andito kami para kausa-" hindi natapos ni mr. Larkus ang sasabihin niya ng may magsalita galing sa likod ko.

"Hindi namin iuurong ang kaso kung iyon ang gusto niyong pagusapan." Napatingin ako kay Xiquil na seryosong nagsasalita.

"May sakit siya sa pagiisip kaya niya nagawa yun." Saad naman ni jovian.

"Article 254. Discharge of firearms. - Any person who shall shoot at another with any firearm or any device, without lawful authority, shall suffer the penalty of prision correccional in its maximum period, unless the facts of the case are such that the act can be held to constitute frustrated or attempted parricide, murder, homicide, or any other crime for which a higher penalty is prescribed by any of the articles of this Code." napatitig ako sa sinabi ni Xiquil.

"Kung gusto niyo pa ng article about law dahil sa ginawa ng anak niya ididiscuss ko mismo ngayon. Kung Wala na kayong sasabihin pa pwede na kayong umalis bukas ang pinto."

Pinalibot niya ang kanyang bisig sa aking bewang at hinapit niya ako papalapit sa kanya.

Hindi pa man na kakaalis ang kanyang tiyo ng magsalita ulit si Xyquil.

"Matagal na dapat siyang nasa kulungan alam niyo yan pero pinagtatakpan niyo siya kahit pinsan ko pa siya hindi ko pagtatakpan ang kasalanang dapat niyang pagbayaran sa batas. Kung inaakala niyong dahil sa pera niyo ay makakaalis siya sa kulungan nagkakamali kayo dahil sisiguraduhin kong mabubulok siya doon, pero ang alam ko sa mental siya dadalhin kaya pasensyahan tayo hindi kami sasangayon sa gusto niyo." Saad ulit ni Xiquil. "Umalis na kayo bago ko kayo kaladkarin palabas, lumabas na kayo habang nakakapagtimpi pa ako."

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin at hindi nga ako nagkamali dahil lumambot ang kanyang tingin ng lingonin niya ako.

"Calm yourself please." Bulong ko sa kanya at maslalo niya akong hinigit sa bewang.

Umalis na rin sila sir Larkus at Jovian kaya nakahinga ito ng maluwag.

"You don't need to do that kaya ko naman depensahan ang sarili ko sa kanila." Saad ko.

"I want to protect you from them, love. Hindi ko rin gusto na kausapin ka nila tungkol dun nasa kulungan na nga ang anak nila pero hanggang ngayon nagbubulagbulagan parin sila sa kasinungalingan." Saad nito.

"Kumain na kayo?" Pang-iiba ko ng topic. Umiling naman ito.

"Hinihintay ka namin." Aniya.

"Tara." Aya ko kaya sumunod siya sa akin papunta sa dining table.

Akala ko kaming tatlo lang ang kakain ngayon pero nagkamali ako dahil dito raw kakain ng breakfast si Riyo.

Well hindi ko pa nakakausap ang batang iyan gusto ko sana siyang kausapin.

Chasing Mr. AlonteWhere stories live. Discover now