Eljay's POV
“Kumpleto na ba ang lahat ng mga kailangan natin?” Tanong ni Alje habang tinitigan isa-isa ang mga plastic na dala namin. Ang babaeng toh akala mo nanay kung umasta.
“Oo kumpleto na po mommy.” Pang-aasar ko dahilan ng pag-irap niya sakin.
Pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na ba pumunta na kami sa counter para mag bayad pero libre daw lahat at wala kaming dapat bayaran. Tss libre, bukod kaya sa tuition fee nagbayad pa for expenses pero ayos narin toh, tipid.
“Rich naman ng school na toh, sabagay mahal ang binayad natin” Saad ni Euri na sinangayunan naming lahat. Sayang lang talaga bakit kasi may mga taong masasama? Hindi ba nila kayang manahimik nalang at makuntento?!
Pagkarating namin sa tapat ng dorm nag-paalam na sila kay Julie maliban sakin, balak ko pa siyang makausap para maka earn pa ng details, for sure marami pa siyang alam. “Bye na Julie see yah somewhere.”
“Bye rin, next time ulit.” Bago pa maka-akyat ang mga kaibigan ko ay iniabot ko na ang mga dala ko “May pupuntahan pa pala ako, padala nalang sa kwarto.” Tinanggap rin naman ni Alje yun bago sila umakyat ng tuluyan.
“Julie, can we talk?”
“Huh? Akala ko ba may pupuntahan ka?”
“Well yes, pero bago ako pumunta sa pupuntahan ko may itatanong lang sana ako, pwede ba?”
“Sure, why not? Ilalagay ko lang itong mga pinamili ko sa dorm.”
“Uhm what if dun nalang tayo mag-usap, saglit lang naman para na rin hindi ka mahirapan.”
“okay lang ba sayo?”
“Of course, ako ang nagsabi na mag-usap tayo kaya better na ako rin ang mag adjust right?”
“Well oo nga naman, so tara na sa room 312 lang naman ako forth floor.”
Sabay kaming nag-lakad papunta sa room niya, walang nagsasalita samin pero hindi naman awkward alam niyo yun? Yung kahit tahimik walang awkwardness.
Pero ang katahimikan ay naputol nang mag salita siya. “About saan pala ang pag-usapan?”
“Yung sa sinabi mo kanina, yung tungkol sa may-ari nang school na toh.” Binigyan niya lang ako ng nakakaloko na tingin bago tumango.
Pag karating namin sa tapat ng room door nila ay nag labas siya nang susi bago ito sinaksak sa keyhole at buksan. “We're here. You can sit there first dadalhin ko lang ito sa kwarto.” She said then point the sofa set.
Maganda at maaliwalas ang room nila, may mataas na celling katulad ng samin, color pitch naman ang sofa nila na malapit sa pinto, one coffee table ang nasa harap nito one flat screen tv at mga cd na nakapatong sa table kung nasan ang tv.
May mga notes rin sa pader at color lights, dalawang kwarto at katamtaman ang laki ng kusina, hindi tulad nang samin marami na ang gamit na naririto, umupo nalang ako sa pang-isahang upuan bago inilibot ang paningin sa kwarto, may mga paintings na nakasabit at meron ring nakalapag lang.
“Thank you sa paghihintay.” Napalingon ako kay Julie na kakalabas lang ng kwarto,hindi naman ako nag-antay nang matagal kaya ayos lang. “No worries.”
“So anong pag-usapan?”
“Uhm well nasabi ko naman na kaninang about sa kinuwento mo kanina, itatanong ko lang, kung kilala mo yung girl na nakilala nila, at bakit hindi niyo tinanong agad yung kaisa-isang estudyanteng may alam nang pangyayari.”
BINABASA MO ANG
The code of Academy's Cursed
Mistero / ThrillerGusto nilang pumasok sa isang malayong paaralan ngunit may kapayapaan Pero nakapasok nga sila sa malayong paaralan wala namang kapayapaan at karapatan. Kakayanin kaya nilang mabuhay rito? Makakagawa ba sila ng paraan para maka-kuha ng freedom? Makak...