09

174 9 7
                                    

Zara's POV

Inayos ko muna ang aking damit bago kumatok sa pintuan. Tiningnan ko ulit ang aking sarili sa aking cellphone, nakita ko pang medyo magulo ang aking buhok dahil sa mahangin kanina at ang aking damit ay basa dahil medyo umaambon pa kanina at naka motor lang ako.

Napatingin ako dahil may veranda sa hallway at nakita kong medyo umuulan na nga. Napatingin ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Hello po" sabi ko a harap ko at napatingin ako sakanya. He's wearing a white v-neck shirt at naka cargo shorts at mayroon din siyang glasses sa kanyang mata.

"Hi, come in." sabi niya at binuksan ng maigi ang pintuan. 

Tumango ako at tumuloy sa loob. Napatingin ako sa loob ang minimal lang at hindi masiyadong makalat, naka ayos lahat ng gamit at halos lahat ng makikita ko ay mostly kahoy at puting furniture. Napangiti ako dahil sa mga furnitures palng mukhang vibes niya kami dahil nga mas prefer ko ang kahoy at medyo minimal type. Hayst kaya ko talaga siya type una palang eh.

Bumalik ako sa huwisyo ng madinig ko ang pagtikhim niya.

"Busy staring at me miss ma'am?" sabi niya kaya napailing ako agad dhail hindi ko nakitang naka tingin na pala ako sakanya.

"Ay hindi hehe" sabi ko at tumango naman siya at ngumisi.

Napasunod naman ako sakanya at pumunta kami sa dining area niya.

"Nagluto po ako ng adobo tsaka I made some cupcake for dessert"  sabi ko pa dito.

"Hmm" tiningnan niya ang nilagay ko sa mesa. "Mukhang masarap" sabi niya pa.

"Siyempre ako nagluto niyan eh" sabi ko pa sakanya. Sabi ko sakanya at ngumiti at medyo natawa din siya sa akin.

"Kumain ka na?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa. Nakatulog kasi ako kanina kaya ngayon ko lang din nabigay yung pagkain wala ding grab eh kaya d ako makabook" sabi ko sakanya.

"Oh upo ka. Sabayan mo na ako" sabi niya sa akin at giniya ang upuan na ansa kanyang harap. Umupo naman ako roon.

"Eat" sabi niya at binigyan ako ng pinggan.

"Masarap ba?" sabi ko matapos niya kainin ang niluto ko. Nakita ko naman siyang tumango kaya ako napangiti.

"Masarap siya. Iba siya sa mga adobo na natikman ko actually"

"Wow salamat po" sabi ko pa at nag-bow kunyari at dahilan para tumawa siya kaya natawa din ako.

Natapos kaming kumain at hindi pa rin natila ang ulan.

"Aren't you cold?" tanong niya sa akin.

"Ah hindi naman" sabi ko sakanya.

"Huh? Iba ang sinasabi mo sa pinapakita mo" sabi niya at umalis sa harapan ko, at nang bumalik siya ay may dala na itong isang tuwalya at isang t-shirt.

"Here, wear this." sabi niya sa akin.

"At bakit?" sabi ko pa.

"Alam ko nilalamigan ka kanina pa" sabi niya sa akin at tinuro niya din kung nasaan ang cr kaya pumunta ako doon at nagbihis.

Ang bango ng damit. Napangiti ako at sinuot ito. Teka nga lang nagkaroon ako ng sudden realization, kasi parang ang bilis ng mga nangyayari kasi last week lang nagkabanggaan kami ng sasakyan tapos ngayon parang ang komportable ko na sakaniya at parang walang nangyari. Ang bilis ba namin or sadyang mabilis lang talaga ako ma-uto?

along baguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon