Nagising ako ng maramdaman kong paranh bumabaliktad ang aking sikmura. Napa bangon ako bigla at dumiretso sa banyo.
"Nyare sayo teh?" sabi ni Tala na nasa likod ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila at nagpa alam si Tala kay mama na dito muna ako matutulog sakanila, at pumayag naman si mama dahil malakas ang kapit ng kaibigan kong toh sa nanay ko.
"Ha?" sabi ko sakanya at bumangon na at naghilamos.
"Okay ka lang, teh?" sabi naman niya. " 'di ka naman buntis diba? ganyan na ganyan naramdaman ko nung buntis ako kay Tali eh" dugtong niya pa.
"Ha? Hindi noh" pagtatanggi ko pa. Eh paano naman?
"Something's fishy ha. Sige nga patunayan mo nga" sabi niya at may hinanap pa sa pouch niya at ipinakita ang isang box ng pregnancy kit.
"Aanhin ko naman yan?" sabi ko pa at tiningnan siya pati ang hawak niya.
"Kailan may huling nangyari sa inyo?" tanong niya sa akin at sumandal sa hamba ng pintuan ng kanyang kwarto.
"Last month? Bago siya umalis." sabi ko pa.
"Oh edi possible. Nag condom ba kayo?" dugtong nya.
"Hindi eh" sabi ko pa.
"Nag pi-pills ka ba?"
"Hindi din" sagot ko sa tanong niya.
"Edi possible. Boba! Gamitin mo na yan para malaman na natin at pupuntahan ko muna anak ko." sabi niya pa sa akin.
Ginawa ko na ang nasa procedures at naghintay ng ilang minuto. Ilang minuto ang lumipas ay may biglang lumabas na dalawang pula sa gitna ng prenancy kit at medyo malabo pa ang isang linya nito.
Possitive.
Napatulo ang aking luha habang nakatingin sa tatlong pregnancy kit na nasa harapan ko.
"Anong nangyari sayo?" bungad ni Tala sa akin at tinulungan akong tumayo dahil hindi ko namalayang napa upo na pala ako.
"Possitive, teh." sabi ko sakanya.
"Sabi sayo eh" sabi niya sa akin at natatawa pa. "Nanay ka na gago" dugtong pa niya at nagyakapan pa kami.
There's an angel inside me. May anak ako. Just hang in there, love.
