Zahara's POV
I smiled as I look at his angelic face. Mukha siyang anghel na nahulog mula sa langit pero hindi eh nanggaling siya sa akin. Kamukhang kamukha niya yung ama niya.
Napangiti ako habang nakatitig dito. Naaalala ko ang ama niya sa itsura nito. Apaka gwapo naman ng anak ko!
"Zar" sabi ni Tala at umupo sa tabi ko.
"He's here" sabi niya at biglang bumukas ang pintuan at napatingin naman ako doon.
Kinakabahan ako habang nakatitig sa taong hindi ko nakita ng isang taon. Unti unti ako ngumiti at nakita ko naman ang pag iba ng ekpresiyon niya ng makitang may dala akong sanggol. Then he walked towards me at nagsimula uli akong kabahan dahil doon.
Pumunta siya sa tabi ko at hinayaan naman kaming dalawa ni Tala na mag-usap at lumabas na din si Mama at nakuha pa ako nitong ngitian.
"Uh" I cleared my throat. "Surprise?" sabi ko ng may pag aaalinlangan pa. At tumingin naman siya sa akin. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata. Naguguluhan na ako. Magagalit ba siya sa akin? I mean, handa naman akong harapin lahat ng galit niya.
Namuo ang katahimikan sa aming dalawa habang siya naman ay nakatingin pa rin sa anak namin. Nagulat naman ako ng biglang umiyak ang anak namin kaya bigla akong kinabahan dahil doon.
"I'll hold him" sabi niya at siya na ang humawak nito. At nagulat naman ako ng bigla itong nanahimik at nakita ko ring mas siniksik ng anak ko ang sarili niya sa kanyang ama. Alam na alam niya ang amoy ng ama niya.
Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lamang pumasok ang isang nurse at sinabihan kaming ibabalik muna sa nursery ang anak namin. At nang kaming dalawa nalang ang natira sa loob ng kwarto ay nilamon uli kami ng katahimikan.
I cleared my throat before saying "Sorry" sabi ko sakanya at nagsimulang nanginig ang aking boses. "I'm sorry hindi ko nasabi sayo" sabi ko at lumabas ang luha sa aking mga mata.
"I'm sorry" sabi niya din sa akin at bigla siyang napa-upo sa upuan na nasa tabi ko. "I'm sorry. I wasn't there. I'm sorry babe" sabi niya at bigla niya akong niyakap. "Sorry kung wala ako kanina, nung namimilipit ka sa sakit." namuo ng katanungan ang aking isipan. "Sorry babe. I'm really sorry, babawi ako." sabi niya sa akin.
I explain it all to him.
"Kinabahan kasi ako, kasi baka bigla kang umuwi dito at hindi mo na matupad mga pangarap mo. I was just scared kasi noon mo pa yon sinasabi at kinekwento sa akin na gusto mo maging neurosurgeon and I want you to reach your own dreams. At kung sasabihin kong buntis ako baka umuwi ka nalang dito sa pinas at malimutan mo na ang mga parangarap mo. Kinaya ko naman diba? Are you proud of me, babe? Kinaya ko diba?" sabi ko sakanya.
"I'm proud of you. I really am proud of you." sabi niya at hinalikan ako sa aking noo. And he keeps whispering sorry to me.
"Proud din ako sayo. You've reached your own dreams babe. You're now a neurosurgeon and i'm very very very proud of you. You've reached your dreams na" sabi ko st hinawakan ang kanyang dalawang pisngi.
"Don't cry too much, hun. Baka masira yung tahi mo. And first of all I haven't even reached my dreams yet. Hindi ko pa naaabot ang isang pangarap ko." sabi niya habang nakatingin sa akin.
"What is it? Handa uli akong magparaya para sa pangarap mo" sabi ko habang natatawa. "Joke HAHAHA sabi ko nga diba hindi na kjta papakawalan pag umuwi ka na so naka kandado ka na" sabi ko sakanya. "So ano pa yung isa mong pangarap?" sabi ko sakanya at humilig sa kanyang dibdib. Nakatayo kami ngayon at inaalalayan niya pa ako ng kaunti dahil nga medyo masakit pa ang tahi ko. And then suddenly I got shock with what he said at buglang nanghina ang aking tuhod.
"To marry you" sagot niya ng walang pag aalinlangan. "Isa sa mga pangarap ko ang makasal sayo, Zahara Feyre Abella." sabi niya at nabigla ako ng may nakita akong kumikinang na nasa harapan ko at hinahawakan niya. "So, tutulungan mo ba uli akong abutin ang mga pangarap ko?" he said and then kneeled infront of me.
"Tumayo ka nga jan" sabi ko sakanya habang patuloy na bumubuhos ang luha sa aking mga mata. "May singsing na naman tayo ah" sabi ko sakanya at pinakita ang singsing na binigay niya sa akin noong nakaraang taon bago siya umalis.
"That's our promise ring, hun." sabi niya sa akin. "This" he then showed me the ring inside the pandpra's velvet box "Is our enggagement ring" sabi niya kaya tumango ako doon.
Tumango uli ako dahil hindi niya ata naintindihan ang ibig sabihin non.
"Oo nga sabi ko. Tutulungan kita, pano kita hindi tutulungan eh may anak na nga tayo?" sabi ko sakanya kaya bigla nalang siyang sumigaw kaya tinakpan ko agad ang bibig niya and then he slid the ring inside my ring finger.
"Bagay na bagay sayo" sabi niya sa akin. "Pero mas bagay ka ata sa akin" sabi niya din and then hugged me from behind.
