Prelude

23 2 0
                                    

Nagawa ko na halos lahat ng gusto ko sa buhay pero parang may kulang. May kulang sa buhay ko at iyon ang tinitibok ng puso ko. Hinihintay ko siya kahit wala akong kasiguraduhan na babalik pa siya.

May tiwala ako sa kaniya at sa pakiramdam ko kaya kahit wala akong alam kung kailan siya babalik at kung nasaan siya, maghihintay pa rin ako.

Kasalukuyan akong nasa isang club para mag-perform. Simpleng gig lang naman at sanay na kami do'n. Kasama ko pala ang mga friends ko at sila rin naman ang co-band members ko dati sa college hanggang ngayon.

Nasa backstage palang kami kaya todo prepare na ang iba kong kasama. Samantalang ako ay nakaupo lang sa tabi at hinihintay ang hudyat kung saan papasok kami sa stage.

Nag-salita na nga ang host kaya umayos na rin ako at pinakinggan ang sasabihin niya.

"Hello, hello, madlang people! I'm Jeffrey pero sa gabi ay Jeffy! Magandang gabi sa inyong lahat at ngayon ay masisilayan natin mag-perform ang bandang Alloud! At syempre may nag-request!" pinutol niya muna ang sasabihin para mas intense.

"Na isang audience natin na kung pwede daw ay maging vocalist siya sa bandang ito ngayong gabi!! Pero bago siya tumuntong dito sa stage natin ay tanungin muna natin ang mga members ng Alloud kung papayag ba sila na ang isang audience ay maging vocalist nila! So, 'wag na nating patagalin pa.. Here's the band names, Alloud!" mahabang paliwanag at pag-tawag sa amin ng host sa club na ito.

Lumabas naman kami mula sa backstage at nag-palakpakan naman ang mga tao. Katulad ng nakasanayan ay dumako lang kami sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Feigh, kung ikaw ang tatanungin papayag ka ba na maging isang vocalist niyo ang isang audience?" mala-news reporter na tanong ni Jeffy kay Feigh.

"Yes, of course.. Why not 'diba? Tsaka malay niyo mapalitan si Ranz.. Charot lang, magaling din yan si Ranz." biro pa ni Feigh. Porque wala ang pinsan ko gusto niya na atang palitan, gaga talaga!

Lumapit naman si Jeffy sa iba kong kasama at payag silang lahat. Ako nalang ang hindi nakakasagot. Well, okay lang naman din sa'kin.

"Last but not the least! Lix, if tatanungin ka kung payag ka ba na maging vocalist niyo ngayong gabi ang isa sa mga audience natin, Papayag ka ba?" tanong niya naman sa akin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nakakakita ako ng mapanuksong tingin.

"Oo naman, bakit hindi? Masaya din na mag-karoon ng ibang kasama sa banda pero sana marunong at maganda siyang kumanta." pag-payag at pakiusap ko na rin sa audience daw na nag-request.

"Dahil payag ang lahat ay I-welcome na natin si-" pinutol muna ni Jeffy ang sasabihin niya, nag-tataka ako kung bakit sa akin siya naka-tingin. "Banana!" pagtawag ni Jeffy sa audience.

Bakit naman Banana ang pangalan niya? Maganda naman pero ba't ganon?

Habang umaakyat sa stage yung Banana ay hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan dahil audience lang naman siya at alam kong wala namang mangyayaring masama. Pero iba ang kabang nararamdaman ko. Ito yung kabang may halong excitement at tampo sa hindi ko malamang dahilan.

Nakarating na nga siya sa stage at kahit naka-sumbrero ay nakikita ko pa din ang mga mata niya. Tinitigan niya ako at nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Medyo hawig niya yung hinihintay ko. Naalala ko na naman siya.

Bumalik na kaya siya?

Kung sakaling bumalik na siya, hindi ko pa alam kung handa ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya. Pero alam ko sa sarili kong siya pa rin talaga.

Mabalik tayo sa reyalidad, nasa pwesto na nga ang lahat. Hinihintay nalang ang hudyat ng host na si Jeffy at mag-sisimula na kaming kumanta.

Si Banana sa pinaka-harap dahil nga vocalist, Ako naman ay nasa bandang likod dahil drummer. Sina Casey at Jadi ay nasa magkabilang gilid sa bandang likod. Sina Ferix at Feigh naman ay nasa magkabila sa bandang unahan.

"They will perform, 'Ikaw Lamang' by Silent Sanctuary.. So, Let's all give around of applause for Alloud!" sabi ni Jeffy at agad namang nag-intro si Jadi. Siya kasi ang nasa violin.

Hindi pa nag-sisimula ang kanta pero natutuwa na ako sa hindi malamang pakiramdam.

"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso, tuwing magkahawak ang ating kamay." panimula niya. Para naman akong tinamaan sa linyang iyon. Naaalala ko na naman siya. Arghhh!

"Pinapanalangin lagi tayong magkasama, hinihiling bawat oras kapiling ka." sana nga lagi kaming magkasama.

"Sa lahat ng aking ginagawa ikaw lamang ang nasa isip ko sinta, Sana'y di na tayo mag-kahiwalay. Kahit kailan pa man." siya lang talaga.

"Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong inaasam.. Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta, wala na akong hihingin pa.. Wala na, ooh-ooh-ooh." humarap siya sa akin habang kinakanta ang linyang iyon habang naka-ngiti siya. May kung ano sa akin na umaasang bumalik na siya at siya ang kumakanta ngayon sa harap nang lahat.

Maikli lang ang instrumental break kaya inayos niya lang ang microphone niya.

"Ayoko ng maulit pa ang nakaraang ayokong maalala, bawat oras na wala ka parang mabigat na parusa, 'Wag mong kakalimutan na kahit nag-iba. Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta." si Ferix naman ang kumanta at damang-dama niya ito.

"Sa lahat ng aking ginagawa, ikaw lamang ang nasa isip ko sinta. Sana'y di na tayo magkahiwalay kahit kailan pa 'man." bumalik kay Banana ang pag-kanta at parang ang bawat linya na kaniyang inaawit ay tagos sa puso niya.

"Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong inaasam. Makapiling ka habang buhay ikaw, lamang sinta.. Wala na kong hihingin pa, wala na ooh-ooh-ooh." sa pagkakataong ito ay sabay na sila ni Ferix.

Instrumental break na naman at mahaba ito kaya nag-v-vibe lang kami sa bawat tunog ng musika.

"Ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang tangi kong inaasam.. Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta.. Wala na akong hihingin pa, wala na ooh-ooh-ooh." pagkanta ni Banana sa huling part ay tumingin pa sa akin. Sa 'di malamang dahilan nakaramdam ako ng paru-paro sa aking tiyan. Weird.

Natapos ang unang kanta at sumunod naman ang isa. Siya pa din ang kumanta dahil request ng isang audience namin.

Lumipas lang ang oras at natapos ang gig namin. Bumaba na kami sa mini stage at pumunta sa backstage. Ibang banda na kasi ang kakanta. Hinatak agad ako ni Feigh sa tabi at may binulong.

"Lix, paki-puntahan nga yung pinto na 'yon.. Kuhanin mo daw yung gitara ni Ferix." utos ni Feigh na hindi ko malaman kung bakit pabulong pa. Pwede niya namang sabihin sakin iyon ng hindi pabulong.

"Bakit hindi siya ang kumuha?" takang tanong ko at hindi na sumagot si Feigh at nginuso na lang yung pintuan kung saan doon nakatago ang mga instrumentong ginagamit namin.

Naglakad lang ako sa hallway papunta roon at dahan-dahan itong binuksan dahil baka may mga instruments na naka kalat sa sahig. Mahirap ng makasira ng ibang gamit.

Nang mapagtantong walang nakaharang ay binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan at nagulat ako dahil may tao. Sa kabilang banda ay natatakot ako dahil madilim din. Hindi ko makapa yung switch ng ilaw!

May liwanag naman na pumapasok sa kwarto ngunit hindi sapat iyon para makita ko kung sino yung taong 'yon. But judging his scent... Napagtanto kong iyon yung vocalist namin kanina. Naka-upo siya sa parang malaking box at feeling ko iyon yung lalagyan ng iba pang mga instrumento.

"What are you doing here?" siya ang unang nag-tanong. Nanatili lang kasi akong nakatitig sa anino niya dahil kahit may liwanag na pumapasok sa pintuan, hindi pa din sapat iyon para makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Baka may gawin siyang masama! Ang katawan ko ay hindi para sayo!

"Kukunin ko lang yung gitara ni Ferix." sakto naman na nasa likod niya iyon. Aabutin ko na sana ngunit bigla akong nasubsob sa mga hita niya. Wth?!

Tinulungan niya akong makatayo kaya yumuko siya sa akin... At doon ko nakita ang kabuuan ng kaniyang mukha at mas lalong nag-tama ang tingin naming dalawa.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Tumahimik ang paligid nang mapagtanto namin ang isa't isa. Siya, siya yung tao na inaasahan ko na babalik pa. Siya 'yong tao na umalis ng walang pasabi... Saggi...

____________________

Prelude

Beat Of Hearts (Alloud Band #1) Where stories live. Discover now